May ishe-share lang po ako.
Naalala ko noong nakaraang araw na yung nasakyan kong jeep bumili siya ng sigarilyo sa naglalako sa daan, tapos biglang nabangga yung nagtitinda ng isang lalaki na doon dumaan sa gitna. Dahil don nahulog ang paninda niya na mga candy since may tali yung mga sigarilyo. Napatingin lang siya sa nakabunggo sa kanya. Hindi man lang nagalit si Kuya don sa bumangga. Then binigay niya yung sigarilyo na binili ng driver. Umandar na yung sinaktan kong jeep tapos sinundan ko siya ng tingin at dali dali niyang pinulot yung mga candy.
Parang naawa tuloy ako sa kanya.
Ang hirap pala talaga ng ganoong trabaho. Yung nasa gitna ka mismo ng kalsada at di alintana ang panahon na mainit at di natatakot na maaksidente.
Sayang lang at di ko nakuhanan ng picture. At di ko din masyadong na mukhaan.Leema