Saved by the Prince

46 3 0
                                    

Chapter One.

Narrator's POV
at Seoul, Korea

Nasa bahay ng kaibigan si Jin-guk dahil pansamantala muna syang nakitulog don. Naghahanda na sya dahil aalis na sya doon. Pagkatapos kasi nung araw na pinuntahan nya yung Dad nya ay umalis na sya sa bahay nila.

Yun ang plano nyang pagtakas sa Dad nya. Ni-withdraw nya lahat ng pera nya sa bangko bago pa man nya puntahan ang Dad nya sa office nito. Mautak si Jin-guk. Alam nyang ipapa-block agad ng Dad nya ang bank accounts at cards nya sa oras na malaman nito na umalis sya kaya inunahan nya ito. Inilipat nya sa bagong account ang pera na hindi magagalaw ng Dad nya.

Binenta nya naman ang kaisa-isang kotse nya. Mate-trace kasi sya ng Dad nya kapag dinala nya pa 'yon. Ibinenta nya ito sa isang kaibigan dahil ayaw nyang mapunta lang ang kotse nya sa kung sinu-sino. Alagang-alaga nya kasi yon.

Binenta nya rin ang phone nya at bumili sya ng bago. Baka ma-trace din sya ng Dad nya don eh. Pero bago nya ibinenta yun ay nagtext muna sya sa kuya nya para magpaalam. Close kasi sila ng kuya nya. Ito lang ang kakampi nya at sumusuporta sa mga gusto nya. Malungkot man pero kailangan nya rin munang lumayo rito.

Kumuha rin sya nung nakaraang araw ng plane ticket papuntang ibang bansa. Hindi sya pupunta sa ibang bansa ha. Ginawa nya lang yun para linlangin yung Dad nya na umalis sya ng bansa. Pumasok pa sya sa loob at nagcheck-in para may record talaga na nakasakay sya sa eroplano.

Pupunta sya ngayon sa Busan. Bahala na kung ano ang mangyayari sa kanya don basta't makalayo lang sya sa Dad nya. Sasakay sya ng tren papunta don dahil mas mabilis yun kesa kapag nag-bus sya.

"Oy bro, salamat ha. Bawi nalang ako next time." sabi ni Jin-guk sa kaibigan.

"No problem bro. Sabi mo yan ha (chuckles). But wait, san ka ba talaga pupunta?" tanong ng kaibigan.

"Magpapalaboy-laboy muna dito sa Seoul. Bahala na yung mga paa ko kung san nila ako dadalhin (chuckles)"

Hindi nya pwedeng sabihin kahit kanino kung san sya pupunta. Mahirap na.

Tumayo na sya at binitbit yung bag nya.

"Sige, ingat ka nalang." paalam ng kaibigan.

"Salamat ulit." tumango lang ito at nakipag bro-fist sa kanya at saka sya umalis.

Nagpunta sya sa KNR (Korean National Railroad) at sumakay ng tren papuntang Busan. Sinigurado din nyang walang sumusunod at makakasunod sa kanya.

-----
at Busan, Korea

Nasa kainan ngayon si Mi-young at masiglang nagtatrabaho kasama ang tita nya.

Masiglang nagse-serve si Mi-young sa mga costumers nila. Ngiti lang sya ng ngiti. Nahahawa narin sa kanya ang mga taong nandon. Palaging ganyan si Mi-young. Pala-ngiti at napaka-optimistic.

"Tteokbokki pa nga dito. Salamat!" sabi ng isang costumer.

"Okay! One tteokbokki for table 4. Coming right away! ^___^"

Nagpunta na sya sa counter para ibigay ang mga orders ng costumers.

"Aba, Mi-young-ah, ang hyper mo yata. Baka ma-lowbat ka na nyan mamaya ha." sabi ng tita nya na nasa counter.

"Syempre naman tita! Kailangan full-energy para makahawa ng goodvibes sa iba! ^___^ Tignan mo po, nahahawaan ko na yung costumers natin oh." napalingon sya sa costumers habang sinasabi yon.

"(chuckles) Sige na. Mag fufull-energy narin ako. Tutal nahahawa narin ako sa'yo." iniabot naman ng tita nya ang mga order.

"Very good tita! ^0^ Ganyan nga! (giggles)" sabi nya at nagtungo na sa mga costumers para magserve.

Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon