NAPAMULAT AKO.
Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliwanag na ilaw. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid.
Nasa isang silid ako na sa palagay ko ay ang clinic ng school. Napatigil ako nang maalala ang nangyari. Napahawak ako sa aking dibdib dahil iba ang tibok nito.
Nababaliw na ba ako? Siguro nga baliw na ako.
Sino kaya ang Lalaking tumulong sa akin? Hay! Magpapasalamat sana ako.
Iginalaw ko ang aking kamay, gulat akong napatingin sa lalaking nakadukdok at naka-upo sa mono bloc. Nakahawak ito sa aking kamay na nasa gilid ko.
Iginalaw ko ang aking kanang kamay. Napangat nang tingin ang lalaki, “G-gilderye?” ngumisi lamang siya at tumango. Umupo siya nang maayos, kinusot niya ang kanyang mga mata bago tumingin nang seryoso sa akin.
“Anong nangyari, bakla?” Seryosong tanong nito at humalukipkip pa. Umupo ako, mula sa aking pagkakahiga at sumandal sa head board nang kama.
“H-hindi ko alam,” nanginginig na sagot ko. Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang aking sistema.
“Bumalik siya,” tukoy niya sa sakit ko. Napatango ako at pilit pinigilan ang pagluha ko.
“Please? Huwag mong babanggitin ito kay Nanay at Tatay?” hindi siya makapaniwalang tignan ako.
Ang totoo n'yan ay hindi talaga nawala ang sakit kong ito kaya dala-dala ko ang inhaler ko na nakaligtaan ko naman kanina.
“Bakit naman? Anak ka nila at kailangan nilang malaman para hindi ka mapahamak nang sakit na 'yan,” umiling ako dito at lumapit. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nakiki-usap na tumingin sa kanyang mga mata.
“A-ayokong mag-alala sila sa kalagayaan ko,” nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabayad pagtulo nang luha.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa dahilan ko. “Tangina! Ayan rin ba ang dahilan kaya nawala ka sa school ng one week?” Pilit akong ngumiti dito at tumango ng mabagal.
“Anong sabi nila Tita?” tumikhim ako.
“Hindi nila alam,” napaawang ang kanyang labi at hindi makapaniwala sa sagot ko.
“Gago kaba? E' papa-ano 'yon? Saan ka nagpagaling?" Sunod-sunod na tanong nito.
“Sila bading alam nila?" Tukoy niya, kila Arianna. Iling lang ang tanging sagot ko.
“K-kila Sheena, doon ako nagpagaling.” sagot ko. Si Sheena ang pinsan ko. Si Sheena lang ang may alam dati na hindi talaga nawala ang sakit kong ito at ngayon alam na rin ni Gilderye.
“Please? H-huwag mong sasabihin sa kanila,” humagulgul ako at tumayo naman siya para mayakap niya ako.
“I can't promise,” ayun lang ang nasabi niya.
***
Namamaga ang mata ko kakaiyak. Nagpresintang ihatid ako ni Gilderye pero ilang beses akong umiling. Nahihiya ako sa kanya, sila Arianna naman ay naka-uwi na noong nangyari ang pag collapse ko. Mas mabuti ng hindi nila nasaksihan.
Naglalakad ako ngayon papauwi at panay tingin sa kalangitan. Maliwanag naman ang buwan kaya hindi ko na kailangang mag-flashlight.
Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kila Nanay na hindi talaga nawala ang sakit ko. Nakokonsensiya ako, nagsisisi dahil sa wala akong lakas ng loob.
BINABASA MO ANG
Whispered her Dream (High School Series #1)
Romance(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish her education so that her family can be raised in life. But one day everything changed, all her effor...