"Hey bess are you okay? kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan ah mukha ka ng baliw." Pagpansin ni Chesca sakin.
"Don't mind me Ches. I'm just happy" Nakangiti kong sagot sa kanya habang pinapasok ang mga libro ko mula sa locker.
"For what? sa nangyari ba kanina? naku bess! kung di lang sya agad umalis dun baka hindi lang sampal ang nagawa ko sa kanya no!" Nang gigigil paring sabi ni Chesca na ikinatawa ko
"Ano ka ba naman bess! hindi naman dahil dun kaya masaya ako.." Sagot ko na nakangiti parin
"Oh saan?" Tanong naman ni Chelsea na nasa kabilang gilid ko
"Dun sa sinabi nya..." Nakangiti ko paring sabi.
"What?! Don't tell me--"
"Oo ches and chel umaasa ako na magkakabalikan parin kami na mahal nya parin ako" Nakangiti kong sabi at kinuha na ang biology book ko at tumalikod na sa kanila na nakangiti parin.
Habang naglalakad ako may nararamdaman akong nakatingin sakin mula sa malayo kaya tinignan ko ang paligid at nakita ko si Min na nakatayo sa tabi ng puno at nakatingin sakin ng sobrang sama. Anong nangyayari sa kanya?
"O bessy bat ganyan yang mukha mo? mukha ka ng iiyak!" Natatawang sabi ni Chelsea at hindi ko na sila pinansin at tuloy tuloy na ko sa room.
"Okay class get your book now! If I ask you to answer my question answer it or else you will be going to stand the whole period" Ma'am Santos said, She's our terror teacher in math sya lang naman yung teacher na ipapahiya ka sa buong klase kapag hindi mo nasagot ang tanong nya. tch! sana lahat nalang ng teacher katulad ng adviser namin na si Sir Angelo gwapo na mabait pa! hihihi^^,
"Uyy! Lhae tawag ka ni ma'am." Pasimpleng tawag sa akin ni Chelsea kaya napatayo ako bigla.
"First day of class you already daydreaming on my class ms?! If you don't want my subject then get out!!" Halos mabingi ako sa sigaw sa kaya napayoko nalang ako.
"N-no ma'am I'm just t-thinking for the answer..."Sagot ko kahit hindi naman totoo
May narinig akong mahihinang tawa na ikinabahala ko. Lagot na! mas lalong dumilim ang pagmumukha ng terror teacher naming to.
"Really? you're already thinking for the answer while I didn't even give the question? How genius! Bravo!" Sarcastic nyang pagkakasabi at pumalakpak palakpak pa.
"Then what do you think the answer now?" Seryoso nyang tanong sa akin
Huhuhu T___T Pahiya ako dun ah! sa dami naman kasing subject sa kanya pako hindi naging alert
"S-sorry ma'am..." sabi ko at yumuko nalang dahil mas lalo akong natatakot sa kanya
"Sorry is not enough! pumunta ka salikod at tumayo ng maayos" Sigaw nya saakin at inisnob ako.
Kaya wala akong nagwa kundi ang pumunta sa likod. habang naglalakad ako napansin ko si Min na masama ang tingin kay Ma'am at nung mapatingin sya sa akin kinunutan nya lang ako, kaya yumuko nalang ako at nagderederetso sa likod.
"Face the wall!!" Sigaw ni Ma'am Santos kaya mabilis akong umikot dahil sa takot.
"Okay class that's all for the day! Bring your book tomorrow or else you're going to stand the whole period at the back with book! Goodbye." Sabi ni Ma'am Santos.
Kaya pagkalabas nya naglakad nako papunta sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko dahil uwian na.
"Bessy, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Chelsea saakin. Tumango nalang ako sa kanila at niyaya na silang lumabas.
"O ayan narin pala ang sundo mo bess Ingat kayo ah, wag mo ng isipin yung nangyari kanina. Take a rest babye " Sabi ni Chesca at bumeso na sila sa aking dalawa.
"Mag iingat din kayo bessy babye." Pilit na ngumiti ako sa kanila at hinintay makalapit sakin ang van.
Pasakay nasana ako nun ng makita ko si Josh na may inaalalayang babae papasok sa kotse nya. kailan pa sya nagka kotse? e dati nga kahit gustong gusto nyang magka kotse di sya binibilhan kahit may pera naman sila oh anong nangyari bat may kotse na sya? at hindi man lang ako ang unang nakasakay? at higit sa lahat sino yung babaeng yun?
"Hoy! pasok na lusaw na yung tinititigan mo dyan." Sigaw ni kuya kaya inisnob ko nalang sya wala ako sa mood makipag talo sa kanya ngayon eh."Nandito na po kami." Walang ka gana-gana kong sabi ng makapasok na kami sa bahay.
"O mga anak gusto nyo ng snacks? gagawan ko kayo." Pagtatanong ni Manang sa amin.
"Hindi na ho ako manang akyat na po ako sa kwarto ko" Sabi ko at umakyat na, Narinig ko pa si Manang na nagtanong kay kuya kung napano daw ako at kung nasa mood lang ako baka natawa nako sa sagot nya, "Baka po nadapa nanaman dahil tuwing first day of class laging umuuwing tahimik, yun pala nadapa nanaman." Sagot ni kuya kay manang kung nasa mood lang ako baka pinagmalaki ko na sa kanila na di nako clumsy at di nako nadapa ngayon. Kaso puso ko naman ngayon ang nasugatan hays.
Mabilis akong nakatulog dahil narin siguro sa pagod at sa mga nakaka stress na pangyayari sa first day ko. Nagising nalang ako dahil sa may kumakatok sa pinto ko.
"Lhae tumawag sa Landline si Chelsea. bat hindi mo daw sinasagot calls and text nilang magkapatid." Sabi ni kuya kaya tumayo nako para kunin sana ang Cellphone ko sa Cabinet pero ilang beses ko ng kinapa kapa pero wala ang cellphone ko. Inisip kong mabuti kung saan ko nailagay ang cellphone ko.
"Sh*T naiwan ko sa locker ko yung phone ko!" Pabulong kong sabi.
"Ano yun lhae?" Pagtatanong ni kuya.
"Wala po kuya, sabi ko naiwan ko phone ko sa Locker ko sa school." Sabi ko kay kuya at sinabing bumaba narin daw ako ako at kakain nakami.
Bigla pumasok sa isip ko yung mysterious text kanina sabi nya mag usap daw kami after class OMO! nakalimutan ko! tsk tsk. Hayaan na nga di ko naman yun kilala tska baka na wrong send lang.
"Lhae are you okay? Kanina kapa tahimik which is hindi ikaw, may problema ba?" Napatingin ako sa nagsalita at si Daddy pala iyon.
"Sorry dad may iniisip lang po." Sabi ko kay dad at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Huwag mo na syang isipin Lhae. He's not worth it." Nagulat ako sa sinabi ni Daddy kaya napatitig ako sa kanya.
"D-dad..."
"Alam kong si Josh ang iniisip mo Lhae, don't mind him alam kong nagkita kayo ngayon dahil schoolmate kayo, nabalitaan ko rin na kasama nya sa school nyo ang fiancée nya." Seryosong sabi ni Dad at sila mom and kuya ay nakikinig lang sa amin.
"What?! Kanino nyo po yan nalaman?" pagtatanong ko. Sya ba yung inaalalayan ni Josh kanina papasok sa sasakyan nya? Di ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha sa mga mata ko, Ano bang ibig nyang sabihin dun sa mga sinabi nya kanina? na pati sya nahihirapan o bakit mukha naman syang masaya kasama yung babaeng yun kanina! Liar liar josh!!
"Sa parents ni Josh nakasalubong namin sya ng mommy mo kanina sa mall at nakita naming botong boto sila sa fiancée ni Josh." Sagot ni Dad. E ako nga ni hindi ko pa nakkita sa personal yung parents nya dahil laging busy sa business nila tas ngayon malalaman ko na botong boto yung parents nya sa fiancée nya na never kong narinig na may sinabing ganyan yung parents nya sa akin.
"Stop cying baby..."Sabi ni mom habang tinatap ang balikat ko.
"E-excuse me po, tapos na po akong kumain punta na po ako sa room ko." Sabi ko at dali daling umakyat papuntang room ko.
"Bakit kahit sinasaktan mo nako mahal na mahal parin kita!! ahh!!" Sigaw ko sa unan habang pinagsusuntok ito! para sa paraang ito kahit papaano mailabas ko ang sama ng loob.
"K-kahit gusto ko ng kalimutan ka para matapos na tong pagdurusang nararanasan ko ay hindi ko parin kaya k-kase mahal na mahal talaga kita j-josh..."
Ang huli kong nasabi bago ako tuluyang nakatulog dahil sa pagod at sakit ng loob.
BINABASA MO ANG
Sweet Lovers turn to Mortal Enemies
Novela JuvenilIto ang kwento ng isang babaeng nag-mahal nang sobra sa kanyang kasintahan na niloko, iniwan at ipinagpalit lang sya sa ibang babae. Pero may darating na lalaking tuturuan ulit syang magmahal. Pero makakayanan nya kayang malaman na ang lalaking mina...