Dear Ate CK,
Pa-shout out sa lahat ng nagbabasa, nagsusulat at gumagawa ng mga kwento dito sa Wattpad.
Pagpatuloy niyo lang po 'yan. Okay lang 'yan kahit konti lang ang readers, commenters at voters. Magpost ka ba ng estorya sa Wattpad para sumikat ka lang? Di ba hindi? Nagpost ka dahil gusto mo lang. Nagpost ka dahil gusto mo lang ilabas ang mga nararamdaman mo. Nagpost ka dahil gusto mo i-share ang naiisip mo.
Walang pinag-iba 'yan sa sumasayaw , kumakanta, gumagawa ng tula, pintor, uma-acting, magpost ng status sa facebook & twitter, atbp. Pare-pareho lang natin nilalabas ang mga nararamdaman natin.
Tuloy lang ang buhay. Kung may haters ka naman, hayaan mo lang sila. Mapapagod din 'yan sila. Kahit sa totoong buhay may mga haters. Kahit anong bait ang ipakita mo, ganon pa rin. Hayaan mo silang pagkaguluhan ka nila.
Truly yours,
Cassmira
A/n: Tinatamad na kong magcomment. Ang hirap kausap ng sarili. Hahaha. Kayo namang bahalang magcomment.