Chapter Three
Jin-guk's POV
Lunchtime na! Sigurado akong kumakain na ngayon si Mi-young ng lunch nya. Papunta ako ngayon sa kanya.
Sigurado rin akong ramen na naman ang kakainin nun. Hayy.. Baka mapurga na sya sa kakakain nya ng ramen. Ang payat nya na nga eh. Hindi sya nakakakain ng maayos. Kaya naman, may dala akong iba't ibang pagkain ngayon para sa kanya ^___^ Sana magustuhan nya ang mga 'to.
Nandito na 'ko sa likod ng kainan. Dito sa playground. Nabanggit naman siguro ni Mi-young sa inyo na dito sya palaging kumakain diba?
At ayun nga. Nakikita ko na sya. Nakaupo sa swing at kumakain na. Lalapitan ko na sya.
"Hello Mi-young! ^___^" bati ko sa kanya at naupo na 'ko sa kabilang swing.
"Oh, nandito ka na naman?" ang ganda nyang bumati sa'kin diba?
"Oo. Nandito na naman ako ^0^ Wag ka ng magalit. Masanay ka na lang. Sya nga pala, may dala ako para sa'yo." inangat ko yung basket na dala ko para makita nya. Yung pang picnic.
"Ano yan? Magpipicnic ka? Ge, magpicnic ka na. Wag mo 'kong distorbohin. Kumakain ako." sabi nya. Huhuhu ang cold~
Simula nung palagi na akong sumusulpot sa harap, likod at gilid nya, naging cold na sya sa'kin (╥_╥) Dati nung kakakilala palang namin, ngiti pa sya ng ngiti sa'kin, pero ngayon...hayy... Baka nga ayaw nya na kinukulit sya.
"Hindi ako magpipicnic. Pero kung gusto mo magpicnic tayo, okay lang sa'kin! ^0^ Nagdala talaga ako ng mga pagkain dahil alam kong ramen na naman ang kakainin mo." sabi ko sa kanya at nilabas na yung mga pagkain. Nandito na'ko sa ground nakaupo.
"Pagkain?" mukhang nakalma naman na si Mi-young nung makita yung mga pagkaing nilalapag ko.
Hinila ko sya para maupo narin sya sa tabi ko. Tapos inabutan ko sya ng kutsara at chopsticks. Binuksan ko yung isang topperware ng pagkain at iniabot yun sa kanya.
"Tikman mo yan. Masarap yan ^___^" sabi ko sa kanya at binuksan ko pa yung ibang nakatakip na pagkain.
Kumakain na sya at mukha namang nagustuhan nya yung mga yun. Hindi nya na napansin yung ramen nya kanina na nasa kalahati na.
"Terka, barkit mwo ba girnagawa to?" tanong nya habang puno ng pagkain yung bibig nya. Haha! Ang cute nya. Sarap picture-an!
"Hmm? Dahil... gusto ko lang na gawin 'to." sagot ko sa kanya.
"Bakit mo gustong gawin 'to?" tanong nya ulit ng malunok na yung pagkain.
"Dahil..."
"Dahil.....? Ano?" Haha! Di sya atat 'no?
"Hahaha! Kumain ka nalang dyan. Matatapos na lunch break mo oh." sabay tingin sa relo ko.
"Alam mo bang naiinis ako sa'yo?" tanong nya.
"Oo. Alam ko. Obvious naman eh." sagot ko.
"Bakit lumalapit ka parin sa'kin? Yung iba, kapag alam nilang naiinis sa kanila yung isang tao, lumalayo at umiiwas na sila. Pero ikaw, lapit ka parin ng lapit." sabi nya.
"Hmm? Kasi pansin ko naman din na hindi ka talaga naiinis sa'kin. Naguguluhan ka lang dahil magulo ako." sagot ko.
"Bakit? Pareho lang naman yun ah?" sabi nya.
"Hahaha! ^▽^ Magkaiba yun!" sabi ko.
"Tss. Pareho lang yun 'no! Walang pinagkaiba." sabi nya.
"Hahaha! ^▽^ Sige na. Kumain ka nalang dyan. Dapat maubos mo lahat yan ah." sabi ko at naupo ako sa swing at dahan dahang nagduyan.
"Ang dami nito! May balak ka bang palobohin yung tiyan ko?!" reklamo nya.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)
Fanfiction"도 망친 왕자" Fanfic for all the Jungkook biased A.R.M.Y