"Let's talk."Nanlamig ang aking palad. Kasabay ng namumuong luha. Sumunod na lang ako sa kanya, sa may balcony ng bahay.
Bakit nandito siya? Paano niya nalaman?
Katulad dati. Ganito ang tibok nang puso ko pagnakikita ko siya. Familiar ang pagtibok, ibig-sabihin. Mahal ko pa talaga, kahit ano naman ang gawin ko. Siya pa rin.
Sa loob ng ilang taon na wala siya. Wala akong ibang ginawa kundi, isipin siya. Mahalin siya, tama ba? Tama ba ang ginawa ko?
"Jaxqui . . .." Pumiyok ang boses ko. Kasabay ang pagtulo ng luha.
Nag-iba ang emosyon niya. Ang kaninang malamig, ngayon ay hindi ko na mabasa.
"I'm sorry."
"Jaxqui." Tawag ko sa pangalan niya. Napatungo siya at lumapit sa akin.
"I'm sorry, for hurting you. Ang t-tanga ko, ang hina ko . . . Hindi ko, kayo napaglaban. Patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko sa 'yo." Napatanga ako nang humagulgol siya sa mismong harapan ko.
Pero ang mas lalong nagpatanga sa akin ay ang pagluhod niya.
Umangat ang kanyang tingin at hinawakan ang aking kamay.
"Kahit lumuhod man ako sa harapan mo, hinding-hindi ko pa rin mababalik ang nakaraan." Nananatili ako na nakatulala sa kanya.
"H-hindi ko na... mababalik." Humina ang kanyang tinig. Pumiyok ito at nakikiusap ang kanyang tono.
"T-teffania . . ." Namilog ang aking mga mata. Kay sarap pakinggan, totoong pangalan ko ang kanyang binanggit.
"J-jatjat . . ." Nananatili siya sa ganoong pwesto. Napayuko at napayugyog ang balikat.
Lumalabo na ang paningin ko, natatambunan ng luha.
Walang responde ang aking natanggap, matapos kong sambitin ang kanyang palayaw.
Nangamba ako.
Ayaw niya bang.tawagin siya sa palayaw na 'yon?
"J-jatj-"
Tumayo siya. Namilog ang aking mga mata nang sunod niyang gawin. Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa akin.
Napatigalgal ako.
Ilang taon . . . Sa loob ng ilang taon, nandito siya. Nakatayo sa aking harapan at magkalapat ang aming mga labi!
Ilang segundo rin ang tinagal. Dahan-dahan siyang humiwalay at hinawakan ng maigi, maingat ang aking pisngi.
Nanatili kami na nakatitig sa isa't isa. Walang paki-alam sa nangyayari, sa isa't isa lamang nakafocus.
"J-jat . . ." Napakalas siya ng yakap.
"Hmm?" He asked softly.
"A-ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, ngunit bigla rin napawi.
"B-bakit? Bakit 'yung kalagayan ko ang iniisip mo?" Napayuko ako. Eto na naman tayo, luluha na naman.
BINABASA MO ANG
Whispered her Dream (High School Series #1)
Romance(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish her education so that her family can be raised in life. But one day everything changed, all her effor...