Dati... Ano nga lang ba ang naging pinaka-mabigat kong problema dati? Let's say a year ago...
Well, I must say, just very simple things-just like struggling in finding my "imaginary" boyfriend's name.
"Boyfriend mo? Hahaha. Totoo ba 'yan, Demi? Oh baka isa lang 'yan sa strategies mo para ma-seduce ako?" tawa ni Hell sa kabilang linya na nakapag-pamula sa mukha ko dahil sa inis at sa pag-sabi niyang strategy ko 'yun para i-seduce siya.
Yes, I was head over heels with him but seducing him in order to get him? Gosh, 'di naman 'yon pumasok sa utak kong wholesome!
"Totoo! I'll show you on Valentines!"bawi ko sa kaniya.
"Sus, baka ni pangalang nga ng "boyfriend" mo ay 'di mo masabi."
Kung 'di ko lang alam na walang-walang pakialam sa akin 'tong lalaking 'to, iisipin ko na nag-tatanong lang siya dahil nag-seselos siya pero asa pa naman ako, 'di ba?
I know he's just checking if I was saying the truth, kaya wala na akong nagawa at piniga nang todo ang utak hanggang ang kalabasan ay isang napaka-"pinag-isipan-talaga-'to-I-swear" name.
P-pangalan? Isip, Demi, isip!
"He's... Heaven! His name is Heaven! Complete opposite mo!"
Napaka-galing na idea! Parang kinder lang na tinuturuan ng opposite big to small, huge to tiny. Heaven to Hell? My gosh! Well-said, Demi. Ikaw na ang pinaka-great. Tignan natin kung maniwala si Hell.
Gano'n lang ang pinoproblema ko noon. Ngayon... naka-ugnay pa rin do'n pero mas mabigat na. Mas magulo na. Mas nakaka-frustrate na.
"Para saan pa, Hell? Wala nang magbabago!" Sinabayan ko na rin ang bahagyang pag-taas ng boses niya.
"Meron, Demi. Maraming magbabago," seryosong saad niya. "Just listen."
Nag-sisisi akong nakinig pa ako. Ngayon mas nagulo ang sistema ko. Confused na nga ako sa sarili ko, na-confuse pa ako sa paligid ko.
Ayos sana kung tulad ng ibang heroine sa mga nobelang nababasa ko ay may girl best friend din ako na mahihingahan ko, kaso isa akong dakilang introvert at wala man lang kakai-kaibigan maliban sa mga nakakasalamuha ko sa trabaho na 'di ko rin naman ganoong ka-close.
I sighed in melancholy.
Nasaan nga ba ako ngayon? 'Eto at nag-iisa sa pang-dalawahang upuan sa isang lugar na ngayon ko na lang ulit binalikan-Plaza 143 Restaurante.
Kakaunti ang mga tao at karamihan ay mga nagde-date dahil katatapos lang ng lunch. Kanina pa ako dito pero walang bumabawal. Ba't babawalin nila ako, e kumakain naman ako kanina pa? I'm a customer, and customer knows best. Swerte ko na lang kung 'di ako maimpatso sa dami ng kinain ko.
Pinatay ko rin ang cellphone ko. Ayoko mag-isip, ayoko mai-stress, ayokong may maka-usap ngayon. Sigurado akong tumatawag na si Ven ngayon pero ayoko... ayokong mag-isip. Kasi 'pag nag-isip ako, alam ko kung ano ang gusto ko. At ayoko kung ano ang gusto ko.
Ang gulo ba?
Tinipak-tipak ko ang yelo sa halo-halong in-order ko. Kahit ayokong mag-isip, napapa-isip pa rin ako.
Hotline 143... Masaya ako, totoo, na nakilala ko si Ven, si Lola Mary at ang Hotline 143. Sila ang mga tumulong sa akin noon para maka-"supposed-revenge-to-quits" kami ni Hell. Kaya pala parang magic ang lahat ay dahil planado ni Heaven ang lahat.
Sumagi pa rin sa isip ko na bakit gano'n? Para akong naloko-napaglaruan? Pero naisip ko, mahirap din ang ginawa ni Ven.
No'ng mga panahong tinatanong at kinukulit ko siya kung ano ang pangalan niya, laging sagot niya ay against 'yon sa policy nila kaya bawal sabihin. Nang tinanong ko ulit siya kung bakit ayaw niyang sabihin kung gayong 'di naman pala totoong may rule silang sinusunod, tanging sagot niya lang ay...
"Though, it was so hard to resist your charm asking who I am, I needed it for the act. At 'di naman ako nag-sisisi, dahil ngayon-akin ka na."
Kilig na kilig ako t'wing pinapaalala niya sa akin lahat ng ginawa niyang 'yon. At t'wing ginagawa niya 'yon, pakiramdam ko-napaka-walang-kwenta ko.
Ano ba naman kasi ang ginawa ko para sa aming dalawa? Nagpaka-manhid noong una? Gusto kong pukpukin ang sarili ko t'wing naiiisip ko na siya lahat gumawa ng paraan para magkalapit kami. Kasi ako, walang ginawa kung 'di ang tumanga at mag-hintay ng grasya.
At kung may ginawa man ako noon-kung nag-effort man ako noon-hindi para sa kaniya, kung 'di para sa taong walang pakialam sa akin pero pilit kong pinagkaubusan ng oras.
I would also want to acknowledge those people who helped us. 'Yung mga naka-"date" ko kuno dito sa lugar na 'to-they were the friends of Ven. And everything was all an act. At sadya ang pagliligtas sa akin lagi ni "KO". Natawa pa ako habang inaalala ang mga panlalait kong ginawa sa kanila, no'n pala ang mga walang'ya ay mga professionals na at mga disenteng tao talaga.
Kahit na alam ko 'yong mga detalyeng 'yon, may mga tanong pa rin ako sa utak ko na ayokong galawin. Tulad no'ng mga panahong nagka-sakit ako. Kasi, takot akong malaman ang totoo. May gut-feeling ako pero ayokong panghawakan 'yon, kasi naduduwag ako.
Ang hirap mag-isip. Kaya ayokong mag-isip, e. Wala nga akong stress sa trabaho, sa pamilya-'eto naman ang kapalit. Pero ayos na 'to siguro. I knew I would figure this out. Soon.
Matapos ang mahabang pagre-reminisce ay napag-pasyahan kong umuwi muna. Pero hindi sa bahay ko. Alam kong hahanapin ako ni Ven, at ayoko pang mag-pakita kahit kanino.
Panggulong Santina plus Herald as Hell's twin plus engaged na ako kay Heaven plus pagbabalik ni Hell equals Demi na magulo ang utak.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pati si Ven na siyang fiancé ko ay iniiwasan ko pero pakiramdam ko kasi kailangan.
Okay, aamin na ako. Hindi ko alam kung dala pa rin ba 'to ng pre-wedding jitters, 'di ko alam kung normal pa ba kung iisipin ko na... hindi pa ako handang mag-pakasal kay Heaven.
Mahal ko siya. 'Yon na lang ang dapat kong tandaan at panghawakan sa ngayon.
Nakarating ako sa bahay ng mga magulang ko-sa bahay na kinalakihan ko. Agad na binuksan ng mga guard ang gate nang makita ang kotse ko. Tahimik ang bahay pag-pasok ko at mga maids lang ang bumati sa akin.
Nakita ko si Mommy sa kitchen na nagbe-bake at nagulat siyang nandoon ako.
She immediately went to me and wrapped me with her warm hug.
"Si Daddy po?" tanong ko.
"Nasa Haven's siya ngayon. O, napa-uwi ka, baby? May problema ba?" usisa niya. "I'm so happy for you, Demi. Engaged ka na talaga, anak," dagdag niya nang makita ang singsing sa kamay ko.
Numiti lang ako at nag-paalam nang magpapahinga. 'Di na siya tumutol at nang-usisa nang sabihin kong na-miss ko lang sila kaya ako nandoon. Alam kong gumana ang mother's instinct ni Mommy at alam niyang may problema ako kaya may pahabol siyang sinabi.
"Kahit ano pa 'yang problema mo, nand'yan lang ang guardian angel mo, 'di ka niya pababayaan. Don't forget," she reminded just like when I was young.
And with those words, I doze off to dreamland-where I didn't need to think.
***
Dedicated to gwynethkrishma19 for PM-ing me and supporting dialing 143 and TDGA. Thank you so much! *virtual hugs and kisses to you dear TDGA readers* Hastag whom do you ship: #DELL (Demi and Hell) or #DemiVen (Demi and Heaven) or #DeRald (Demi and Herald) Hahaha.
-OhMyGelou
BINABASA MO ANG
The Devil's Guardian Angel
RomanceB O O K T W O O F " D I A L I N G 1 4 3 " (Note: Please read "Dialing 143" before proceeding to this book.) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved