MALAPIT na ang Christmas party kaya naman aligaga ang mga Professor at studyante ngayon sa school dahil sa nalalapit na concert.Dalawang banda ang kakanta at isang guests. Ayaw nilang sabihin kung sino ang guests na 'yon kaya naging excited ang mga schoolmates ko dahil raw may thrill.
“Mayonnaise ba 'yun?” tanong ng isa sa mga schoolmates ko.
“Ano 'yun? Palaman sa tinapay?” Sarkastiko na tanong naman ni Keisha.
“Aba'y ewan ko,” rinig kong sabat ni Pia.
“Tapos Nobita,” dagdag pa noong babae na nagngangalang Zeina.
“So, exciting.” komento naman ni Pia habang naglalagay ng blush on sa kabila ng kanyang pisngi.
Napatingin ako sa cellphone na nasa gilid ng mesa dahil nag-vibrate ito. Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang text ni Jaxqui. Naalala ko noon ay pilit niya pang kinu-kuha sa akin ang number ko.
Jaxqui Lavore.
What time ka uuwi? Date tayo.Nagreply ako.
Me.
Mamaya, mga 7:30 or 8:00. Dadaan pa ako sa library.Napangiti ako, hay! Ganito ba talaga pag-inlove? Weirdo ako nitong mga nakaraang araw simula noong bumalik si jaxqui dahil, bigla na lang ako ngi-ngiti at tatawa ng mag-isa.
Agad naman siyang nagreply.
Jaxqui Lavore.
Okay, samahan na kita.Hmm. Kahit kailan ganyan siya magreply, pero mas sweet siya sa personal.
Me.
Okay, Ssob 👍.Napatawa ako. Napalingon sa iba kong schoolmates na tinitignan ako na para bang nagtataka sa kinikilos ko.
Jaxqui Lavore.
I love you. Kiss me😗.Tuluyan na nga akong napahalakhak sa reply ni jaxqui. Ngayon ko lang nakita na nag-emoji siyang ganyan.
“Baliw ka?” Napatigil ako sa pagtipa at napangat ng tingin. Nasa harapan ko ang Lalaking mas sira pa ang utak kaysa sa akin. Si Clitues.
“Buti, bumalik ka pa?” Sarkastikong tanong ko.
Napangisi siya at umupo sa harapan ko. “Bawal ako sa tabi mo, sis. Papatayin ako ni ssob.” Tawa niya.
Bumalik ako sa pagtitipa.
Jaxqui Lavore.
Where's my i love you too?🥺.Napakurap ako sa harapan ng screen. Bakit naging ganito ang mga typings ni Jaxqui?!
“Puta, ang cringe.” Sinamaan ko lang nang tingin si Clitues.
“Fuck you,” i mouthed at him.
Nireplyn ko na si Jaxqui at hindi pinansin ang komento ni Clitues na bitter.
Me.
I love you too🥰😍, mwuah 😘😚🥹.Napatakip ako ng bibig dahil namali ang send ng huling emoji. Oh god. Sinamaan ko ng tingin si Clitues dahil pasipol-sipol lamang ito.
BINABASA MO ANG
Whispered her Dream (High School Series #1)
Romance(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish her education so that her family can be raised in life. But one day everything changed, all her effor...