Prologue

89 1 0
                                    

Jin-guk's POV
at Seoul, Korea

Ako si Jin-guk. Galing sa isang mayamang pamilya. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Pero... hindi ko naman makuha yung pinaka-inaasam asam ko. At yun ay ang kalayaan. Kalayaan na hindi maibigay sa'kin ng Dad ko. Palagi nalang sya ang nasusunod. Lahat ng gusto nya dapat gagawin ko. Simula pagka-bata hanggang ngayon ay wala na akong ibang ginawa kundi ang sundin sya. Kino-control nya ako na para bang isa lang akong puppet para sa kanya. Minsan nga ay naiisip ko kung tinuturing pa ba nya akong isang anak. Ni hindi ko kasi maramdaman yun.

Nalaman kong ipinagkasundo nya ako sa isang arrange marriage. Hindi nya man lang hiningi yung opinyon ko! Basta-basta nalang syang nagdedesisyon. At dapat naman sigurong ipaalam nya sa'kin yon diba? Bilang anak nya at kung may respeto sya sa'kin bilang anak nya, dapat lang na ipaalam nya muna sa'kin yun! Nung una, si kuya, tapos ngayon, ako naman? Nag-anak lang ba sya para sa negosyo nya? Mas importante pa sa kanya yung negosyo nya kesa sa sarili nyang pamilya!

Yun din ang dahilan kung bakit kaibigan ko ang alak. Palagi akong nagpupunta sa mga club at bar. Nakakalimutan ko kasi ang problema ko kapag umiinom ako. Syempre, sa tulong rin ng mga kaibigan ko kaya sumasaya ako kahit papano.

Napakabata ko pa para ikasal. Napakabata ko pa para sa commitment na yan. Gusto ko munang i-enjoy ang kabataan ko dahil darating rin naman ang araw na yan sa buhay ko.

Naglalakad ako ngayon papunta sa office nya. Wala akong pakialam kung busy man sya basta't masabi ko lang sa kanya na hindi na'ko papayag sa mga gusto nyang mangyari. Punung-puno na'ko. Ayoko na ng ganito. -___-

Hindi na'ko kumatok at dere-deretsong pumasok sa loob ng office nya. Kausap nya yung sekretarya nya tungkol sa negosyo. Tch. Negosyo na naman. Puro negosyo lang talaga ang laman ng utak nya -___-

Lumapit ako at tinignan lang sya.

"Iwan mo muna kami." sabi ni Dad sa sekretarya nya at lumabas na ito.

"Bakit ka napasugod dito? May kailangan ka ba?" tanong nya.

"Dad, alam ko na yung tungkol sa arrange marriage." sabi ko.

"Mabuti naman. Ngayon, pag-usapan na natin ang tungk--"

"Wala tayong dapat pag-usapan Dad. Dahil hindi ako pumapayag sa gusto nyo." pagputol ko sa sasabihin nya.

"Jeon Jin-guk!" sigaw nya ng nakatingin ng masama sa'kin.

"Tama na Dad. Sawang-sawa na'ko sa pag-control nyo sa'kin! Buong buhay ko wala na'kong ibang ginawa kundi sundin lahat ng gusto mo!" sigaw ko sa kanya.

"You bastard! Ang kapal ng mukha mong pagtaasan ako ng boses! Wala kang galang!" pagkasabi nya non ay napatayo sya.

"If you want me to respect you Dad, you have to respect me first as your son! O kung tinuturing mo man akong anak mo!" yun lang at saka ako umalis.

Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. May plano na'ko para makatakas sa kanya. Alam kong hindi nya ako titigilan at itutuloy nya parin ang gusto nyang mangyari.

Mi-young's POV
at Busan, Korea

Hello! Ako si Mi-young. Si happy Mi-young! Masaya ako dahil pauwi na ngayon ang best friend ko at ang pamilya nya galing sa Jeju. Nagbakasyon kasi sila doon. Sila na ang tinuturing kong pamilya simula ng maulila ako. Kinupkop na nila ako at itinuring na anak.

Nandito ako ngayon sa Gimhae International Airport. Susunduin ko kasi sila. Wala lang. Naisip ko lang na sunduin sila. Tutal wala naman akong masyadong ginagawa ngayong araw na'to.

Hindi ako nakatira sa mismong bahay nila ha. Nakatira ako sa paupahan na pagmamay-ari nila. Nakakahiya kasi kung doon pa'ko makikitira sa bahay nila eh. Ayaw nga nilang pumayag na magbayad ako ng upa pero dahil makulit ako, napapayag ko sila! May 50% discount pa'ko ^___^

Matagal na kaming magkaibigan ng best friend ko. Matalik na magkaibigan rin kasi ang mga magulang namin eh. Kaya para na talaga kaming magkapatid. Naging classmates pa kami nung grade school at nung high school. Schoolmates naman nung college.

Nag-stop muna akong mag-aral ng college dahil kapos ako sa pera. Kaya nagtatrabaho na muna ako ngayon para maka-ipon at makapag-aral ulit. Sa sarili ko nalang ako umaasa ngayon simula ng mawala sila Mama at Papa. Wala rin akong kapatid na makakasama kaya nagpapasalamat talaga ako sa best friend ko at sa pamilya nya.

May negosyong kainan si Tita, ang nanay ng best friend ko. Pinagtrabaho nya ako doon. Yung kinikita ko don ay hinahati ko sa ipon at sa mga kailangan ko. Tapos minsan kada alas-kuwatro ng umaga, nagpupunta ako sa Jagalchi Fish Market para mag-angkat ng sariwang isda at ibenta yun dito sa lugar namin, sa Gamjeon. Marami naman akong suki kaya malaki rin ang kinikita ko. Yung iba nagpapadeliver pa sa'kin. May sideline din akong mag-deliver ng gatas kada umaga sa isang subdivision dito. Barya-barya man ang kita, malaking tulong narin yun sa'kin.

Tinutulungan rin ako ng best friend kong mag-aral. Pagka-uwi nya kasi galing sa school, tinuturo nya sa'kin yung mga napag-aralan nila. Pareho naman kami ng kinuhang kurso kaya nakakatulong talaga yun ng malaki sa'kin. Lalo na't babalik ulit ako sa simula dahil nakahinto ako.

"Song Mi-young!"

Kilala ko ang boses na yun. ^___^

Pumihit ako paharap sa pinanggalingan ng boses, at hindi nga ako nagkamali. Dahil boses yun ng best friend ko.

"Kang Min-joo!" tawag ko rin sa kanya.

Tumakbo sya papunta sa'kin at niyakap ako. Niyakap ko rin sya pabalik.

"Waaaah~! Namiss kita best friend!" sabi nya habang nakayakap parin sa'kin. Napapatalon pa kami habang umiikot.

"Namiss rin kita best friend!" sagot ko sa kanya.

At bumitaw na kami sa isa't-isa.

"Oh, Mi-young-ah, bakit mo pa kami sinundo? Sana hinintay mo nalang kami sa bahay." sulpot ni Tita kasama si Tito.

"okay lang po tita. Wala rin naman po akong ginagawa ngayon eh." sagot ko sa kanya.

"Dapat kasi sumama ka nalang sa'min para nakapagpahinga ka man lang sa pagtatrabaho mo." sabi ni tito.

"Okay lang tito. Sayang po kasi yung perang ipapamasahe ko eh." sabi ko.

"Ay~ Kahit kailan ka talaga Mi-young! Kami naman ang mamamasahe sayo eh." si tita.

"Sayang parin po tita~ (chuckles)"

"Mama, Papa, hayaan nyo na si Mi-young. Alam nyo naman pong mahalaga sa kanya ang pera eh." sulpot ng nakatatandang kapatid na lalaki ni Min-joo.

"Kuya Min-woo! ^0^" sabi ko at lumapit sa kanya.

"Mi-young! Namiss kita ah." sabi ni kuya Min-woo at ginulo ang buhok ko.

"Aish! Ayan ka na naman sa panggugulo sa buhok ko!  ̄ω ̄" reklamo ko. Tumawa lang si kuya Min-woo at ginugulo parin ang buhok ko.

"Kuya! Tigilan mo nga si Mi-young!" sabi ni Min-joo at kumapit sa braso ko. "Tara na! Umuwi na tayo~ May mga binili kaming pasalubong para sa'yo~! ^___^" at sabay na kaming naglakad.

"Hoy! Kang Min-joo! Yung luggage mo! Ano 'to? Ako magdadala?" reklamo ni kuya Min-woo. Pero hindi sya pinansin ni Min-joo at patuloy lang na naglakad kasabay ko. Tumawa naman sila tita at sumunod narin sa'min.

--------
Author's note:
Hello ulit! Sana nagustuhan nyo yung prologue ^___^ Hintayin nyo nalang yung updates ko. And sana suportahan nyo 'tong story ko. Maraming salamat! ^0^ Mahal ko kayo~

-MangoCake ❤

Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon