Proud OPM listener

19 1 0
                                    

Dear Ate CK,


Magandang gabi sa inyong lahat. Nais ko lang pong sabihin na ano bang masama sa Rap song? Bakit may mga tao kapag may narinig na rap song ay parang nandidiri sila sa rap song. Kapag may narinig silang taong nakikinig sa rap song, gangster agad? Pero kapag ang mga foreign songs na may rap ay parang normal lang. Hindi pwedeng nagagandahan lang sa Rap song? Hindi ba pwedeng naa-apreciate lang naming ang husay at galing nila sa pagra-rap at sa paggawa ng kanta? Minsan nga makahulugan pa ang nagagawa nila.

Sabihin na nating minsan may mura yung kanta nila, e sa ganoong paraan nila nailalabas ang gusto nilang sabihin. Wala naman silang sinasabing specific na pangalan. Kasi pang-general ang kantang ginagawa nila. Ang mga foreign songs din naman ay may mga mura nang di natin namamalayan.


Jeena



Comment: Tama. Dapat wag natin silang maliitin na mga rapper. Ang dami-dami kayang mga magagaling sa Pinas. Gaya na lang ni Gloc-9 at Francis M. Napakatanyag na Rapper ang mga yan. Si Aikee na sumikat sa kantang Kahit bata pa ako at Dota o ako. Ang gagaling kaya nila. Pati ang mga Fliptoppers, hindi lang iyon basta pabilisan ng salita, pabilisan din mag-isip ng sasabihin kasi minsan ang mga kinakabisado mo ay mauubos kapag nandoon ka na. Pabilisan din mag-isip kung paano ira-rhyme ang bawat salita. Ang iba din sa kanila ay gumawa ng sari-sariling kanta na sumikat at kinakanta sa Pinas. At tandaan, wala din sa itsura 'yan. Bakit? Kasi sino ba namang di nakakakilala kay Zaito na bumisita pa sa Showtime? (Hindi po sa nilalait ko siya) Pero kahit ganoon ang itsura niya ay binabalewala niya ito at sobrang ganda ng kanta niya na Lumuhod man ako. Muntik pa kong mapaiyak at tagos 'yon sa puso ko kahit di naman ako ganoon. Tapos nung narinig ko ulit 'yon sa palabas ni Willie R. ang daming humanga sa kanya non.

Kaya sana yung mga nag-iisip diyan na pangit ang rap songs, nagkakamali po kayo. At hindi rin po agad gangster kapag may marinig kayong kumakanta o nagpapatugtog non.

Iyon lamang. Maraming salamat sa iyo sa pagbibigay ng mensahe tungkol dito.



CeeKhay's Message:

Ito po ang sinasabi kong gustung-gusto kong i-share sa inyo.

Pati ang susunod na chapter. Para sakin maganda rin 'yon. Nais ko din pong i-share sa inyo 'yon.

Ang lahat po ng napapaloob dito at sa iba pang mga ginawa kong samples ay mga purong opinyon ko lamang. Wala po akong specific na pinatatamaan o sinasabihan. Para po ito sa lahat ng nakakabasa. Kung ganoon man ang pananaw ninyo ay sana nabago ko po iyon sa ganitong paraan. Sana ay maging malawak ang ating isipan sa mga ganitong bagay.

Mahilig din po kasi ako sa rap song. Specifically sa OPM. Ang dami po kasi ngayong new singer at banda na ang gaganda ng boses at ang galing gumawa ng kanta. Syempre, nakikinig din naman ako sa mga foreign songs, magaganda din ang songs nila. Pero mas prefer ko po talaga ang OPM songs. Kahit sa cellphone ko mas marami ang OPM kasama na ang mga rap songs kaysa sa Foreign songs. Hindi ko rin po minamaliit ang mga foreign songs. Ang mas masasabi ko lang siguro ay proud akong OPM listener.


P.S. Crush ko po si Aikee. Hihihi. :">

Alam niyo bang DJ siya ngayon sa isang radio station na purong OPM songs ang tinutugtog ?

Dear Ate CK,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon