11

27 2 0
                                    


LALAPITAN ko sana siya nang may tumawag sa kanya. “Bro! Jaxqui, dalian mo na. Need ka na sa office,” lumapit ang lalaki sa kanya at inakbayan ito. Nananatili ang tingin niya sa akin, ganoon rin ako.

Napatingin sa akin ang lalaking umakbay kay jaxqui. “H-hello,” bati niya at nginitian ako. Ngumiti rin ako dito kaya napaiwas siya nang tingin. Ibinalik niya ang tingin kay jaxqui na ngayon ay nakasalubong ang makakapal niyang kilay.

“Kilala mo?” rinig kong tanong nung lalaking naka-akbay kay jaxqui. Bumaling ang tingin niya sa lalaki na di kalauna'y ibinalik sa akin. Ngumiti ako dito at nanginginig ang aking labi. Inaabangan ko ang kanyang isasagot.

Ngunit ganoon na lang ang aking pagkadismayado nang marinig ko ang kanyang sagot. “Hindi, nagkabungguan lang kami,” paliwanag nito at tumalikod na. Sumama sa kanya ang lalaki na palingon-lingon sa akin.

Napatanga ako dahil doon. Nawala ang aking ngiti at pilit nilalabanan ang emos'yon. Sinapok ko ang sarili ko. “Bakit ang tanga ko? Nakakainis!” umiiyak ako nang makapasok sa room namin at agad na dumukdok sa mesa ko. Hindi ko na pinag-aksayahan nang panahon ang cellphone ko na basag dahil mas basag ang puso ko ngayon.

Bakit? Bakit tinanggi niya ako? Na magkakilala kami? Pero ayos lang, at least nakita ko siya. Ayos naman siya, dumoble ang charisma niya kaysa noon. Halatang pinagkakaguluhan siya nang mga babae dito sa campus kanina. Halata naman ang lagkit nang tingin nila kay jaxqui, sarap kuhanin ng mga mata at tirisin.

Nakakainis! Bakit ang snob na niya? Tipid na rin siyang magsalita! Ouch! Hindi naman masakit. Kailangan kong maging matured, baka isipin niya ay i-matured pa rin ako.

Napaisip ako... Tinupad niya kaya? Totoo kayang bumalik siya dito, para tuparin ang pangako niya sa akin? Napaalis ako mula sa pagkakadukdok.

Napasimangot, mukha na naman ang bruha. Hays! Lagi naman. Napalingon ako sa aking tabi nang may magsalita. “Mukha kang binagsakan nang langit at lupa, anyare sa mukha mo? Mukhang panda,” natatawang sabi ni clitues. Tinaasan ko lang siya nang kilay at nagdirty-finger sa kanya.

“Ha.ha. Funny mo naman, pinapatawa mo 'ko, mga one billion.” i laughed sarcastically. Ngumisi lang siya at para bang proud na proud sa ka-cornyhan na sinabi niya.

“Huwag nang sad, treat ko mamaya, fishball at kwek-kwek,” ngiti niya. Buti pa 'to, nililibre ako, kinakausap. Siya kaya? Kamusta siya? Masaya ba siyang makita ako? Ang reaksyon niya kanina ay parang hindi nga.

Pilit akong napangiti. “Sige, maramin kwek-kwek,” tawa ko. Ngumisi lang si clitues at ginulo ang buhok ko. “Mukha namang pugad ng ibon 'yang buhok mo, magsuklay ka,” umirap ako.

“Wala akong dala,” totoo naman, wala talaga akong dala. Mas uunahin ko pa ang maraming essay at reporting, kaysa mag-ayos sa sarili.

“Keisha!” tawag ni clitues sa kaklase namin na nasa kaliwang bahagi nang silid. Asuswal nagmemake-up na naman. Pero ayos lang, mas bagay niyang mag-ayos kaysa naman magmukha siyang panda na kagaya ko.

Lumingon ang babae. “Bakit?” hawak pa nito ang kanyang mahiwagang salamin at naglilipstick pa.

“May extra, suklay ka diba? Paheram ako, bili na lang kita nang bago.” ngiti ni clitues. Tumango ang babae at binato niya ang bagay na kailangan ni clitues. Nananatili lamang akong tahimik na nakamasid sa kanila. “Salamat,” tumango lang si keisha.

“Talikod ka, susuklayan lang kita,” ngiti ni clitues. Tumalikod na ako dahil kukulitin lang ako nang bruhildang lalaking 'to kung hindi ko gagawin ang inuutos niya.

Nakakarelax ang pagsuklay niya, feeling ko matatanggal anit ko.

“Ang galing,” komento ko. Narinig ko siyang humalakhak. “Okay. I'll be gentle.” bulong niya. Umirap ako. “Lol,” baling ko dito.

Whispered her Dream (High School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon