Chapter 23 - Forgiveness

271 5 0
                                    

Sebastian POV

"Are you sure about this baby?" tanong ko kay Elora ng makababa kami sa kotse ko

Tumango naman siya. "We alredy talked about it since last time right?"

"It's just I'm worried about you, you don't need to face her. I don't want to see you in pain while staring at the person who caused wounds to your hearts," nag aalalang anas ko

Hinawakan niya naman ang mga kamay ko. "Hindi lang ako ang nasaktan kung hindi pati ikaw. Don't invalidate your feelings, hindi laging ako lang ang iisipin mo sa lahat ng bagay, dapat ay pareho tayo. Ilang buwan na ang lumipas ng mawala siya sa atin and I want to move on and start our life without anger and hatred."

Bumuntong hininga naman ako at saka ngumiti sa kanya. Ilang beses niya na kasing sinabi sa akin na gusto niya makita si Scarlet pero hindi ko lang siya pinapayagan dahil sariwa pa ang nangyayari sa amin ng panahon na 'yon kaya kailangan ko muna palipasin ang ilang buwan dahil ayaw ko naman na masaktan ang babaeng mahal ko.

Hindi ko lang maiwasan na mag alala kahit alam kung okay na naman siya, iniisip ko kasi na baka bumalik ang alaala ng sakit sa oras na magtagpo ang landas nila. Pero dahil wala naman akong magagawa at masyadong mapilit si Elora ay napapayag niya din ako.

"Iniisip ko lang na baka kasi masaktan ka na naman, alam ko kung gaano kahirap sayo at nangyari at pati sarili mo sinisisi mo ng mga panahon na 'yon," mahinang sambit ko.

"Hindi ko lang maiwasan ng mga panahon na 'yon, wala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko nananaginip lang ako kasi kasama ko lang siya eh, nagpacheck-up lang kami tapos bigla na lang akong magigising na wala na siya. Iniisip ko kung naging pabaya ba akong ina, kung ano ba ang nagawa kung mali sa buong buhay ko at bakit lagi na lang may hadlang sa kasiyahan ko. Hinayaan kung malunod ang sarili ko at hindi ko naisip na napabayaan na pala kita, na nasasaktan ka na dahil sa nangyayari sa akin."

"Palagi ko naman sinasabi sayo na hindi kita iiwan diba? Ang rami na natin pinagdaanan at hindi ko hahayaan na masira tayo. Nawala na ang anak natin kaya mas kailangan natin ang isa't isa. Hindi man siya tuluyang binigay sa atin pero alam kung may tamang panahon para sa bagay na 'yan. We already have our angel right? Alam kung nandito lang siya sa tabi natin kahit na hindi siya natin nakikita,"

Magkahawak ang kamay namin papasok sa loob ng rehabilitation, nandito pa din kasi ang taong sadya namin at nagpapagamot. Sinamahan kami ng nurse sa kwarto ni Scarlet at nakita namin siyang nakaupo sa kama at tulala.

"Baby, pwede bang iwan niyo muna kami?" 

"What? No! Paano kung may gawin siya sayo? I'll stay here," giit ko.

"Please, Seb, I need to talk to her. Huwag kang mag alala walang mangyayari,"

"Fine, but I'll stay outside," sagot ko naman sa kanya. Kahit ang totoo niyan ay ayaw ko talaga siyang iwanan sa loob. I know Elora can handle everything pero nandito pa din ang pag aalala sa sistema ko.

****

Elora POV

Nang tuluyan ng makalas si Sebastian ay umupo ako sa isang upuan na nasa loob ng kwarto, agad naman napadpad ang tingin sa akin ni Scarlet, kahit papaano ay nakaramdam din ako ng awa sa kanya sa kalayagan niya ngayon.

"Elora. . ." sambit niya sa pangalan ko

"Mabuti naman at nagagawa mo pang sambitin ang pangalan mo matapos ng ginawa mo sa amin ng anak ko," mahinahong saad ko.

Yumuko naman siya habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa laylayan ng kanyang damit. "I'm s-sorry, alam kung hindi sapat ang salitang 'yan para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. H-hindi ko alam na buntis ka, hindi ko gustong madamay ang anak niyo ni Seb sa kabaliwan ko. Nagsisisi ako sa nagawa ko, nabulag ako sa pagmamahal ko sa lalaking ni minsan hindi ako magawang mahalin."

"Kahit ilang sorry pa ang lumabas sa bibig mo ay hindi mo na mababalik ang anak namin. Gustong gusto kung magalit sayo Scarlet, gusto kitang saktan para sa anak ko. Kasi . . . sobrang sakit ng ginawa mo sa amin, okay lang sana kung sa akin lang pero 'yong nadamay ang walang kamuwang muwang na sanggol, 'yon ang hindi ko matatanggap. Hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo, h-hindi mo man lang kami binigyan ng pagkakataon ni Seb na mahawakan, makita at maalagaan siya. D-durog na durog ako ng malaman kung nawala siya sa amin. H-hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa buhay at sa pamilya ko, si Seb? Tinanggap niya ako ng buo, pinaramdam niya sa akin ang sobrang pagmamahal, pinunan niya ang kung ano man na naging kulang sa buhay ko. Pero na realize ko na wala na din naman saysay kung magtanim ako ng galit sayo dahil hindi naman na mababalik ang buhay na nawala sa amin. I want to have a peaceful life now," saad ko.

"S-siguro nga hinahanap ko lang ang pagmamahal sa ibang tao at kay Sebastian ko lang naramdaman 'yon kahit na alam ko naman na wala kaming label, na hindi niya ako mahal, na fuck buddy lang kami. I've been leaving in a miserable life, Elora. I'm a black sheep in our family, that's what my parents always telling me. Kaya siguro mas pinili kung maging rebelde, dahil hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin, for them I am just disappointment. Kaya ng makabalik ako ay hindi ko matanggap na may minahal na si Seb, na naging seryoso na siya sa isang babae, kasi alam kung ayaw niya sa commitment, akala ko kasi makukuha ko ulit siya kapag nawala ka sa landas niya. I plan so many things to ruined your relationship, I even talked to your ex-boyfriend Daniel to help me but he refused it." pag amin niya at nagsimula na siyang umiya. "Alam kung walang kapatawaran ang nagawa ko, nakapatay ako ng bata dahil lang sa pagiging selfish ko. Mahal ko si Seb pero sinaktan ko siya, sinira ko ang binubuo niyang pamilya. Elora, h-handa akong pagbayaran ang kasalanan na nagawa ko, handa akong tanggapin ang kaso na isinampa sa akin ni Seb dahil alam kung may kasalanan ako. S-sana mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko, s-sana alagaan mo siya at huwag iiwan. I'm now raising my flag, kahit alam wala akong karapatan magparaya dahil wala namang kami, hindi ko naman siya pagmamay-ari pero handa na akong bitawan siya," pinunasan niya ang kanyang luha at nakangiting humarap sa akin.

Tumayo naman ako at naglakad palapit sa kanya." Kailangan natin patawarin ang mga sarili natin, we should let go the pain, hatred and anger in our hearts. We should start our new life with full of love," masayang turan ko at niyakap siya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit siya naging gano'n dahil naging malupit din ang mundo sa kanya. She is also suffering from her family.

"Maraming salamat, Elora. Pangako, aayusin ko na ang buhay ko, magbabago na ako,"

"I'll talk to Seb, ipapaurong ko ang kaso. Everybody deserves a second chance. Sana maging masaya ka at makita mo ang lalaking para sayo, 'yong mamahalin ka ng buo. I'm wshing your full recovery para makalabas ka na dito at masimulan mo na ang pagbabagong buhay." saad ko sa kanya. 

Nag usap pa kami ng ilang minuto bago pumasok sa loob si Seb, paulit ulit din ang paghingi ng tawad ni Scarlet sa kanya, mabuti na lang ay mahinahon 'tong nakipag usap hindi kagaya ng una nilang pagkikita ng mahuli si Scarlet ay halos gusto niya ng patayin.

Gusto kung mabuo ulit, 'yong walang kinikimkim na sakit, pagsisisi at galit sa puso ko. Hindi pwedeng pairalin ko ang mga bagay na 'yon sa akin dahil alam kung hindi ako tuluyang magiging masaya. Naniniwala akong may mas magandang plano ang Diyos sa amin ni Sebastian. Minsan kailangan din natin magpatawad sa taong nagkasala sa atin para makamit ang tunay na kaginhawaan.


Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon