Chapter 10 - Sebastian's Help

254 8 0
                                    

Sebastian POV

"Anong hangin ang pumasok sa isipan mo at bumalik ka dito sa city?" tanong ni Skyler sa akin, nagulat kasi siya ng bigla na lang akong sumulpot sa kanyang opisina dahil hindi ko naman siya sinabihan na uuwi ako.

"Bakit? Bawal na ba akong umuwi?" nakataas kilay na turan ko sa kanya.

"Depende sayo, ilang taon ka ng namamalagi sa isla kaya nakakapagtaka na bigla ka na lang uuwi ng hindi man lang nagsasabi. So tell me, anong dahilan mo?" 

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kailangan kung hanapin at kausapin si Elora," diretsang sagot ko.

"Ano ba kasing meron sa kanya? Sa dami ng babae na dumaan sayo hindi ka naman naging ganyan. Bakit ngayon mukhang obssess ka,"

"Just shut up, okay?" singhal ko sa kanya.

Napailing na lang si Sky habang tumatawa. "Alam kung maganda at sexy si Elora, pero hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit niya sayo para magkaganyan ka. Iba na talaga ang tama ng babaeng 'yon sayo, pati tuloy ako nadadamay," 

"Ang dami mo naman sinasabi, gawin mo na lang ang pinapagawa ko sayo," madiin na wika ko.

"Oh bakit hindi ba totoo ang mga sinasabi ko? Ngayon ko lang nakitang nagkaganyan ka sa babae. Should I thank her?" pang aasar nito.

"Don't you dare! Basta kailangan ko makausap si Elora, kailangan kung malaman kung bakit umalis siya ng hindi man lang nagsasabi," saad ko.

"Baka nagkaroon ng problema o emergency kaya hindi na nakapagpaalam sayo, may mga ganyan naman kasing scenario. At isa pa bakit naman niya kailangan magpaalam sayo? Boyfriend ka ba?" 

Hindi ko mapigilan na hindi iikot ang mga mata ko dahil sa sinasabi ng gagong 'to. "Ano 'to interview? Gawin mo na lang ang sinasabi ko para naman matuwa ako sayo," anas ko at umupo.

"May magagawa pa ba ako? Sasabihan na lang kita kapag may nakalap na ako. Huwag mo akong madaliin dahil hindi madali 'yang pinapagawa mo dahil ang daming lugar dito sa city. Bigyan mo ako ng ilang araw. Huwag ka ng umangal."

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi, wala na din naman akong magagawa pero alam kung kaya naman 'yan gawan ng paraan ng kaibigan ko.

"Maiba ako, Skyler. Alam mo ba na nakilala ko ang kaibigan ni Elora, may anak siya," saad ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Tapos? Huwag mong sabihin na irereto mo ako sa single mom? Tigilan mo,"

"Not like that! Nakita ko ang anak niyang babae at ng tinitigan ko 'to, may pagkakahawig ang bata sayo. Sigurado ka bang wala kang nabuntis?" tanong ko sa kanya

"Gago ka ba? Wala akong natatandaang ganyan ka tigilan mo ako."

Napasandal na lang ako sa aking inuupuan, totoo naman kasi ang sinabi ko. Matagal kung natitigan ang batang 'yon at halos kamukha niya si Skyler, girl version ika nga nila. Nakalimutan ko lang itanong kay Elora ang tungkol sa ama nito. Ang alam ko kasi ay nagbakasyon lang ang dalawang 'yon sa isla, nakakapagtaka lang na hindi nito kasama ang ama ng bata.

*****

Elora POV

Dalawang linggo na ang lumipas ng makabalik ako dito sa city, halos wala akong tulog ng maayos dahil sa mga problema na kinakaharap namin ngayon at hindi ko na alam kung ano ang mga uunahin. Bukod kasi sa pagkamatay ni tatay ay nalaman ko din na buntis ang kapatid ko na babae at higit sa lahat ay naibenta ni nanay ang bahay ng wala kaming alam, hindi namin ito mahagilap.

Nang mailibing si tatay ay nakiusap lang ako sa nakabili ng bahay na bigyan niya kami ng ilang araw dahil kailangan ko pa maghanap ng malilipatan. Mabuti na lang at mabait 'to kaya pumayag siya at tawagan na lang daw sila kapag aalis na kami. Ang totoo niyan ay naaawa nga sila sa amin pero hindi naman pwedeng ibalik nila ang bahay dahil malaking halaga din naman ang binayad nila. May mga tao pa rin pala na marunong makaintindi.

Ngayon ay kaharap ko naman ang kapatid kung babae, hindi ko pa kasi 'to nakausap ng mga nakaraang araw dahil marami akong ginagawa. 

"Anong plano mo ngayon, Stella? Hindi ka man lang ba nag iisip? Ang hirap na nga ng buhay natin tapos magpapabuntis ka pa! Paano na lang ang pag aaral mo?" galit na saad ko. Hindi ko lubos maisip na mabubuntis ito sa murang edad.

"S-sorry ate, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko naman kasi alam na hindi niya ako papanindigan. S-sinubukan kung sabihin sa kanya pero hindi niya tinanggap dahil nag aaral pa din siya tapos nalaman ko nito lang na lumipat na sila," paliwanag naman nito sa akin.

"Ayan ang sinasabi ko sayo! Hindi ka na bata at alam mo na ang tama sa mali! Palibhasa kasi spoiled ka sa nanay kaya ganyan ka, nasusunod ang luho mo at kung ano pa ang gusto mo. Oh paano ngayon? Wala na si nanay! Sa tingin mo ba magagawa mo pa ang mga ginagawa mo dati? Naging kampante ka kasi  nakukuha mo ang mga gusto mo kaya nag rebelde ka, tingnan mo ang nangyari na 'yan! Hindi mo man lang ba naisip ang pwedeng mangyari ng ginawa mo ang bagay na 'yan? Anong ipapakain mo sa bata? Paano mo bubuhayin yan? 'Yan ang hirap sa inyong mga kabataan eh, mga hindi nag iisip tapos kapag nagkaproblema lalapit kayo sa amin. Dalawa kayo ang nagpakasaya tapos ano ngayon, edi tinakbuhan ka na!" hindi ko mapigilan ang hindi magsalita ng kung ano ano dahil sa galit. "Hindi mo kasi narananasan ang paghihirap kaya mabilis ka mag desisyon sa buhay ng hindi mo alam kung ano ang kahahantungan mo. Halos hindi na nga ako makapagpahinga ng maayos para lang maitaguyod ang pag aaral niyo at buhay natin tapos gumanyan ka pa. Nasaan ba ang utak mo, Stella? Ano bang pag aaral ang ginawa mo at mukhang baliko ang utak mo. Akala mo ba madali lang maging ina? Akala mo ba madali lang ang mag alaga ng bata? Tingnan mo ngayon paano na? Magtatrabaho ako para sa gastusin natin, wala na si tatay at nanay. Sa tingin mo sino mag aalaga ng bata?" dagdag ko pa.

"S-sorry talaga ate, siguro ay hihinto na muna ako sa pag aaral at kapag nakapanganak na ako at malaki laki na ang bata ay babalik ako sa pag aaral. Pasensya ka na talaga ate dahil nagdagdag pa ako ng problema. Alam ko ang pagkakamali na nagawa ko kaya dapat ko 'tong harapin. A-aalagaan ko ang magiging anak ko,"

"Iyon na lang naman ang tanging magagawa mo dahil nandyan na 'yan. Hindi naman natin pwedeng ipalaglag 'yan dahil kasalanan 'yon sa Diyos at blessing pa din ang bata,"ngayon ay naging mahinahon na ako. Kahit naman mahirap ang buhay namin ay hindi naman ako papayag na pumatay ng bata.

Nakayuko lang si Stella na umiiyak, agad naman nalipat ang tingin ko sa isa ko pang kapatid. "Ikaw Kier anong balak mo? Huwag mong sabihin na hihinto ka din sa pag aaaral?" tanong ko.

Mabilis naman itong umiling. "Hindi po ate, ayaw kung masayang ang paghihirap mo kapag tumigil ako at saka ilang taon na lang din at makakapagtapos na ako at makahanap ng magandang trabaho, para kapag bumalik sa pag aaral si Estella ay matutulungan na kita," paliwanag nito.

Napangiti naman ako dahil sa naging tugon ng kapatid kung lalaki. "Lagi lang kayong maging mabuti at magtiyaga para maabot niyo ang pangarap niyo. Gagawin ni ate ang lahat para makasurvive tayong tatlo," matapos kung sabihin 'yon ay niyakap nila akong dalawa.

Alam kung hindi magiging madali sa akin ang lahat lalo na't tatlo na lang ako pero igagapang ko ang pag aaral nila para makapagtapos sila at magkaroon ng magandang buhay. Hindi na ako aasa na babalikan pa kami ni nanay dahil mukhang wala naman na 'yon plano dahil nasa kanya na ang pera na naging kabayaran ng bahay.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon