Mi-young's Parents' Death Anniversary

32 1 0
                                    

Chapter Four

Narrator's POV
-Noon

"Lalalalala~" masayang pagkanta ni Jin-guk habang naglalakad.

Papunta sya sa kainan kung nasan si Mi-young. Malapit na kasing mag-lunch. May dala na naman syang mga pagkain para kay Mi-young.

Kung anu-anong masusustansyang pagkain. Nagdala pa sya ng dessert para maiba naman sa panlasa ni Mi-young. Natagalan pa sya sa pagpili kung anong dessert ang bibilhin nya para kay Mi-young. Hindi nya pa kasi alam kung anong mga tipo nitong kainin.

"Hello po! ^___^" masayang bati nya sa staff na naka-assign sa counter.

"Hello din sayo! Naku. Mukhang alam ko na kung bakit ka nandito." sabi ng staff.

"Hahaha! Nandyan po ba sya?" tanong nya.

"Tsk. Tsk. Sayang. Nakaalis na eh. May sumundo sa kanya dito kanina. Siguro mga alas-diyes sya sinundo. May pupuntahan daw sila eh." sagot ng staff.

"Sumundo? Sino po? Tsaka san po sila pumunta?" sunod-sunod na tanong nya.

"Si Min-woo. Yung anak ng may-ari nito. Pero, di ko alam kung san nagpunta eh. Wala naman silang sinabi. Basta, nagpaalam lang na aalis sila." sagot ng staff.

"Diba may trabaho pa si Mi-young?" napatingin naman sya sa relo nya. "Meron pa syang 45minutes bago mag-lunch oh." sabi ni Jin-guk.

"Pinayagan naman sya ni tita eh. Ba't nga naman hindi eh, anak nya ang sumundo kay Mi-young." sabi ng staff.

"Nasan po si tita? Nandyan po ba?" tanong ni Jin-guk.

"Nakaalis narin. Kani-kanina lang." sagot ng staff.

"Aish! Tch. San kaya sya nagpunta?" tanong ni Jin-guk sa sarili.

Min-woo's POV

Nandito kami ni Mi-young ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang mama at papa nya.

Dinala ko sya dito dahil death anniversary ng mga magulang nya ngayon. Kasama rin namin ang kapatid kong si Min-joo.

"Kuya! Halika ka na! Kumain na tayo!" tawag sakin ni Min-joo.

Magkatabi silang dalawa ni Mi-young sa picnic mat malapit sa puntod ng mga magulang ni Mi-young.

Lumapit na ako at naupo sa tabi ng kapatid ko. At magkaharap naman kami ni Mi-young.

"Wow! Kuya! Ang dami mong dinalang pagkain ah! Parang fiesta!" masayang sabi ni Min-joo habang nakatingin sa mga pagkain.

"Syempre. Espesyal ang araw na'to eh." sabi ko.

"Kuya, bakit nga pala hindi nakasama si tita? Si tito, alam kong nasa trabaho sya ngayon." sabi ni Mi-young.

"Busy kasi sya Mi-young eh. Marami syang kailangang gawin ngayong araw na'to para sa kainan." sagot ko.

"Ahh.. Sayang, hindi na naman tayo kompleto." sabi nya.

"Okay lang yan Mi-young! Kumain nalang tayo! Ang daming pagkain!" sabi ni Min-joo habang puno ng pagkain ang bunganga.

"Hoy Min-joo, magdahan-dahan ka nga sa pagkain!" sita ko sa kanya. Napatawa naman si Mi-young.

"Bakit ba? Ang sarap sarap ng kain ko eh, pakikialaman mo ko!" nakapout nyang sabi.

"Gusto mo bang ikaw na ang dalawin namin dito sa susunod ha?" sabi ko sa kanya at binatukan sya ng mahina.

"Ang sama mo kuya! Ang cute cute at ang pretty pretty ng kapatid mo eh! Binabatukan mo lang!" sigaw nya sakin habang nakapout.

"Wag ka ngang magpout! Mukha kang pato!" natatawa kong sita sa kanya. Napapout naman sya lalo.

Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon