One week after Chapter Four
-----Jin-guk's POV
Night timeHihi! Ang saya ko! ^o^ May number na ako ni Mi-young!
Nakuha ko yung number nya don sa best friend nyang si Min-joo. Nakita ko kasi yun nung isang araw kaya hiningi ko nalang din kesa palagpasin ko yung pagkakataon diba?
Pero hindi ko pa sya nasisimulang i-text simula nung makuha ko na number nya. Ewan ko ba. Wala akong maisip na pwede kong sabihin sa kanya eh.
Kung mag "Hi" nalang kaya ako. Oo! Tama! Yun nalang muna!
Typing...
Typing...
Aish! Hindi! Hindi! Hindi!
Kung "Hi" lang sasabihin ko baka hindi sya magreply.
Hmm?
Typing...
Typing...
To: Pusa♡
Hi Mi-young! ^_^ Si Jin-guk 'to. Hehehe. Ahh... Gabi na. Ahh... Kumain ka na ba? Ahh... Nagustuhan mo ba yung mga pagkaing pinamili ko ulit sayo? Hehehe.
Sending............. Sent! ^___^.
Hayy.. Sa totoo lang manly talaga ako eh. Oo! Manly ako! Pero, ewan ko, pag naiisip ko si Mi-young, para bang bigla akong lumalambot? Oy! Hindi yung "lambot" na pang-bakla ha!
Mai-inlove ba ako kay Mi-young kung bakla ako? Tch.
Oo. Gusto ko si Mi-young! Obvious naman eh. Lagi akong dikit ng dikit sa kanya. Gusto ko lagi ko syang kasama at kausap. Kung pwede nga lang sya nalang yung nakatakdang ipakasal sakin eh. Hindi talaga ako hihindi!
Iba yung pakiramdam ko kapag nandyan si Mi-young. Para bang nawawala yung problema ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Komportable akong kasama sya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Isa pa yung nagmumukha akong tanga. Bago sakin yun.
Dati don sa Seoul, ang mga babae ang nagpapakatanga sakin. Hindi ako. Sila yung dikit ng dikit sakin. Pero ngayon, ako na. At dahil yun kay Mi-young. Ang lakas lang ng impact nya sakin.
At hindi ako nagyayabang ha. Nagsasabi lang ako ng totoo. Yung totoo na gwapo ako na kahit titingnan ko lang sila, hihimatayin na. Hindi pa ako kumikindat o ngumingiti nyan ha!
From: Pusa♡
Oo nga, gabi na nga. Ba't hindi ka pa natutulog? At oo, kumain na ako kanina pa. Tsaka salamat don sa mga pinamili mo. Pero teka, pano mo nalaman number ko?
Ayun. Tinanong na nya. Hahaha! Sabi ko na nga ba eh.
To: Pusa♡
Hiningi ko kay Min-joo ^.^ Yung best friend mo. Okay lang naman diba?
Sana hindi sya magalit o mainis o kung ano pa man.
From: Pusa♡
May magagawa pa ba ako?
To: Pusa♡
Wala na ^_^ Hahaha! Promise! Hindi kita kukulitin dito.
At kung tinatanong nyo kung bakit "Pusa" ang pangalan ni Mi-young sa phone ko, yun ay dahil sa nakita ko sya nung nakaraang araw na nagpapakain ng pusa. Kinakausap nya pa nga eh. At ang cute nya talaga habang nakikipag-usap sa pusa. Tsaka, mukha rin syang pusa eh ^___^.
From: Pusa♡
Gabi na. Matulog ka na.
To: Pusa♡
BINABASA MO ANG
Runaway Prince: BTS Jungkook Fanfic (ON GOING)
Fanfiction"도 망친 왕자" Fanfic for all the Jungkook biased A.R.M.Y