Dear Ate CK,
Paano po ba maging sikat sa Wattpad? Halos lahat yata ng genre nagawa ko na po. Pero wala pa ding nangyayari. Di pa rin ako sikat. Ano po bang dapat ko isulat? Ano po bang dapat kong gawin para tangkilikin ang estorya ko?
Sana po ay matulungan niyo ko. Maraming salamat po.
Freya
Comment:
Di ko rin alam kung paano maging sikat kasi di rin ako sikat. Tanong natin sa mga sikat na.
Anyway, basta para sakin, sumusulat ako at sinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng maisip ko. Kumbaga parang opinyon ko na din yun. Minsan din kasi dito ko na nilalabad ang nararamdaman ko.
Dati okay na ko na walang nagbabasa ng mga gawa ko kasi parang diary ko 'to dati, para siyang private kasi walang nagbabasa.
Basta pagpatuloy mo lang ang pagsulat ng mga estorya. Hindi naman importante kung sikat ka o hindi basta ang importante may nagbabasa sa mga sinusulat mo at patuloy ka nilang sinusubaybayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/40132301-288-k454093.jpg)