I Love Agents <3

11 0 0
                                    

Dear Ate CK,

Good day po sa iyo. Pareho po tayo ate CK, mahilig din po ako sa actions. Love na love ko din pong magbasa na may nga agents. Ang gagaling po kasi nila na nalulutas nila lahat parang ang hirap malaman kung sino talaga ang may sala. At nakakabilib din po yung mga gadgets na gamit nila. Katulad ng singsing, akala mo simpleng singsibg lang iyon, yun pala parang may magic doon na maari kang protektahan. Katulad ng mga palabas ni Jackie Chan, idol ko rin po 'yon. Ang astig po. Pareho tayo ng idol kaya idol ko rin po kayo.

Totoo kaya na may mga agents dito sa Pinas? Ang astig lang kasi kapag mayroon nga.

'Yon lamang po, maraming salamat po sa pagbabasa.


Truly yours,

Hiena



Comment:

Wow! Thank you! Talaga idol mo ko? I'm glad na idol pareho tayo ng idol, idol ko rin kasi sarili ko. Wahahaha. Joke lang! Tama, idol ko rin si Jackie Chan, galing galing niya no?

At yung tungkol sa mga agents, yeah, adik ako sa mga ganoon. Tuwing nakakarinig ako ng agents, parang naeexcite agad ako. Ang astig talaga kasi nila lalo na kapag may babae diba? At ang astig din ng mga author ng mga ganoong libro kasi parang totoo. Naiimagine at nadadala talaga ako sa mga 'yon. At yung tanong mo, di ko rin alam kung totoo sila. Tanong ko din yan e. Sana nga totoo sila tapos gusto ko ding maging isa sa kanila ang kaso lang di ako marunong mangarate.

Mayroon din akong napanuod na agents yung parents tapos nalaman ng mga anak nila. Hanggang sa naging agents na sila buong pamilya. Ang astig din non! Di ko nga lang matandaan ang title.

Anyway maraming salamat sa pagsusulat mo.



CeeKhay's message:

Gawa-gawa ko lang 'to. Adik na talaga kasi ako sa mga agents.

May ipo-post po pala ako bukas dito na magandang topic. Sana'y mabasa niyo. Nais ko po talagang ipaalam ang aking tunay na nararamdaman, charot! Basta po bukas, ipopost ko, after class ko at syempre pagkauwi ko dito samin.

Dear Ate CK,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon