Please be guided that this chapter is a flash back. -OMG
PAGTUNGTONG ng alas-siyete ay madali akong nag-ayos papunta sa Restaurante. No date, no nothing. Just myself. Get ready to embarrass yourself to Hell.
Hindi ako makapaniwala. Ang huli kong natatandaan ay ang insidente kasama ang manyak na huli kong naka-date at— at nakasama ko si Heaven a.k.a. KO sa Dinner. Pero ano ito? Ngayon pa lang ang dinner? Ang gulo!
Nalungkot ako na hindi totoo si Heaven. Si Heaven na sa 'di malamang dahilan ay masyadong palagay ang loob ko.
Pagdating ko sa Restaurante ay nakailang buntong-hininga ako bago pumasok. Nag-ayos pa rin naman ako sa gabing ito kahit na alam kong ipapamukha lang sa akin ni Hell na talo ako. Pero may isang bagay na ipinanalo ako— at 'yun ay naka-move on na ako sa kanya. Naisip ko na hindi naman kailangang maging obsessed sa isang tao o bagay para mapansin ka niya e.
Jeje man pero totoo nga— ikaw lang, sapat na. Just be happy with "yourself".
Agad kong naaninag ang dalawa habang nakaakbay si Hell kay Santina. Ang sweet.
Masama man ang naging ugali nila at trato sa akin— maybe it's time to reconcile at ipagtapat na nagsinungaling ako. Walang boyfriend, walang kahit ano.
One more thing I've realized— 'di ko naman kailangang mag-higanti kasi ako naman 'tong nauna sa gulo namin ni Hell. At nagsisisi na ako. I failed.
Nang makita nila ako ay naghiwalay sila. They even smirked. Still evil, I know.
"Hey, Demi! Where is he?" Si Santina ang unang bumati habang nakangiting-aso ulit si Hell.
Parang nagbabago ata ang isip ko at 'wag na lang makipag-ayos sa dalawang 'to.Biro lang. Keri ko 'to.
Ngiting tipid lang ang sagot ko sabay upo sa harap nila. May bakanteng upuan sa tabi ko pero hindi ko naman kakailanganin 'yan. I don't have a date. I only have an imaginary boyfriend.
"Hell, Santina—" pagsisimula ko pero may biglang pumutol sa usapan.
143 calling...
Ang Hotline 143— teka, ano ang meron? Tapos na ang kontrata namin bagamat may isa pa akong natitirang date. Ayoko na. Tama na 'to.
Tumayo ako at nagpaalam saglit. 'Di na ako gaanong lumayo sa lamesa namin. Para saan pa? Mabubunyag din naman ang lahat ngayong gabi.
Operator: Mind to redeem your last date, ma'am?
I-It's KO. Mariin akong napapikit.I silently wished he's really Heaven...
Me: Ahmm, naku, hindi na—
"Well, I insist."
Naguluhan ako kasi parang nadoble ang tinig. Isa sa cellphone at isa sa—
Paglingon ko ay para akong nabato sa gulat. Gulat at saya? Hindi ko ma-explain. Para akong nananaginip. Na naman. It's him.
Operator: Hello?
Kasabay ng pagtawag sa kabilang linya ay ang pagsasalita ng nasa harap ko. Siya nga...
"So—are you going to sue me? Ma'am?"
Hindi ako makasagot. Para akong napako, nasemento, nag-yelo.
"Demi! Matagal ka pa ba—?" napatigil si Santina at Hell na papalapit sa akin at kay... err.
"Bro! Kayo ba ang mga kaibigan ni Demi?" Nagising ako sa pagkausap niya kila Hell at Santina.
"D-demi," maarte sa pandinig kong untag ni Santina.
"Ven, bro..." pagpapakilala ni err. 'Di ko alam talaga kung paano ko siya tatawagin. Siguro ay may nakasulat na na malaking "FOR REAL?" sa noo ko. I. Can't. Believe. This.
Teka, Ven ang pangalan niya... so hindi Heaven?
"...short for Heaven— Demi's boyfriend."
Napatingin ako sa kaniya—naka-nga-nga at nanlalaki ang mata. A-ano?
Niyakap ako ni H-heaven saka bumulong.
"I'm Heaven. Just go with the flow, I'll explain everything later," he said then kissed me on my cheek.
Lalong nag-init ang mukha ko. Sana hindi mahalata nina Hell ang reaksyon ko. Sana...
Nilingon ko si Hell at madilim ang kaniyang tingin. Mapait ang kaniyang ekspresyon bago makipag-kamay kay Ven.
"Hell," may diin niyang pagpapakilala.
Naunang tumalikod si Santina at bumalik sa upuan kaya sumunod na kami.
Hindi ako mapalagay sa tingin ni Hell.
Walang gaanong pag-uusap ang naganap.
Sweet si Ven at sobrang saya ko ngayon. Totoo siya, hindi ako nananaginip.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Bago matapos ang dinner ay nag-salita si Hell na bumasag sa katahimikan.
"Demi, let's talk." Naguluhan ako sa inakto niya.
Tumingin ako kay Ven at ngumiti lang siya. Ang ngiting 'yon ang nag-pagaan ng loob ko. Si Ven lang ang nakakagawa nito.
"Hell!" Umirit naman si Santina pero hindi siya pinansin ni Hell.
Nawala ang nagmamayabang na awra ni Hell kanina at hindi ko alam kung bakit.
"Mauuna na ako sa parking lot. Just call me, 143, when you're done talking," Ven whispered. Tumango ako. Sobrang palagay na agad ang loob ko sa kaniya.
Nakita kong ibinigay ni Hell kay Santina ang susi ng kotse niya at nakasimangot ito nang abutin 'yon.
Tinignan pa ako nito ng nakakapaso kaya yumuko ako.
Don't worry, Demi. After this, tapos na. Don't forget to thank Heaven.
Nagulat ako nang hilahin ako ni Hell at idinala sa mini garden ng Restaurante kung saan walang tao.
"Demi..." Nag-salita ito at nanatili akong nakayuko.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako naiiyak. Parang pinipiga ang puso ko iisipin ko pa lang na pagka-tapos ng gabing 'to ay lalayo na ako.
"H-hell, 'wag ka mag-alala. Lalayo na ako. I've learned my lesson. Hindi na sana kita kinulit—"
"No," hindi pag-sang-ayon nito. "You don't need to do that," sabi niya.
Hindi nga ako nagkamali at tumulo na ang matagal ko nang pinipigilang luha.
"I'm sorry—" sabay naming sabi.
"You promised." Madiin ang pagkakasabi ni Hell. "You promised and you just broke it."
Umiling ako habang nanatiling nakayuko. Hindi ko siya kayang tignan. Karapatan ko ang maging masaya. Tama na ang ginawa ko. Hindi ko na kaya.
"Yes, I did." Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko.
"Then why did you give up already?"
"Kasi masakit na. Kasi mahirap na." Bumaling ako sa kaniya. "Masakit umasang mare-realize mo kung para saan ang ginawa at ginagawa ko, Hell. At mahirap ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong hindi ako kayang tanggapin. Pagod na ako."
Tumunog ang phone ko at nakita ko ang 143 na nag-flash sa screen.
Oo, tama na nga. I'll start anew. And I'll build the Demi no one used to know... with Ven—with Heaven.
"Be happy, Hell. Mag-iingat ka. Kalimutan mo na ang guardian angel mo," huling salita ko bago tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya.
—
Hello, JoysheAnnie na ka-chat ko! Yay, new friend. And to lynrosetian na iniisip pa rin kung sino SIYA. Sana ay nasagot na nito. Hindi ako nag-ud sa LOSN ngayon dahil tinatamad ako. Hayy. Comments, please? Boost my imagination.
-OhMyGelou
BINABASA MO ANG
The Devil's Guardian Angel
RomanceB O O K T W O O F " D I A L I N G 1 4 3 " (Note: Please read "Dialing 143" before proceeding to this book.) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved