Chapter 22 - The Loss

237 6 0
                                    

Sebastian POV

Dalawang araw na ang lumipas simula ng isugod sa hospital si Elora at mawala ang anak namin, hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising pero ang sabi naman ng doctor sa akin ay nasa maayos na siyang lagay. Si Skyler na ang nag aasikaso at kumakalap ng impormasyon sa nangyari dahil hindi pa ako makakilos ng maayos dahil sa nangyayari sa amin.

"Kuya Seb, may gusto po ba kayong ipabili? Pagkain?" rinig kung tanong ni Kier sa akin.

Agad naman akong tumingin sa kanya at ngumiti. "Ikaw na lang Kier, wala pa akong gana kumain," sagot ko naman sa kanya.

"Sige kuya, pero bibili na lang din ako ng pagkain para kung sakaling magutom ka ay meron" saad nito at tuluyan ng lumabas.

Naiwan na naman akong mag isa kasama si Elora, hawak hawak ko lang ang kanyang kamay. "Baby, please, wake up. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin. Lubog na lubog ako ngayon," mahinang anas ko at napayuko na lang.

Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng parang may humahawi sa buhok ko dahilan para mabilis kung inangat ang ulo ko at nakita kung nakadilat na si Elora. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko. " Thank God you're awake. May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin? Tell me," sunod sunod na tanong ko.

"Ang baby? Kumusta ang baby natin, Seb?" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng itanong niya 'yon sa akin, inaasahan ko na ang bagay na 'to pero hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Seb?" pagtawag niya sa pangalan ko.

"Ang mabuti pa tawagin ko muna ang doctor mo para maicheck ka niya," saad ko at umiwas ng tingin pero hindi pa ako nakakahakbang ng hinawakan niya ang braso ko para pigilan ang makaalis.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko Seb? Bakit ka umiiwas? Okay naman ang baby natin diba? Nandito pa rin siya diba sa tiyan ko?"

Ilang beses akong napalunok habang nakaiwas pa rin ang tingin sa kanya, naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakapit niya sa akin.

"Seb. . . please tell me the truth," pakiusap niya sa akin.

Bumuntong hininga ako kasabay ng mariin kung pagpikit, pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. "Elora, I'm sorry, but are baby is gone." nahihirapang sambit ko.

Napailing naman siya. "No! Hindi, nagbibiro ka lang diba? It this a prank? It's not funny, Seb."

"I wish I am joking, but baby, what I said is true. W-wala na ang anak natin."

"H-hindi, h-hindi niya tayo iiwan. Nandito lang siya. No! Nagkakamali lang sila. Buhay pa ang anak ko,"  sigaw niya at nagulat na lang ako ng bigla niyang tinanggal ang nakakabit sa kanyang dextrose at mabilis na tumayo.

"Elora, stop! Hindi ka pa okay." pigil ko sa kanya, pero parang wala lang siyang naririnig. Agad naman akong tumakbo palabas para habulin siya.

"Elora, come back here!" sigaw ko at saka siya hinila para yakapin.

"Bitawan mo ako Seb. I need to talk to the doctor! Hindi pa patay ang anak ko!" pilit siyang pumipiglas pero mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya.

"Ssshh, baby, everything will be okay." pagpapakalma ko sa kanya. Agad naman na lumapit ang doctor sa amin at may itinurok sa kanya dahilan para mawalan siya ng malay.

Dumaan pa ang mga araw,  linggo at buwan simula ng mawala ang anak namin. Naging tahimik si Elora, madalas din 'tong umiiyak pero hindi na kagaya ng mga unang araw na nagwawala 'to. Hanggang ngayon ay pareho pa rin naming hindi matanggap ang nangyari sa anak namin. Nasasaktan akong makitang nagkakaganito ang babaeng mahal ko pero kailangan kung maging matatag sa harap niya, alam kung kailangan namin ang isa't isa ngayon, kailangan niya ako.

"Baby, kumain ka na, please. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. Hindi magugustuhan ng anak natin kapag nakikita kang ganyan," anas ko.

"Am I a bad person?" nagulat ako sa biglaan niyang tanong.

"No, you're not! Don't think that way," sagot ko sa kanya.

"If not, why this world is so cruel to me? Bakit naging unfair sa atin ang tadhana? Binigyan nga tayo ng magandang blessing pero binawi din agad. Hindi man lang pinaranas sa atin maging magulang at mahawakan ang anak natin,"

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Kahit na hindi natin siya nakita ay hindi pa din naman siya nawala, mananatili siya sa puso at isip natin. May isang anghel na tayo ngayon. Elora, I know we are mourning for our loss, our heart was shattered into pieces. Pero hindi ibig sabihin no'n ay titigil tayong mabuhay. Marahil ay hindi pa siya para sa atin, hindi pa 'to ang tamang oras para ipagkaloob siya sa atin." wika ko.

"I know, and I'm sorry. Alam kung nasasaktan ka din sa pagkawala ng anak natin tapos nagiging ganito pa ako. Hindi ko lang maiwasan. I feel like I am in a dark place with no one."

"I know your pain and I understand it. You don't need to say sorry for being hurt and broken. We are both suffering from this thing but always remember that I am here. I will never leave you. I know our angel is watching us from above. Alam kung gusto niyang magpatuloy tayo. We have each other Elora, I will wait for you until you heal. Ipapangako ko na mabibigyan natin ng hustisya ang pagkawala niya." saad ko.

Naramdaman ko ang naman ang pagyakap niya sa akin na agad ko naman tinugunan, alam ko na mas masakit sa kanya ang nangyari kaya kailangan kung iparamdam sa kanya na hindi siya nag iisa, na kasama niya ako sa lahat.

"Seb?"

"Hmmm," mahinang sambit ko.

"Anong nangyayari sa kaso? Alam mo na ba ang may gawa nito sa aming ng anak natin?" napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya ng magtanong siya. Ito ang unang beses na mangyari ang baga na 'to kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

Dahan dahan naman akong tumango. "Nahuli na ang may gawa nito sa inyo, at sisiguraduhin kung pagbabayaran niya ang lahat," saad ko

"S-sino?"

"Baby, please," anas ko.

"No, I want to know who did this to us, Seb."

Mariin kung pinikit ang mga mata ko bago dumilat at tumingin sa kanya. "Si Scarlet," sagot ko.

"That bitch!" galit na sigaw nia at tumayo.

"Calm down baby," pigil ko sa kanya.

"Ang kapal ng mukha niya! Nasaan ang konsensya niya? Bakit kailangan niya idamay ang anak natin? Ang sama sama niya!" nagsimula na naman siyang umiyak.

"Hush now baby, Huwag ka mag alala, sisiguraduhin kung pagbabayaran niya ang ginawa niya. Hindi niya matatakasan ang lahat ng 'yon dahil ipapakulong ko siya," madiin na wika ko.

"Where is she? Nahuli na ba siya?"

Tumango naman ako. "Yes, but she is still not in jail for now. Nasa rehab pa siya" saad ko

"B-bakit? Did you see her?"

"Her mental health is not stable, ang sabi ni Skyler ay gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot ng mahuli siya. Kaya 'yon din siguro nagtulak sa kanya na gawin ang bagay na 'yon sayo. She didn't know that your pregnant kaya ng malaman niya ang nangyari sa anak natin ay mas lalo siyang nawala sa kanyang sarili. Pinuntahan ko siya ng malaman ko ang lahat. I'm badly mad, because of her selfishness and obsession towards me we loss our baby kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nasaktan ko siya, " paliwanag ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I'm sorry, Elora. Alam kung ako ang dahilan kung bakit nagkaganun si Scarlet kaya nadamay kayo ng anak natin," dagdag ko pa.

"Kagaya ng sabi mo walang may kasalanan sa ating dalawa. We did our best for our child. Alam ko na ginawa mo ang lahat para sa amin lalo na sa akin. Ikaw ang nagiging lakas ko hanggang ngayon para mas lalo kung tibayan ang sarili ko at tanggapin ang nangyayari sa buhay natin. Tama ka nga siguro na hindi pa para sa atin si baby," ngumiti naman ako sa kanya

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon