"THANK you for the meal, Lola. Welcome home, again," I thanked then hugged Lola Mary. "And also for the Zumba session po," I added grinning.
"Wala 'yon. Balik kayo mga apo, ha? While I'm still here in the Philippines." Lola Mary smiled at us.
"Sure, Lola. Mag-pahinga na po kayo. Certainly, if Mom and Dad are here, they'll reprimand you from overworking," Ven told Lola Mary.
She just playfully shrugged.
"Fortunately, they aren't here. Oo na, apo. Ikaw talaga, parang Zumba lang—"
Naputol si Lola Mary sa pagsasalita nang makarinig na naman kami ng ingay kung saan sa loob ng bahay.
"Why won't you let me get out?!"
Mahina ang tinig ngunit alam kong pasigaw iyon. Napawi ang ngiti ni Lola Mary, gayon din ni Ven.
Nagkatinginan ang mag-lola habang ako ay parang agad kinabahan sa 'di malamang dahilan.
"Uhh, Demi, hija? Pwede bang maiwan ka muna namin dito ni Heaven saglit? I-I just need to talk to my apo alone. Suit your self for a while," Lola Mary said. Hindi naman ako tumanggi dahil alam kong may mga pang-pamilyang isyu din silang kailangan pag-usapan na sila lang.
Ven looked at me and I just nodded as a go-ahead.
Naiwan ako sa garden at nag-pasyang maupo muna sa swing habang hinihintay ang dalawa.
"Let me get out, you imbeciles!"
Ayan na naman ang mahinang sigaw ng isang lalaki mula sa loob ng bahay.
Nakakunot ang noo ko habang hinihimas ang sariling braso. Ewan, kinilabutan kasi ako bigla. May bisita ba si Lola Mary maliban sa amin? Imposible namang si Sarah na naman 'yon.
Hindi kaya... mumu? Err. I'm impossible. I shook my head with my own thought. Sa moderno ng bahay na ito, mahihiya ang multong tumapak.
"Damn it! Where's Lola?! Let me get out!"
"Sir... sir, h-hindi po p-pwede."
Nadagdagan ang ingay. Ano ba kasi 'yon? May nagwawala ba? And what 'Lola'? Was he looking for Lola Mary?
"And why? This is my house, too. Why are you restricting me?!"
Papa-lakas ang boses at ingay kanina.
"Naku, sir. 'W-wag po. May bisita po ang lola ninyo—"
Tuluyan nang lumakas ang tinig at alam kong paparito iyon sa garden. Gosh, is this trouble? Nasa'an na ba si Heaven ko at Lola Mary?
"I don't care!" sigaw ng isang buo at napaka-pamilyar na boses.
"Sir!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng sigawan.
Animo'y nag-slowmo ang lahat. Ang paglingon ko sa lalaking inaawat ng mga tauhan ni Lola Mary at ang pagpupumiglas ng pamilyar na bulto na nasa harap ko.
Nanginig ako sa nakita ko. Pakiramdam ko ay matutumba ako sa kinauupuan ko bagamat nakatulos na ako rito.
Tama, may multo nga dito. Multo ng nakaraan.
May sumulpot sa likod ng lalaking pinipigil ng mga katulong at lalo akong napako sa swing. Humangin ng malamig na simoy na lalong nagpanindig ng balahibo ko.
"H-herald?" I whispered slyly.
"Kuya!" sigaw ng bagong dating—ni Herald— at tumulong sa pag-awat sa lalaking nagpupumiglas.
BINABASA MO ANG
The Devil's Guardian Angel
RomanceB O O K T W O O F " D I A L I N G 1 4 3 " (Note: Please read "Dialing 143" before proceeding to this book.) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved