Chapter 6 - Jealousy

305 11 0
                                    

Elora POV

Naistobo ang tulog ko dahil sa sunod sunod na kalampag sa aking pintuan , wala naman ako maalala na may bisita ako ng ganito kaaga. Inis akong napabangon kahit na ang totoo ay inaantok pa ako, mukha kasing walang balak na manahimik ang kung sino man na tao ang kumakatok, pagbukas ko ng pinto ay bumalandra ang pagmumukha ng kaibigan kung si Charline kasama ang kanyang anak.

"Ba't ang tagal mo naman buksan? Kanina pa kaya ako tawag ng tawag dito," reklamo nito.

Inirapan ko naman siya. "Aba, malay ko bang darating ka dito ng walang pasabi diba?"

"Hello, Tita Elora,"

"Hello, bay girl," nakangiting bati ko sa aking inaanak.

"Your place is beautiful, ninang!" masiglang wika nito.

"So bakit ka napadpad dito?" tanong ko sa kaibigan ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob.

"May leave kasi ako ng isang linggo kaya napagpasyahan ko na puntahan ka na lang dito, paano ba naman kasi hindi mo man lang magawang mag update, malay ko ba naman kung buhay ka pa dito," sagot nito at saka umupo.

"Ikaw na ang nagsabi sa akin na mag enjoy ako dito sa isla tapos gusto mong iupdate kita palagi? Dinaig mo pa boyfriend kung gano'n!" natatawang wika ko at saka nagsimulang ayusin ang buhok ng inaanak ko.

"Ang sabihin mo busy ka lang talaga sa lalaking sinasabi mo kaya wala ka ng time tumawag sa akin."

"At saan mo naman nakuha ang chismis na 'yan?" nakapameywang na turan ko.

"Hula ko lang naman, siya lang naman kasi bukambibig mo palagi kaya alam ko na. Pero mas okay na rin 'yon dahil mukhang nawawala na din sa wisyo mo ang ex boyfriend mong gago."

"Ikaw lang naman kasi mainit ang dugo sa lalaking 'yon, dinaig mo pa ako. Naisip ko naman kasi na wala naman akong magagawa kung nagloko siya, pero syempre hindi na ako tanga para balikan pa siya." saad ko.

"Ay perfect ka diyan girl! Hindi ka na tanga, congrats! Mabuti na lang talaga at dito ka sa isla napunta kaya nakapag isip isip ka din. Tingnan mo nga parang hindi ka lang galing sa toxic relationship kasi may bago ka ng fafa,"

"Hoy tigilan mo nga 'yang bunganga mo! Nagpunta ako dito para magpahinga, mag enjoy at mag move on. Hindi para maghanap ng bagong sakit sa ulo," giit ko.

"Huwag mo akong artehan sa ganyan mo, hindi bagay teh. Anyway, speaking of your jerk ex boyfriend. Alam mo ba na ilang beses niya akong pinuntahan sa trabaho para lang tanungin kung nasaan ka. Kahit na sinabi ko ng hindi ko alam pero ayaw maniwala sa akin, simabi pang tinatago kita." bakas sa kanyang boses ang inis.

"Mabuti naman at hindi mo sinasabi kung nasaan ako." anas ko.

"Ano ako tanga? Manigas siya! Pinalayo nga kita tapos ituturo ko pa. At saka sinabi ko na din naman sa kanya na alam mo ng niloloko ka niya kasi nakita mo mismo na may kasama siyang babae. Siguro naman ay hindi makapal ang mukha niya para magpakita pa sayo,"

Napailing na lang ako, sanay na ako kat Charline na ganito. Kahit noon pa man na pinakilala ko sa kanya si Daniel ay hindi niya na 'to gusto. Ilang beses niya na nga sinasabi sa akin na hiwalayan ko dahil wala siyang tiwala, pero dahil mahal ko ay hindi ko siya pinakinggan.

Dumaan pa ang mga araw at palagi silang magkasama ni Charline dahil sinusulit nila ng anak nito ang pagpunta dito, nakilala niya na din si Sebastian at manghang mangha din siya sa lalaki pero hindi niya daw type. Madalas niya din asarin si Elora dito.

"Alam mo girl, bagay na bagay talaga kayo ni Seb. Totoo nga na misteryoso at seryoso siya pero mukhang mabait naman at harmless," napatingin siya sa kaibigan  ng bigla itong magsalita. Nandito kasi sila ngayon sa isang souvenier shop.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon