Dear Ate CK,
Pa-shout out po ako sa pinakamamahal kong girlfriend. Happy Anniversary Mahal! Mahal na mahal na mahal kita ng sobra! Kahit napakasungit mo madalas. Pero okay lang, kaya nga kita minahal dahil don. Sana 'wag kang magbabago, kahit yung kasungitan mo kasi i love seeing you that way. Ang cute cute mong tignan Mahal.
Sana magtagal pa tayong magkasama. Kahit sabihin pa nilang walang forever, okay lang basta together natin papatunayan na mali sila. Never ever kitang kakalimutan lalo na ng puso ko. Gusto na kitang pakasalan, alam mo ba 'yon? Pero alam kong bata pa tayo at nag-aaral pa. At marami ka pang pangarap sa buhay. At nandito lang ako lagi at handang sumuporta sa'yo.
I love you & Happy Anniversary again Mahal!
Nagmamahal ng lubus-lubusan,
Briann
Comment:
Hay nako kuya! Okay na sana e. Ang cheesy na e. Ang kaso lang walang PANGALAN! Ni palayaw wala? Mahal lang? Paano naman miya malalaman na siya 'yon? Akalain pa non na marami sila kaya di mo pinangalanan.
Anyway, walang forever oy! Joke! Hahaha. Congratulations sa inyo at Happy happy Anniversary. May God bless you two.
A/n: Echos lang 'to! Wala kasi akong maisip. Pinapakilig ko lang talaga sarili ko. Hahaha. Ge.
![](https://img.wattpad.com/cover/40132301-288-k454093.jpg)