18

24 1 0
                                    


SO, saan banda. Ilalagay 'to?” Nguso ni Gilderye sa hawak niyang supot na naglalaman ng mga prutas at mga gummy candies na pinabili nang aking anak.



Napairap ako.


Obvious naman na sa lamesa ilalagay.



“Ilang taon na kayo?” Tukoy ko sa relas'yon nila ni Sebastian, ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala.



Inilagay na niya ang hawak niyang mga supot sa ibabaw ng mesa at nakanguso akong hinarap. “Beshie...” Marahan siyang lumapit sa akin at niyapos ako nang maingat.




“Tatlong taon na.”




Napanganga ako. Literal na napanganga, namilog ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa akin pisnge at inaalo ako.




Napailing ako nang mabilis nang mabalik sa ulirat. “Congrats.” Masayang pagbati ko dito. Napaangat naman ang aking tingin dahil hamak na mas matangkad siya sa akin.




Napatigil ako, nakita ko sa mismong mata ko ang pagluha niya.



Suminghot ito.



“A-akala ko... hindi mo rin ako tanggapin.” Napangiti ako nang malawak at pinisil ang pisnge niya.



“Tanga, kaibigan kita. Tanggap kita, kahit hayop ka. Tanggap kita kahit anong kasarian mo, kaibigan kita eh. Wala akong pake, kung juding ka! Mahal kaya kita. Atsaka, mahal ka naming lahat.” Napahagulgol siya at mahigpit akong niyakap. Nalaglag tuloy ang hawak kong cellphone.



“T-tanggap ko kayo...” Marahan kong hinaplos ang kanyang pisnge.



Tumango-tango ito at muli akong niyakap.



“T-thank you... Thank you for accepting me.” Napangiti ako.



“Welcome.”



NAMUTAWI ang katahimikan sa loob nang kotse na sinasakyan namin ngayon nang mag-ama ko.




Nasa aking kandungab si Caifon na ngayon ay mahimbing ang tulog. Sumusuporta sa kanya ang kanan kong kamay. Ang kaliwang kamay ko naman ay hawak ni Jaxqui.



Nakasilay sa kanyang labi ang napakatamis na ngiti.



Naramdaman ko ang pagpisil ni Jaxqui sa aking kamay. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang ang kanyang atens'yon ay nasa daan.



“Gala tayo.” Tipid na wika nito.



Napanguso ako at tinignan ang aming anak. Ano kayang ginagawa nito sa school, pagod na pagod eh.




“Sa saturday?” Baling ko dito, nakaside-view siya na sanhi upang makita ko ang napakatangos niyang ilong.




Naalala ko ang mommy at ang lalaki na kasama nang mommy niya. Kuya niya ba 'yon?



Hinihintay ko na lang ang kanyang explanation, ayokong magmadali.



“What do you think? Beach or amusement park?” Napaisip ako. Napabaling ulit ang tingin sa anak.



“Hintayin natin na magising si Caifon.” Napatango siya.



“Te amo...” Bumaling ang paningin niya sa akin at hinalikan ang aking palad. “Mi amor...” Direktang wika nito at nginitian ako nang matamis.



Whispered her Dream (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon