Chapter 30
It's been 1 week since I last saw Andrea and I'm freaking worried. She told me that there's something that she needs to handle. She said that it will only take days but it's been weeks and she hasn't responded to every text messages I've sent her.
"Hello, Cyvin? Got any update?"
"I tracked her location and it's somewhere in a Villa in Tagaytay"
"Ok"
"I'll meet you there"
Cyvin sent me the location. It's a Villa. It looks old and full of grass. Why would Andrea go here. I open the door and no one is in here.
"Andrea?"
Tumutunog pa ang medyo lumang papag na inaapakan ko. Para tuloy akong nasa horror movie. May mga vase at mamahaling paintings pa ang nandito."Hello?"
I searched the whole area but no one is in here. Then I saw a stairs. Umakyat ako at dahan-dahan na binuksan ang unang kwarto na nakita ko ngunit papasok na sana ako nang maagaw atensyon ako ng isang kwarto na nakabukas.Pumunta ako roon at may nakita akong isang kahon na nakapatong sa ibabaw ng kama. Medyo gusot pa ang parteng iyon sa kama. Malamang ay may humiga o umupo dito. Nasa isipan ko pa rin kung bakit pupunta si Andrea sa lumang bahay na ito. Mukhang matagal na ring walang nakatira.
Binuksan ko ang kahon at napakunot noo ako nang makita ko ay mga litrato. Si Mr. Garillion at Matthew ang una kong nakita sa litrato. Bakit meroon nito dito. Sa ikalawang litrato ay nagtaka ako dahil nakita ko si Andrea kasama si Matthew at Mr. Garillion at may kasama pa silang isang babae. Nakangiti silang lahat na parang isang masayang pamilya.
Pamilya?
Kaano-ano ni Andrea sila Mattew. Sa pagkakasabi niya saakin noong nasa New York pa kami ay dalawa na lang sila ng kapatid niya ang namumuhay sa New York at sumama siya saakin pauwi ng Pilipinas upang bisitahin ang puntod ng magulang niya.
Kung magkadugo sila. Minsan na silang nagkita sa opisina ngunit bakit umaakto sila na parang hindi nila kilala ang isa't isa. Naguguluhan pa rin ako. Alam ko na sangkot si Mr. Garillion sa pinagsususpetsahan nila Akiro na nagbabanta sa buhay niya at pamilya niya. Lalo tuloy akong kinutoban.
Huwag naman sana....
"I-ibaba mo 'yan!"
Napalingon ako sa bungad ng pinto at nakita ko si Andrea na madilin ang mukha."Andrea? Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, ilang araw ka na hindi nagpapakita, may problema ba?" Nagaalala kong tanong sa kaniya ngunti kahit isa ay wala siyang sinagot. Naglakad siya papalapit saakin at marahas na inagaw ang kahon.
"Andrea? Anong problema?"
Tanong ko at humakbang papalapit sa kaniya."Umalis ka na"
Madiin niyang sabi."Ano ba talagang problema mo, Andrea? You can tell me"
"Umalis. Ka. Na."
Pagpupumilit niya. Umiling ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalaman kung ano bang problema niya."Hindi, hindi ako aalis dito"
Nagulat ako nang bigla n'yang tinapon ang laman ng kahin at tumitig saakin. Wala akong makita na ekspresyon sa mukha niya.Hindi ko nakasanayan na ganito si Andrea. Lagi siyang nakangiti ngunit ngayon iba.
"Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko!? Ang sabi ko umalis ka na!? Gan'yan ka na ba talaga!? Kahit pinagtagaboyan ka na hindi ka pa rin nadadala!?" Sigaw niya sa harapan ko. Where did that come from.
"W-what are you saying? Anong problema mo?" I tried to hold her pero winaksi niya ang mga kamay ko.
"Pwede ba! Don't try to be so kind here! We all know kung ano ka talaga! Kung ano kayo talaga! You don't have any idea kung gaano ko kisusuklaman na makasama ka! kayo!" Sigaw niya pa. Saan nanggaling ang lahat ng ito.
"Ano ba talagang problema mo?! Enlighten me!"
"Enlighten you!?. Ok, I will tell you a story. Once Upon a time, There's a wonderful family who leaves peacefully but one day a powerful family comes there way and take everything! even my mom's life! What kind of human are you?!" Umiiyak niyang sabi.
"A-a-"
"Don't ask me what's my problem because all of you is my problem! Naguguluhan ka?! Bakit hindi mo itanong sa magaling mong ama! Dahil ikaw at ang pamilya mo ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay namin!" Natulala ako at hindi makapagsalita.
"How can you all be so heartless? My mom is so kind and fragile. Why did you have to take her life away!?. If you're thinking that Matthew is my brother then you're right. He is my brother! A brother who didn't even get a chance to be free! My dad become a monster we never expect him to be! Your family killed my mother!" Umiiyak niyang sabi habang galit na galit na tinuturo ako.
Hindi ako makagalaw at napako ako sa kinatatayuan ko. Nanunubig ang mga mata ko kasabay ng pagtambol ng puso ko.
"Kasabay nang pagkamatay ni mom parang pinatay n'yo na rin kami! So we planned everything, I applied as your secretary! Noong una it was all planned and going smoothly pero habang unti-unti kitang nakikilala kayo ng pamilya mo....Lalo akong nasasaktan kasi hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi kita kayang saktan! Anong magagawa ko, hawak niya kami sa leeg! Kaya nga lumalayo na ako!" Tuluyan na tumulo ang luha ko.
Nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Hindi pa napoproseso sa utak ko ang lahat."At ang nakakatawa pa, Nasasaktan ako sa t'wing iniisp ko na saktan ka!"
Umiiyak niyang sabi. Parang siyang nanghihina."Gusto kong magpatawad, Gusto kong lumaya sa galit na nararamdaman ko pero sa tuwing naalala ko si mommy nanghihina ako. Bakit n'yo siya pinatay? Bakit??" Naupo na nga siya at doon umiiyak na parang bata.
"W-wala akong alam sa nangyari..."
Hinawakan ko ang balikat n'ya at hinihimas ang likuran."We we're once a happy famiy. My dad used to be my superhero but now he's my biggest trauma" she caresses the picture of her mom.
"I tried...I tried everything. Do you know how hard it is to be with the family that took away my mom's life? But you! you showed me how wonderful your family is which made me even more jealous. You had a nice family but me, We used to be a happy family"
Wala akong alam sa nangyari. Hindi ko alam na magkapatid si Matthew at Andrea. Sinabi niya saakin na nasa ibang bansa ang kapatid niya ngunit hindi ko pa ito nakita kahit isang beses man lang noong nasa New York pa lang kami.
"Umalis ka na!"
Sigaw niya. Nakatakip sa mukha niya ang mga palad niya at humahagulhol."A-Andrea.."
"Umalis ka na!"
Tumayo siya at pinagtulakan ako."Hindi mo ako maintindihan dahil wala ka sa kalagayan ko! Umalis ka na! Umalis ka na....paparating na sila"
Humihikbi niyang sabi at pinagtulakan pa rin ako palabas sa kwarto."S-sinong paparating? Andrea, umalis na tayo" pagaaya ko sa kaniya.
"Hindi! Umalis ka na! parang awa mo na" may kung ano sa mga mata niya at hindi ko ito maipaliwanag. Pinagtulakan niya ako palabas sa pinto at nagtagumpay nga siya. Sinaradohan niya ang pinto at ako ay naiwan sa labas.
Dahan-dahan naman akong lumakad papalayo sapagkat hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko at hindi ako pinagbubuksan ng pinto.
I-start ko na sana ang kotse ko nang may maramdaman akong presensya sa likodan ko. Hindi nga ako nagkakamali at nakita ko ang maraming lalaking nakaitim na nakatayo lang at isang lalaki na lumabas sa kotse.
"Sinuswerte ka nga naman"
Nakangisi nitong sabi. Hindi ako nagkakamali siya si Drian. Ang taong palaging nagtatangka sa buhay ko. Narinig ko na ang pangalan niya noon na pinaguusapan nila Akiro.Masyado s'yang magaling magtago kaya hindi siya mahuli-huli. Nagtago siya nang malaman na siya ang nagtangka sa buhay ko kaya natigil siya ngunit ngayon ano nanaman ang pakay niya sa'kin.
"Long time no see"
Nakangisi niyang sabi.______________________________________
:)

YOU ARE READING
Officially Unmarried
RomanceAkiro Timothy Levarez the name of her husband. His Wife name is Isabella Piatrice Hedalgo. How can Isabella stay's in that marriage if she can't handle seing her husband cry just to beg her to divorced him so he can marry the girl that she loves all...