Chapter 3 - Maria Girl

355 12 0
                                    

Charline POV

"Aba, bruha! Tanghali na, tulog ka pa rin? Edi sana pala sa inyo ka na lang natulog at hindi diyan sa Isla!" napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Charline ang bumungad sa akin ng sagutan ko ang tawag nito na sana ay hindi ko na lang ginawa.

"Pwede bang mamaya ka na tumawag? Ang sakit kasi ng ulo ko at saka fyi lang ha, galing ako sa isang birthday part kagabi. I even made friends, mamaya mo na ako bulyawan!" napabaling ang tingin ko sa orasan at nakita niyang alas diyes na ng umaga. "Nasaan ka ba? Nakauwi ka na?" tanong ko pa.

"Pauwi pa nga lang ako galing sa trabaho. Antok na antok na ako girl, straight duty kasi ako ngayon kaya nakakainis din," sagot naman nito. Hindi na nagtagal ang pag uusap namin dahil nagpaalam na din ako, gusto ko na kasing kumain dahil kanina pa tumutunog ang tiyan ko. Naligo lang ako saglit, nagsuot ng simpleng dress at saka lumabas para maghanap ng makakainan.

Nakarating ako sa isa sa sikat na kainan dito sa Isla kaya umorder agad ako ng kanilang best seller, habang hinihintay ko ang pagkain ay bigla na naman sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin ng aking ex boyfriend, idagdag mo pa ang huling pag uusap namin  ni Sebastian na nakilala ko dito sa isla. Sa totoo lang ay wala naman akong plano na maghiganti kay Daniel dahil wala naman na akong magagawa sa nangyari, mas mabuti na 'yon dahil kahit papaano nalaman ko ng niloloko ako nito, ang kaso lang ang tagal kung nagpakatanga dahil inabot kami ng ilang taon.

Mayamaya pa ay dumating na ang order ko kaya nagsimula na akong kumain, napansin ko  ang isang babae na nakaupo di kalayuan kung nasaan ang table ko, mag isa lang siya at walang ibang kasama pero malinaw kung nakikita sa mukha nito ang labis na kalungkutan, nakaharap kasi ito sa aking gawi. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi isipin kung totooo ba ang sinabi sa kanya na ang isla na 'to ay para sa mga taong may problema o may gustong kalimutan.

Nang matapos akong kumain ay nagpasya na lamang akong mag ikot ikot para mas ma enjoy ko ang kanyang bakasyon, ayaw ko naman sayangin ang ticket na ibinigay sa aking ng kaibigan ko kung magmumukmok lang ako. Napadaan ako sa gawi ng babaeng kanina ko pa tinitingnan at napansin ko na may panyo sa gilid nito na mukhang nalaglag kaya pinulot niya ito at nakita kung may nakaukit na pangalan dito "Maria" pagbasa ko.

"Hi, Miss, Maria ba ang pangalan mo? Sayo yata ito at nahulog," saad ko sa babae pero hindi ito umiimik kaya nagkibit balikat na lang ako at nilapag ang panyo sa ibabaw ng mesa.

"Ilalagay ko na lang dito ha, para hindi mawala," nakangiting turan ko.

Napatingin naman ang babaeng nagngangalang Maria sa akin  at malungkot na ngumiti. "S-salamat," mahinang saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko ng magsalita ito. "Ay nagsasalita ka pala? Akala ko kanina wala ka na talagang balak na sumagot eh," pumalakpak pa ako na parang tuwang tuwa.

"Hindi ko lang masyadong narinig ang una mong sinasabi, may iniisip lang kasi ako," tugon naman ng babae. Malinaw na nakikita ko ang lungkot at sakit sa mga mata ng babaeng kaharap, hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapaisip kung broken ba 'to o ano.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" napaayos naman ako ng tayo ng bigla na naman 'tong magsalita, mukhang napansin nito ang pagtitig ko sa kanya.

"Wala naman, napapansin ko lang kasi na parang ang lungkot ng mga mata mo. Kanina pa kita tinitingnan habang kumakain ako, hindi ka man lang gumagalaw." paliwanag ko naman. Sana lang ay hindi ma offend ang kausap ko.

"Ah, ganito lang talaga ako kapag may iniisip kaya huwag mo na lang pansinin." mahinang bulalas nito at saka ngumiti.

"Gano'n ba? Alam mo hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong ngumiti sa ibang tao kung talagang hindi ka naman masaya o okay, wala naman 'yong problema." saad ko, halata kasi na pilit lang ang pagngiti nito. "Sige, Maria, maiwan na kita ha. Baka kailangan mong mapag isa kaya hindi na kita kukulitin. Nice to see you here, sana magkita pa tayo ulit," paalam ko  at nakita ko naman itong tumango ito kaya naglakad na ako palabas ng restaurant pero bago ako tuluyang makaalis ay saglit ko pang tiningnan ulit ang babae at nakita kung nakatingin na ito sa kawalan.

