KINABUKASAN maaga akong nagising. Dumiretso na agad ako sa banyo at nagsimulang maligo. Nag-ayos na rin ako kahit papaano, sinuot ko na ang blazer at nakangiting humarap sa salamin.Malaki ang ipinagbago ng mukha ko. Hindi na halata ang mga eye bags ko. Nagpapasalamat ako dahil doon. Hindi na ako mukhang panda.
Pagkalabas ko sa kwarto ay hinanap ko agad ang aking anak.
"Caifon? Baby?"
Naglakad na ako papuntang kusina. Nang malapit na ako ay narinig ko ang mga tawanan na mula roon.
"Baby, Caifon. Want mo pa ng fried rice?" Boses 'yon ni Yza.
"Tita, Yza. Why po wala ka pang anak?" Rinig kong tanong nang aking anak.
Nang makapasok na ako sa kusina ay nadatnan ko pang nabulunan si Yza. Agad naman kumuha ng tubig si Abrinna habang tumatawa.
"Boom berns, baka pamangkin ko 'yan!" Tila proud na sabi nitong Abrinna.
Wala ang dalawa. Paniguradong may umaga ang schedule nila.
Napalingon sa gawi ko si Caifon. "Mommy!" Malawak ang kanyang ngiti. Bumaba sa upuan at sinalubong ako ng yakap.
Nakatingin na ngayon ang dalawa. Maya-maya ay napangisi.
Napailing na lang ako. Ano na naman ang gagawin na kalokohan nila! Teffania, bakit hindi ka pa nasanay?
"Good morning po, Mommy!" Masigla ang bati sa akin ng aking anak.
Napangiti ako sa kanya.
"Good morning rin, gwapo kong anak."
"Hoy! Kumain na kayo! Ang sarap pa naman ng luto ko, parang ako." Mahinang usal ni Abrinna. Pero sapat na para marinig ko.
Pinandilatan ko siya. "Pag narinig ka ng inosente kong anak." Ngumisi lamang siya.
"Caifon! Come to tita, continue na tayo sa pagkain." Sinunod naman ni Caifon ang utos ni Abrinna at tinuloy ang pagkain.
"Hoy! Bading!" Tawag sa akin ni Yza.
"Bakit?" Naglagay na ako ng pritong itlog, hotdog, fried rice sa aking plato. Akmang susubo na ako nang magsalita ang anak ko.
"Mommy, pray po muna." Ngumiti siya, nasilayan ko tuloy ang magandang hubog ng kanyang ngipin.
Napahagikgik naman sila Abrinna. "Bawal magdasal ang mga demonyo." Komento ni Yza. Tinaasan ko ito kaliwang kilay, ano na naman mga salita ang lumalabas sa kanilang bibig.
"Ano po 'yung sinabi mo? Tita Yza?" Bakas sa mukha ng aking anak ang pagtataka. Pasimple kong pinandilatan nang mata si Yza na ngayon ay lumawak ang ngisi sa kanyang labi.
"Wala, Caifon. Sabi ko, ang ganda ko." Proud na wika niya. Tinakpan ni Abrinna ang tainga ni Caifon at sinamaan ng tingin si Yza.
"Hoy! Babae! Anong masamang salita 'yan?" Taas-kilay na tanong ni Abrinna kay Yza.
Umirap lang si Yza na ikinatawa ko. Mga 'to talaga!
BINABASA MO ANG
Whispered her Dream (High School Series #1)
Romance(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish her education so that her family can be raised in life. But one day everything changed, all her effor...