"Who are you woman? Ni hindi pa pala kita kilala pero basta na lang akong sumama sa'yo."
Nakangiting inabot ni Elle ang kamay kay Giov. "Elleccia Bermudez, super bored resident ng Muntinlupa. Sumama ka sa akin dahil nangako ako sa'yong sasamahan kita sa pagluluksa, kapalit niyon ng pagdonate mo ng pagkain sa ampunan na 'to."
Inabot nito ang kamay niya. "Giov Angelo Tacson. Iniwan ng bride to be niya sa altar kaya walang kalaban-labanng sumama sa'yo."
"Huwag kang mag-alala, hindi ka magsisising sumama ka sa akin." Nilagyan niya ulit ng alak ang baso nilang dalawa saka tinungga ang sa kaniya.
"Mukhang mas malala pa ang problema mo kaisa sa akin."
"Sinabi ko naman sa'yo diba? Hindi na naman ako natanggap sa trabaho. Kapag nagpatuloy pa 'to hanggang sa isang buwan, wala na akong ipambubuhay sa sarili ko. Daig ko pa ang nataningan ang buhay."
"Ano bang ina-applyan mong trabaho? Baka matulungan kitang makahanap."
"Waitress. Pero huwag na. No offense meant pero intindihin mo na lang yang sarili mong problema. O, inom pa." napansin kasi niyang hindi na ulit nito ginalaw ang sinalinan niyang baso. Habang inoobserbahan nga niya ito ay parang normal lang itong barkada niyang naaya niyang mag-inuman dahil sa problema niya. Kabaliktaran iyon ng totoong sitwasyon dahil ito dapat ang sinasaluhan niya sa pagluluksa.
Kibit-balikat nitong ininom ang alak. "Paano mo pala nalaman 'tong ampunan na 'to?"
"Dito ako lumaki."
Saglit itong natahimik bago nagsalita ulit. "I'm sorry to hear that."
"No, you shouldn't be sorry. Dito lang naman ako lumaki dahil volunteer dito ang tita ko. Siya ang tumitira sa bahay na 'to. At hindi dapat kinakaawaan ang mga bata dito dahil mas maswerte sila sa ilang mga bata. Mas maayos din ang pagpapalaki sa kanila dito. Kung nagkataong lumaki ang mga 'yon sa mga tunay nilang magulang, baka napariwara na ang ilan sa kanila."
"If you said so, then I'm sorry about my previous comment."
"Apology accepted." Nakangiting sagot niya rito. Nakipag-toss din siya ng baso dito. "This celebration is for you. Hindi mo pa siguro marerealize ngayon pero ipagpapasalamat mo rin ang araw na 'to. Makakahanap at makakahanap ka ng dahilan para ipagpasalamat ang nangyari sa'yo. Antay ka lang. Cheers!"
Hindi ito nagkomento tungkol sa mahaba niyang sinabi pero itinaas din nito ang bote nito. "Sigurado ka ba talagang legal itong ginagawa natin dito?"
"Ang alin? Itong pag-iinom natin? Ano ka ba, sinabi ko naman sa'yong ako ang bahala sa'yo diba?Wala ka ang tiwala sa pagmumuk-"
Napatigil si Elle nang parang may narinig siyang paparating na yabag ng mga tao. Nagkumahog niyang itinago ang bote ng alak. Saktong kakalagay niya lang ng bote sa ilalim ng mesa nang biglang mapatayo si Giov at napatingin sa bandang likuran niya. Pagkaharap niya sa may bandang pintuan ay andoon na ang tita Ally niya na may kasamang magandang babae. May dala din itong isang tray ng pagkain.
"Hi tita!" nakangiting aso niyang bati dito.
********
Sorry, wattpad newbie. Mas madali bang basahin pag naka-italicize yung conversations? O okay lang pag nakanormal lang lahat? please let me know. Thanks! :)
BINABASA MO ANG
BLACKSHEEP CHRONICLES: Trouble Maker, Trouble Lover
RomanceBoredom is equivalent to trouble. That's at least for Ellecia Bermudez. Kasehodang manggulo siya ng kasal, wala siyang pakialam magawa lang niya ang gusto niyang gawin. Pero handa kaya siya kung sakaling puso naman niya ang magulo kapalit ng panging...