chapter 3

0 0 0
                                    

"ate sep, do you think if daddy didn't left us okay tayo?" i asked ate

"i think hindi, mas okay na to kesa andito pa rin siya" she answered me.

hindi na ulit ako nagtanong sa kanya, hindi ko siya tinanong kung bakit hindi. siguro may rason na hindi ko alam, siguro may alam siyang hindi namin alam.

"bwisit talaga to si janella eh no, ang laki laki na nang-aaway pa rin." aniya kuya.

"don't bother talking to her ha, hindi naman yan nakikinig." ate reminded him.

totoo namang hindi nakikinig si janella, kahit nanay niya pa ang mag sabi ay hindi niya ginagawa. sa tingin ko nga ay ginagantihan niya mga magulang niya dahil sa nangyari.

"hindi ko naman talaga kakausapin yan, baka magsasalita pa lang yan si janella sinapak ko na" sinagot niya si ate

"why do you talk like that ba, galing ka ba sa squatter area?" ate asked him

"kasama mo nga akong lumaki eh, parang hindi ka nag-"

hindi na natuloy ni kuya ang sinabi niya dahil pinalo siya ni ate sa likod. ayaw ni ate na nauungkat ang past niya, mas lalo na kung involved ang pamilya namin.

umaga na naman, papasok na naman at makikita ko na naman siya. siguro kada papasok ay gusto ko na siyang makita, simula nung makatabi ko siya hindi na siya naalis sa isip ko.

"may naghihintay ata sayo sa baba zea" aniya kuya

tinaasan ko siya ng kilay at bumaba, agad kong nakita  ang kambal. tangina, bakit sila nandito? at pano nila nalaman ang bahay ko?

nang makita nila ako ay niyakap agad ako ng dalawa. siguro walang araw na hindi nila ako niyayakap. their love language is physical touch, ako rin naman kaya hinahayaan ko silang yakap-yakapin ako.

"ang ganda ng bahay niyo zea, tapos ang ganda rin nung babae na nagbukas ng gate niyo" pag c-compliment ni vanessa sa bahay at don sa babae.

"sino ba nag bukas nang pinto?" tanong ko.

"sabihin namin sayo mukha niya beh. matangkad, siguro mga 5'8, mahaba buhok at may curtain bangs, naka heels, tapos fitted na dress, color red" sagot ni vanessa.

sakto naman ay pumunta si ate sa pwesto namin, siya ang nagbukas ng gate kila vanessa.

"hindi ka pa ba mag s-shower? baka ma-late kayo ng pasok" pag papa-alala niya sa akin.

nagpaalam muna ako saglit sa kambal at nag ayos ng sarili ko, pagbalik ko naman sa baba ay may iniinom na silang juice siguro tinimplahan sila ni ate.

nakita naman nila ako agad at kinawayan ako. pinagyabang pa sa akin ang iniinom nila, hindi nila alam ay expired na yang juice, joke.

"sarap, cheers vene" aniya vanessa, nakipag cheers din naman tong si vanetia sa kanya.

siguro mga 7:30 ay naka-alis na kami nang bahay tapos 8:00 ay nasa school na kami. si ate rin ang naghatid samin tapos kasama rin namin si kuya. ang kambal naman ay nag uusap tungkol kay kuya dahil pogi raw, hindi nila alam ay tangina non.

madaming tinanong samin si ate tungkol sa school, sa performance ko sa school at kung nag rerecita ba ako. si venetia namang tanga ay nakwento yung sa lagi naming pag aaway ni theodore sa mga sagot. tinitigan ako ni ate at kuya nang masama matapos nilang makarinig ng pangalan ng lalaki. panigurado ay magtatanong sila mamaya sakin tungkol dyan o isususmbong ako kay mommy.

"jusko ang init talaga, peram mini fan" pang aasar sa akin ni venetia dahil nasa tabi ko si theodore.

nilabas ko naman ang mini fan at inabot kay theodore, hindi ko na kasi nabalik sa kanya kahapon.

"thankyou samson" i smiled

he also smiled back, sign of welcoming me. ito namang si venetia ay naka smirk sa akin habang pabalik sa upuan niya. that means one thing, nag aassume siyang mag gusto sa akin si theodore.

mamaw kasi mag assume si venetia, puro what if at overthink tuloy ako dahil sa kanya. minsan talaga maniniwala ka na lang sa kanys dahil parang lahat ng kasinungalingan na sinasabi niya ay totoo. straight forward din to pero dinadaan niya muna sa joke bago sabihin talaga, unlike me na bigla na lang magsasabi.

sana na lang ay hindi pumayag si mrs.magtala na ilipat dito si vanessa kasi magiging parang nasa impyerno ang buhay ko rito sa classroom namin.

"may notes ka ba dun sa diniscuss ni sir kahapon" theodore asked me.

nilabas ko naman ang notes ko at pinakita iyon sa kanya.

"pwede bang pahiram? susulat lang ako ng konti"

tumango na lang ako sa kanya. how come na bigla na lang siyang nag notes eh hindi naman siya nag nonotes, sinasaulo na lang talaga ang mga pinag aaralan namin.

siguro ay kalahating oras siyang kumopya sa notes ko dahil marami iyon, hindi niya naman daw kinopya lahat dahil sobrang haba. nagreklamo pa talaga siya.

"ampota, boring. inaantok ako" pagrereklamo ko kasi sobrang boring naman talaga. pinapanood lang kami ng movie kasi wala naman daw ituturo si sir.

"sleep ka ulit, dito ka sa pwesto ko para may patungan ulo mo" pag aalok niya sakin.

pumayag naman ako na makipag palitan sa kanya ng upuan para matulog, antok na antok na rin kasi talaga ako. nasisikatan ako ng araw pero okay lang, basta makatulog ako.

habang natutulog naman ako ay sobrang ingay sa paligid ko kaya nagising ako agad. pagkagising ko ay may maliit na kahon na nakatakip aakin at hawak hawak yon ni theodore. sa gulat ko ay bigla akong napa-upo ng tuwid.

"PUTA" gulat na sabi ni theodore.

"hala, sorry po. nagulat lang sa panaginip" pagpapaumanhin ko naman

"palit na tayo ng upuan samson" sabi ko naman. hindi na siya nag salita at nakipag palit na lang nang upuan sa akin.

free time naman namin ngayon at nag s-scroll lang ako sa instagram. i noticed rin na parehas kami ng bracelet ni theodore pero ibang kulay yung sa kanya. mine was color yellow tapos ang sa kanya naman ay red. both colors are my favorite, and ang alam kong favorite color niya ay maroon.

pumunta ako sa camera at medyo pinag dikit ang kamay namin. pinicturan ko na lang yon tapos nag story ako sa ig, hindi niya rin naman napansin na pinicturan ko yon kaya hehehehe.

someone already viewed my ig story and lagi tong nag vview sa stories ko this past few weeks. ang user niya ay "kio.smsn" mukhang samson yung "smsn" no pero hindi naman kio ang pangalan niya at siya lang ang lalaki sa kanilang pamilya, maliban sa papa niya.

tumingin naman sa akin si theodore ng nakangiti at bakit ba siya nakangiti? hindi niya ba alam na kinikilig ako don? hay jusko. ang pogi niya talaga.

"your bracelet is pretty" he told me while smirking.

Forever PeaceWhere stories live. Discover now