"I said-I don't need you! Who do you think you are?" he said in gritted teeth.
"Wow, taray naman. Sino ka, si Christina Perri? 'And who do you think you are? Runnin' 'round leaving scars?'" tawa naman ng babae.
Tumalikod ang lalaki at akmang aalis na. Maiksi talaga ang pasensya nito kahit kailan.
"Ayy! Saglit!" Hinabol siya ng makulit na babae. Agad naman itong humarap, with the same hard but sinfully handsome expression.
"What?!" pabulyaw na sagot nito na animo'y handang lumapa ng tao ano mang oras.Ngunit hindi nag-patinag ang babae, bagkus ay mas inayos pa nito ang postura niya.
"I am your guardian angel," she smiled, saying those out of the blue.
"Are you freaking kidding me? Stop bugging me with your childishness, will you?"
Nauubos na rin ang pasensya ng babae kaya nilapitan niya ito at hindi nag-atubiling binatukan. Napapiksi ang lalaki dahil sa ginawa nito.
"What the-"
"Sige, subukan mong mag-mura at makakatikim ka ng isa pang batok," nanlilisik ang mata na sabi ng babae. Pero animo'y may tama ang isang 'to dahil ngumiti na naman matapos niyang sabihin 'yon.
"It's not childishness, you know. I am your guardian angel. And I promised to protect you and guide you and..."
"And what?"
"And love you," she again flashed her angelic smile.
Habang pinagpapawisan ng butil-butil ay nagising ako sakalagitnaan ng gabi.
That dream... again and again.
Why was it like a ghost haunting me every now and then? Pilit ko nang kinakalimutan ang lahat sa nakaraan. Why?
I have my Heaven now.Bakit pa ba ako ginugulo ng walang-kwentang nakaraan ko?
I sighed frustratingly then glanced at my winged wall clock.
Madilim ang buong paligid pero nagbibigay ang buwan ng sapat na liwanag para mapag-tuunan ko ng pansin ang bawat detalye ng dati kong kwarto.
My room was dressed like heaven. Hindi naman sa obsessed ako sa angels and heavenly chorvaness, but because since I was a kid-I just love seeing angelic things. It made me feel like I was an angel, too.
Like my bed, para siyang maliit na kalangitan. My pillows were shaped like clouds. My lamp had an angel design, brighting up my room out of the dark. Ang wallpaper ko ay sky blue at ang kisame ko ay punong-puno ng mga luminous stars. At 'yong wall clock ko nga ay may pakpak na parang pang-anghel.
Inilagay ko ang malalaking hugis ulap kong unan sa likod ko at umayos ng upo sa kama.
"Kahit ano pa 'yang problema mo, nand'yan lang ang guardian angel mo, 'di ka niya pababayaan. Don't forget."
Guardian angel.
Kay Mommy ko unang nalaman ang guardian angels. Sabi niya, sila daw ang gagabay at pro-protekta sa akin anumang oras.
"I am your guardian angel," she smiled, saying those out of the blue.
"She"-that girl... was no other than me. Sa sobrang katuwaan ko ay nag-feeling guardian angel na rin ako. Na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Ang hirap kayang maging guardian angel ng isang taong mas malamig pa sa yelo kung makitungo sa 'yo.
Parang nawala ang antok ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba bumalik na siya?
Naalala ko ang phone kong nakapatay simula pa kaninang umaga. It's already midnight. Wala naman na sigurong mangangahas na tumawag sa akin o mag-text, in this ungodly hour.
BINABASA MO ANG
The Devil's Guardian Angel
RomanceB O O K T W O O F " D I A L I N G 1 4 3 " (Note: Please read "Dialing 143" before proceeding to this book.) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved