"Hi tita!" tabinging ngiti ang ibinati ni Elle sa tita Ally niya.
"Ikaw bata ka, hindi ka man lang nagpakita muna sa akin bago ka dumiretso dito." Nalipat ang tingin nito sa mesang ginagamit nila. "Ano yan?"
Umisod siya para takpan ang mesa sa likod niya. Naitago nga niya ang bote, hindi naman ang mga baso. "Si tita naman. Alam ko namang busy ka sa mga bata. Ano po iyang dala mo?" pang-iiba niya sa usapan para hindi na siya tuluyang mapagalitan.
"Dumating na yung mga pagkain kaya dinalhan ko kayo. Hindi ko naman akalaing magiging pulutan niyo lang pala 'to. Lagot ka kay sister kapag nalaman niya 'to." Masungit na saad nito.
Hindi na niya napigilan ang pag-ngiwi. Kapag ganoong bistado na siya, kailangan na niyang gamitin ang special charms niya. Matamis siyang ngumiti at lumapit sa tiyahin. "Thanks tita! Ang bait mo talaga forever! Tamang-tama, nagugutom na ako. Alam niyo bang ang haba-haba ng nilakad ko kanina?" Kinuha na niya mula rito ang tray ng pagkain. Hindi naman niya naiwasang matakam. Amoy at itsura palang, siguradong masasarap na iyon. Bakit ba kasi niya naisipang unahin ang pag-inom? Nang mapatingin siya kay Giov ay naalala niya ang dahilan.
"Oh siya, mamaya na kita kakastiguhin. Tutulong muna ako doon sa loob." Sabi nalang ng tita niya kahit nakamata parin ito sa kaniya. "Siyanga pala, ito pala si Sophie. Siya yung caterer. Gusto raw kayong kausapin." Bumaling ito sa magandang babaeng kasama nito. "Ma'am Sophie, mauna na po muna ako sa loob at siguradong nagkakagulo na ang mga bata doon."
"Sige po. Thank you po ulit sa pagsama sa akin dito." Nakangiting saad ng babae. Pagkatapos magpaalam ay bumalik na ang tita niya sa loob ng ampunan.
"Sophie, pasensiya na sa abala." Saad ng kasama niya sa babaeng Sophie daw ang pangalan.
"Hi Giov. I'm sorry about what happened. Pero dahil naisipan mong i-donate na lang ang mga pagkain, bibigyan kita ng 30 percent discount. I could give you more pero kailangan ko parin ng pampasahod sa mga tauhan ko kaya ililibre na lang siguro kita sa susunod mong pasyal sa restaurant ko."
"Thanks." Matipid lang na sagot ng kasama niya.
"Hindi na kita i-cocomfort dahil mukhang may gumagawa na niyon para sa'yo." Tinignan siya ng babae at iniabot ang kamay nito. "Hi, I'm Sophie."
Tinanggap naman niya iyon agad dahil mukha namang mabait ang babae base sa narinig niya kanina. "I'm Elle."
"May mga wines pa sa van, baka gusto niyo pa? Hindi naman kasi pwedeng ipainom 'yun sa mga bata."
"Pwede?" nakangiting sagot niya.
"Ipapadala ko na lang sa mga kasamahan ko. Tutulong muna ako sa loob."
"Okay. Salamat."
Aalis na dapat si Sophie nang pigilan ito ni Giov. "Sophie, kulang pa kayo sa restaurant mo diba?"
"Oo. Bakit, may irerecommend ka?"
"Mag-aapply si Elle bilang waitress."
Nabaling ulit ang tingin ni Sophie sa kaniya. "Mag-aapply ka?" "Kung tumatanggap ka ng college graduate. Ayaw kasi akong tanggapin ng ibang ina-applyan ko dahil doon."
"Graduate ka ng restaurant related course? I don't see any problem with that. Baka pwede pa kitang gawing assistant kapag tumagal-tagal."
"Hindi, graduate ako ng Electrical Engineering."
"Engineer ka?"
"Parang ganun na nga."
"Anong trip mo sa buhay?"
"I'm just bored with my life." matter-of-fact niyang sagot.
Saglit itong natahimik, halatang nag-iisip kaya inunahan na niya ito. "You don't have to think of a subtle way to reject me. Sanay na ako."
"No. I'm just thinking of an interview question before I accept you. Bingo! Anong gagawin mo kapag may maarteng customer na sinusungitan ka?"
"Malamang, susungitan ko rin. Maarte siya eh." Napatigil siya nang marealize ang sinagot niya. Parang mali. Pero anong magagawa niya, sumagot lang siya on instinct.
"I like you. You're hired. Pwede ka nang mag-umpisa bukas."
Nagulat siya sa sinabi nito. "Bukas na agad?"
"Lumalaki kasi ang demands ng restaurant kaya kailangang-kailangan ng tao. Hindi mo ba kaya?"
"Siyempre kaya ko."
"Good." Binuksan nito ang dalang bag at may inilabas na calling card. "Andiyan na ang address , pumunta ka na lang bukas ng umaga. Tsaka na tayo mag-usap ng matagal-tagal bukas. Babalik na ako sa loob."
"Okay. Thanks Boss."
"See you tomorrow." Bago ito umalis ay bumaling muna ito kay Giov. "You'll be okay." Saka ito punong puno ng poise na naglakad paalis.
Binasa niya ang calling card pagkabalik sa upuan niya saka nakangiting tinignan ang kasama. "May trabaho na ako."
Hindi sumagot ang kausap, bagkus ay nakatingin lang ito sa kaniya na may halong pagtataka.
"Bakit?"
"Engineer?"
"Anong masama sa pagiging engineer ko?"
"Wala naman."
"Okay. Anyway, salamat sa'yo, hindi na ako mamumulubi. I-ti-treat kita sa unang sahod ko."
Tinignan siya nito ng maigi bago ito sumagot. "How about you stay with me while I'm moving on? I think you're craziness will help."
"Yun lang ba? Sure!" Iniabot niya rito ang pinky finger niya pero nang titigan lang nito iyon ay siya na mismo ang kumuha sa kamay nito at pinaglingkis niya ang hinliit nilang dalawa. "Para sa pagsama ko sa'yo habang nagdadalamhati ka pa. Nawa'y madali kang makamove-on. Pero sa ngayon, kumain na muna tayo. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko at salamat sa libre." Nakangiti niyang binitawan ang kamay nito at ang kutsara't tinidor naman ang hinawakan. Natatawa na lang itong ginaya ang ginawa niya. Aba'y kung lagi pa niyang makikita ang tawa nito, buong puso niyang susundin ang request nito. Kahit mag-extend pa. Pero bukas na lang niya iisipin iyon, nagugutom na kasi talaga siya.
*****
Yey! chapter 2 done! Salamat sa magaganda at ampopogi kong readers!
I just want to share this happy news with you.
To be published! (^.^)
BINABASA MO ANG
BLACKSHEEP CHRONICLES: Trouble Maker, Trouble Lover
RomanceBoredom is equivalent to trouble. That's at least for Ellecia Bermudez. Kasehodang manggulo siya ng kasal, wala siyang pakialam magawa lang niya ang gusto niyang gawin. Pero handa kaya siya kung sakaling puso naman niya ang magulo kapalit ng panging...