'Sana, okay lang siya,' - bulong ko sa kanyang isipan.

At kagaya ng naging plano ko ay namasyal lang ako, buong akala ko ay maliit lang ang isla na 'to pero mukhang nagkakamali ako. Ang lawak pala nito kaya kahit buong araw akong gumala ay wala pa sa kalahati ang napuntahan ko. Nagpasya na lang ako na bumili ng alak at chichirya pagkatapos ay tumambay muna ako malapit sa dagat at do'n uminom habang nakatingin sa mga alon. Nalala niya na naman si Dane, hindi madali sa kanya ang paghihiwalay nila kahit na hindi pa niya ito nakakausap, ayaw niya na din naman harapin ito at baka maiyak lang siya. He cheated that's it.

"I didn't know na mahilig ka din pala uminom," napatingin ako sa kanyang likuran ng marinig ko  ang boses ng isang lalaki at nakita kung si Seb 'to.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Am I not allowed here? You didn't own this place," sagot naman nito  sa akin at saka umupo din sa buhanginan sa tabi ko.

"Hindi ko din sinabi na akin 'to. Tinatanong ko lang kung bakit ka nandito dahil ang lawak naman ng isla para mapadpad ka sa kung nasaan ako," pagtataray ko.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang mahinang pagtawa nito. "I just saw you, so I decided to come over here," sagot nito.

Hindi na lang ako umimik at muling tinungga ang bote ng alak na hawak ko. "Hindi ko alam na may ganitong kaganda pala na isla dito, siguro kung hindi ibinigay sa akin ng kaibigan ko ang ticket ay hindi ko malalaman ang lugar na 'to. Masyado kasi akong naging busy kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para magbakasyon," biglang bulalas ko sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Busy ka sa pagmamahal sa boyfriend mong hindi ka naman talaga totoong mahal," hindi ko alam na matabil din pala ang dila ng isang 'to.

"Pwede ba huwag mo ng ipaalala ng paulit ulit 'yon? Nandito ako para mag move on, hindi 'yong alalahanin ang panloloko sa akin," angil ko sa kanya.

"Kung gusto mo talagang makapag move on ay kailangan mong tanggapin ang nangyari sa inyo. Let go and continue your life. Kung talagang mahal ka niya ay hindi ka niya magagawang saktan at lokohin. He should respect you as a woman kahit pa hindi mo maibigay sa kanya ang gusto niya, kung talagang seryoso siya sayo ay kaya niyang makapaghintay at hindi ka niya pipilitin na gawin ang bagay na hindi ka pa handa,"

Napabuntong hininga naman ako. "Life is so unfair! Pakiramdam ko ang malas ng naging kapalaran ko. Stress sa bahay, sa pamilya, sa trabaho at pati sa lovelife,"

"Hindi kailangan madaliin ang ganyang bagay, sa buhay natin matuto tayong maghintay. Kung talagang para sayo 'yon ay makakamit mo pero kung hindi 'yon itinadhana sayo wala kang magagawa," napatango na lang ako sa sinabi nito at napatingin uli sa mga alon. Hindi ko alam kung lang oras ang itinagal ko kausap si Sebastian hanggang sa nagpaalam na ako dito na matutulog na.

Ilang beses na akong nagpagulong gulong sa hinihigaan ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog, samantalang kanina ay inaantok na ako kaya nga umuwi na ako. Muling pumasok sa isipan ko ang naging usapan namin ng lalaking 'yon, hindi ko akalain na magkakaroon 'to ng oras para pakinggan ang mga hinanakit ko sa buhay gayo'ng pakiramdam ko naman ay wala 'tong pakialam sa ibang tao at sa paligid.

Hindi ko na din mabilang kung ilang beses ko ng nasabi sa aking isipan ang kagwapuhang taglay nito, mas doble ang kagwapuhan nito kaysa sa aking ex boyfriend na manloloko. Hindi ko alam kung bakit nandito ito sa isla kahit mukhang wala naman itong problema na inaalala. 

Kahit na ilang araw pa lang na nag iistay ako dito ay masasabi kung nakaramdam agad ako ng kaginhawaan, payapa ang aking isipan dahil wala akong inaalala na kung ano man lalo na ang mga naiwan ko sa city. Siguro nga ay talagang ito ang kailangan ko para makapag isip ng maayos at maipahinga ang buong pagkatao ko.



Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon