"Itigil ang kasal!"
Dahil sa arkitektura ng gusali ay nag-echo ang sigaw ni Elle sa buong simbahan. Maging siya ay nagulat sa ginawa niya. Pramis, hindi niya iyon sinasadya. Nababaliw na lang siguro talaga siya kaya bigla niyang ginawa ang nilalaman ng utak. Napatingin siya sa mga tao sa loob at maging ang mga ito ay nakatingin sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa kaniya sa ginawang iyon?
Pero bakit parang ang konti naman ng tao at wala siyang paring nakikita sa harapan? Siguro ay tapos na ang kasalan. Mabuti naman kung ganun at makakapagdasal na siya ng mabuti. Makakahingi rin agad siya ng tawad sa Diyos dahil sa kagagahang muntik na niyang ginawa. Ipinagpasalamat niyang wala talaga siyang kasalang naistorbo. Kung sakali ay baka magpalibing siya ng buhay sa unang taong makikita niya. Wala na nga siyang matinong magawa sa buhay niya, mandadamay pa siya ng ibang tao.
Dahil wala naman siyang ganung kabigat na kasalanan, kibit balikat niyang pinagpatuloy niya ang pagpasok sa loob sat umupo sa bandang likuran. Blangko pa rin ang utak niya nang may lumapit sa kaniyang babae.
"Miss, hindi mo na kailangang manggulo dito. Nauna nang umalis si Marga. Hindi ka na siguro niya naantay."
Napakunot noo siya sa sinabi ng babae. Ano bang pinagsasabi nito? "Sinong Marga at bakit siya umalis?"
"Hindi ka ba pinadala ni Marga dito para guluhin ang kasal nila? Para makatakas siya?"
Hindi pa rin niya maintindihan ang gustong sabihin ng babae kaya binigyan niya na lang ito ng nagtatakang tingin. Mukha namang nakuha nito ang kalituhan niya kaya nagsalita ulit ito. "Wait, so hindi ka kasabwat ni Marga para hindi matuloy ang kasal nila ni Giov?"
"Hindi. Ni hindi ko nga kilala kung sino si Marga. Sino ba siya?"
"Yung bride nga ng kasal na 'to na bigla na lang nagtatakbo paalis. Sandali lang, so si Giov ang kilala mo? Kaano-ano ka niya?"
"Sinong Giov?"
Ang babae naman ang mukhang nalito. Halos malukot ang buong mukha nito nang muli itong magsalita. "Hindi mo kilala si Marga at Giov? Bakit ka biglang nagsisigaw ng itigil ang kasal kanina?"
Napatigil siya sa sinabi nito. Saka lang niya narealize kung ano ang gulong sinuong niya. Mukhang nakasaksi pa siya ng runaway bride wedding. Hindi pala natapos ang kasal kundi natigil lang. Kung sakali palang hindi pa umaalis ang bride, magpapasalamat pa ito sa kaniya. Napangiti siya sa ginawang kagagahan. Ibang klase talaga ng tama ng boredom sa kaniya. Tinignan niya ang babaeng kausap na maang paring nakatingin sa kaniya kaya minabuti na niya itong sagutin. Iniisip na siguro nitong baliw siya.
"Wala. Trip ko lang."
"Trip mo lang?" Hindi makapaniwalang saad ng kausap.
"Bored kasi ako. Pasensiya na. Pero mukha namang wala akong nagulong kasal no? Medyo malinis pa ang konsensiya kong magdasal. Thanks for the very good information." nakangiting saad niya sa babae.
Hindi ito sumagot pero halata pa rin sa tingin nito ang pagdududa. Hindi naman talaga niya ineexpect na maiintindihan nito ang sinasabi niya. "Huwag kang mag-alala, hindi ako baliw. Sobrang frustrated ko lang dahil hindi na naman ako natanggap sa in-apply-an kong trabaho. Gusto ko lang sanang magdasal para humingi ng Divine Intervention pero nakita kong may kasalang nangyayari dito. Isipin mo, hindi ba nakakafrustrate makakita ng isang masayang okasyon samantalang naghihikahos ka na at pagod na pagod? Diba? Buhay nga naman." napapalatak siya pagkatapos ng mahabang paliwanag samantalang ang babae ay saglit pa siyang tinignan pero kalaunan ay kibit balikat nalang itong umupo sa tabi niya.
"Okay, sinabi mo eh."
Siya naman ang nagtaka sa reaksiyon nito.
"Naniniwala ka sa akin?"
"Mukha namang nagsasabi ka ng totoo. Pero paupo na muna dito sa tabi mo dahil kailangan kong mag-isip ng idadahilan sa mga kasamahan ko." Tinignan nito ang ilang mga taong natitira sa simbahan. Karamihan sa mga ito ay nakatingin sa direksiyon nila at halatang nag-aantay. "Ako kasi ang napag-utusang lumapit sa'yo. Siguradong iisipin nilang baliw ka kapag sinabi ko ang kwento mo." Naghikab ito pagkatapos ng sinabi. "Ang aga-aga kong nagising para sa kasal na 'to tapos hindi rin lang pala matutuloy."
Napatingin siya sa babae. Gusto niyang hangaan ang pagiging cool headed nito. Kung sa kaniya siguro nangyari iyon, nagwala na siya at pinanagot ang sinumang may sala. No one messe
"Bakit hindi mo na lang sabihin na karelasyon ako nung bride?" suhestiyon niya.
Nagising ang diwa ng babae dahil sa sinabi niya. "Why not? Brilliant ka mag-isip ate."
Nginitian niya ito. "Thanks. Pero bakit pala andito pa kayo sa simbahan kung wala na rin palang kasal na matutuloy?"
Nakita niyang gumuhit ang lungkot sa mata nito. "Yung groom kasi, ayaw pang umalis. Aantayin daw niya yung bride niya. Hindi naman namin maiwan."
"Babalik pa ba yung bride?"
"Mukhang hindi na."
"So ano pang inaantay nung groom?"
"Aba ewan ko. Tanungin mo kaya siya? Tutal, sabi mo, bored ka."
"Kakausapin ba niya ako?"
"Try mo. Makulit ka rin eh. Magdasal ka na nga lang diyan. Hindi na kita iistorbohin." Tumayo na ito. Halata ngang nakulitan sa kaniya. Tumayo na rin siya at sumabay dito papunta sa may harapan ng simbahan.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Sabi mo, i-try kong kausapin yung groom."
BINABASA MO ANG
BLACKSHEEP CHRONICLES: Trouble Maker, Trouble Lover
RomanceBoredom is equivalent to trouble. That's at least for Ellecia Bermudez. Kasehodang manggulo siya ng kasal, wala siyang pakialam magawa lang niya ang gusto niyang gawin. Pero handa kaya siya kung sakaling puso naman niya ang magulo kapalit ng panging...