HO-Chapter 17

771 18 0
                                    

Hindi ako mapakali sa aking inuupuan nang umalis si Hell para kausapin ako at makinig sa kanya. Napapasabunot na lamang ako sa aking sarili, dahilan para bang may tumutulak sa aking sundan ko ito at sabihin kung ano ba ang nararamdaman ko, awa ba o galit.

Napatingin na lamang ako sa pintuan at mabilis kung kinuha ang jacket at lumabas.

Nanakbo ako palabas at nakita ko si Jack na ngayon ay may lungkot ang mga mata at miski si Mynx. Hindi ba nila alam na kahit ako naman ay nasasaktan sa ginawa ni Hell--Hindi siya ang may mali, hindi ba si Calla?

‘’H--hindi mo ba talaga mapapatawad ang kaibigan ko? M--minahal kana niya, tinalikuran niya ang lahat para sa ‘y--’’

‘’Shut-up!’’ sigaw ko kay Jack na ikinatingin naman nito sa akin. Nakita ko ang mga mata nito at napailing sa akin. ‘’H--hindi ninyo mababago na si Hell din ang may kagagawan kung bakit ako nagkaga--’’

‘’Alam ko naman, pero pinagsisisihan iyon ng kaibigan ko. Sana naman, pigilan mo siy--’’

‘’What do you mean?’’ saad ko kay Jack na ikinatingin naman ni Mynx sa labas at mabilis akong lumabas. Pagkalabas ko’y napatakbo ako at mabilis akong sumakay sa kotse. Hindi naman niya siguro gagawin ang mga bagay na nasa isip ko. Ano na lamang ang mangyayari sa akin kung magpapakamatay siya? Makukulong pa ako nito. Kulong ba talaga naiisip mo o talagang nag aalala kang maiiwan ka niyang mag-isa?

Mabilis kong pinaandar ang kotse at wala akong alam na pupuntahan ni Hell pero iisa lang ang alam ko at ang bahay nila. Hindi pa ‘man ako nakakalayo ay bigla akong napapreno nang makita ko si Hell na nasa malapit sa tuloy at maraming mga alagad niyang pumipigil sa kanya. Naiiyak naman ako dahilan ngayon ko lang nakita ang pagbagsak ng katawan nito at halos hindi ko rin ito makilala dahilan sa paghaba ng bigote nito.

‘’B-Boss,’’

‘’Huminahon ka lang boss!’’

Ilan sa mga alagad nitong pilit siyang kinukumbinsi. Pero umiiyak lamang ito at humahaguhol ng iyak. Hindi ko alam, pero naawa ako sa kanya, alam kong nilamun ako ng galit. Hindi ko siya pinakinggan at dahilan sa ginawa din niya sa akin ay para na din akong mababaliw nun, pero parang may kumakausap sa akin napigilan ko siya.

‘’S--so, iyan ang sagot sa lahat?’’ sa pagkakakasabi ko nun ay napatingin siya at bahagya din itong nagulat nang makita ako. Hindi ko alam pero mas naiyak ito at napailing.

‘’S--sorry, sorry. Pinagsisisihan ko naman… talaga… makinig ka naman kasi sa akin… inaamin ko sa ‘yo na gagawin ko ang lahat para map--’’

‘’Shut-up! Gagawin mo ang sinabi ko sayong magpakamatay ka?! Pinatatawa mo ba ako Hell? S--sabi ko magsisisi ka lang, pero totoo bang nilok--’’

‘’Hindi. Hindi ko ginawa iyon, alam mo kung gaano kita kamahal.’’ aniya sa akin naikinangiti ko naman kahit na umiiyak ako. Naniwala ako kaagad sa babaeng iyon at hindi ko siya pinag paliwanag.

‘’H--hali kana, umuwi na tayo.’’ saad ko sa kanya na ikinatingin naman nito sa akin. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata nito na ikinaiyak naman nito. Napatingin ako sa paligid na umiiyak na lahat ng alagad niya na ikinatingin naman niya rin doon, pero mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako nito.

‘’H--hindi ko kaya na iwanan mo ako… Hindi ko alam ang gagawin ko… k--kapag nangyari iyon.’’ aniya sa akin at niyakap ko rin naman ito. Hindi ko alam pero ang gusto ko lang ay yakapin at gantihan siya ng mahigpit na yakap.

Pinagmamasdan ko siyang kumain at dun ko napansin na talagang humaba na ang balbas nito at masyado na mugto ang mga magagandang mata. Hindi ko akalain na iiyakan niya ang kagaya ko na isa siyang kilalang cold at saksakan ng sungit pero heto siya sa harapan ko ngayon at takot siyang mawala ako.

His Obsession |Fulvia Smith| Series 1 |+18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon