Between Jin-guk and Min-woo

30 1 5
                                    

Chapter Five

Narrator's POV

"Mi-young! Sige na! Samahan mo na 'ko! Minsan na nga lang ako magpasama sayo eh, ayaw mo pa." nakapout na pagmamakaawa ni Min-joo kay Mi-young.

Nagpapasama kasi ito sa mall. May bibilhin daw kasi.

"Ano namang gagawin ko dun? Bubuntot lang sayo? Nakakapagod kaya yun. Tsaka masakit yung likod ko 'no! Baka nakakalimutan mong galing ako sa trabaho." sabi ni Mi-young.

"Eeeh~ sige na kasi! Promise! Hindi tayo magtatagal dun. May bibilhin lang kasi talaga ako eh. Please? Please?" pagpipilit ni Min-joo habang nagpa-puppy eyes.

"Hayy.. Ano ba kasi yung bibilhin mo dun? At tsaka, ba't kailangan mo pa ng kasama?" sunod-sunod na tanong ni Mi-young.

"Eh, basta! May bibilhin! Natatakot akong magpunta sa mall mag-isa eh, baka mamaya may mang-kidnap sakin." sabi ni Min-joo.

"Ha! Asa ka pang may mangingidnap sayo. Di sila magkaka-interes sayo 'no! Baka mainis pa sila sa kakulitan mo." sabi ni Mi-young.

"Ouch! Ang ganda ganda ko kaya! Kaya baka biglang may kumuha sakin dun. Sige na kasi! Samahan mo na 'ko!" pagmamakaawa ulit ni Min-joo.

Halos isang oras na syang pinipilit ni Min-joo na sumama sa kanya. Pero hindi lang sya ng hindi.

Maaga din natapos ang trabaho nya sa kainan dahil nagsara agad ito. May mga aayusin kasi at kailangan matapos agad para back to business ulit kinabukasan.

"Aish! Oo na! Sige na! Sasama na ko!" pagsuko ni Mi-young sa pangungulit sa kanya.

"Talaga? Yehey! Ililibre nalang kita pagkatapos." ang todo ngiting sabi ni Min-joo.

"Tara na nga! Para makauwi tayo agad!" sabi ni Mi-young at nauna ng maglakad.

"Mi-young! Hintay!" sigaw ni Min-joo at hinabol ang kaibigan.

-----

"Ito lang bang pinunta natin dito? Ang maglakad?" reklamo ni Mi-young.

Nang makarating silang dalawa sa mall ay wala silang ibang ginawa kundi ang maglakad.

"Sandali! Hinahanap ko pa eh! Aish! San ba kasi ulit banda yun? Ang laki naman kasi nitong mall eh!" sabi ni Min-joo habang palinga-linga sa paligid.

"Ang ulyanin mo talaga!" sabi ni Mi-young.

"Alam ko 'no! Hmp!-- Ah! Ayun! Tara!" sabi ni Min-joo at pumunta sa itinuro nyang lugar.

Nasa loob na sila ng isang jewelry shop.

"Hoy! Mi-young! Tulungan mo naman akong pumili!" sabi ni Min-joo habang pinagpapalit palit ang tingin nya sa mga box.

"Bakit ba kasi? Para kanino ba yang bibilhin mo?" tanong ni Mi-young.

"Para sa'kin!" sagot ni Min-joo.

Pinitik naman ni Mi-young yung noo nya.

"Ahh! Masakit ah!" reklamo ni Min-joo habang hinihimas yung noo nya.

"Gaga ka. Magsisinungaling ka pa sakin. Eh kita mong panlalaki yang mga yan eh!" sigaw ni Mi-young habang tinuturo-turo yung mga box.

Iba't-ibang klase yung nasa box. May singsing, bracelet at kwintas.

"Bakit? Hindi ba pwedeng magsuot ang mga babae neto? Tch." sabi ni Min-joo at pinagpatuloy ang pagpili.

"Tss. Alam mo, maniniwala na sana ako eh, kaso may naalala ako. Hindi mo maisusuot yan dahil babaeng-babae ka!" sabi ni Mi-young.

Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon