Target Screening (Chapter 2.1)

9 3 3
                                    

Pagdating nila Elle sa kumbentong pagbibigyan ni Giov sa mga pagkain na para sana sa napurnada nitong wedding reception ay sinalubong agad siya ng sister na namamahala sa kumbento at bahay ampunan. Nagmano siya agad dito at ipinakilala ang dalawa niyang kasamahan.

"Kaawaan ka ng Diyos Hija. Kayo rin." Baling nito sa mga kasama niya. Walang kalaban-labang nagpahila sa kaniya si Giov. Isinama na rin niya si Vie na nalaman niyang pinsan pala ng huli.

"Sister, doon muna kami sa likod ha. Kayo na po muna ang bahala dun sa mga pagkain pagkarating ng caterer." Nakakaintinding tumango ito. Alam na nito ang sitwasiyon ng kasama niya. Habang papunta sa bahay ampunan ay tinawagan na ni Elle ang tita niyang volunteer doon. Natuwa ito sa ibinalita niya pero hindi rin naman nito naiwasang mag-alala sa dahilan kung bakit biglang may magpapakain sa bahay ampunan.

"Sister, kaibigan po ako nung caterer. Sasamahan ko na po kayong antayin yung caterer. Pero pwede po bang pumasyal muna? Mahilig po kasi ako sa mga bata."

"Aba'y oo naman. Tara hija." Yakag ni sister Jovita kay Vie. "Elle, ikaw na muna ang bahala diyan sa isa nating bisita ha? Hijo, salamat pala sa pagdodonate mo ng pagkain."

Tipid lang na ngumiti ang lalaki kay sister Jovita pero hindi iyon abot sa mata. Mukhang hindi pa nga ito masyadong aware sa paligid nito. Dinala niya ang lalaki sa may likod bahay ng kumbento't ampunan. Umiba nga lang siya ng daan dahil baka mapurnada ang binabalak nila kapag may nakakita sa kanilang mga bata. Pagkarating doon ay dumiretso sila sa may mesa na paborito niyang tambayan dati. Inilapag niya doon ang paperbag na naglalaman ng mga binili niya kanina bago pumunta doon.

Pinaupo niya muna ang lalaki na kanina pa tumitingin sa paligid ng lugar na iyon. "Sabi sa'yo, maganda dito."

"Pwede ba talagang mag-inom dito?"

"Oo. Ako ang bahala sa'yo." Hindi naman na talaga parte ng kumbento at bahay ampunan ang bahay na iyon kaya legal uminom doon. "Sandali lang ha, bibili lang ako ng yelo doon sa may kanto. Okay ka lang naman sigurong iwan mag-isa?"

"I'm okay. You can go."

"Sinabi mo 'yan ha. Huwag kang magwawala dito habang wala ako. Lagot ako sa tita ko."

"Yeah, sure." walang kasigla-siglang sagot nito. Ni hindi niya alam kung naintindihan nito ang sinabi niya.

Dali-dali siyang dumaan sa may likuran ng kinaroroonan nilang bahay para bumili ng alak. Ang sabi niya kay sister ay kakausapin lang niya ang lalaki. Hindi niya sinabing may inumang magaganap dahil siguradong mapapagalitan siya. Pero alam na rin naman ng mga ito na natural na lang sa kaniya ang pagkapasaway kaya maiintindihan siya ng mga ito. Sana. Hahaha.

Pagkabalik niya ay nakaupo pa rin si Giov sa pinag-iwanan niya rito. Medyo maayos na ang itsura nito kumpara kanina sa simbahan pero halatang problemado pa rin ito habang nakatingin sa cellphone nito. Mukhang natauhan naman ito nung dumating siya.

"Tinawagan mo?" Hindi siya nito sinagot. "Hindi sinagot?" Kahit hindi ito nagsalita ay alam na niya ang sagot sa tanong niya. Inayos niya ang nabiling ice cubes sa bowl at inilabas ang biniling alak. Nagsalin na rin siya sa baso at iniurong iyon sa harapan nito. Nagsalin na rin siya para sa sarili niya. "Mahal mo?"

Napainom ang lalaki ng alak. "Pakakasalan ko ba kung hindi?"

"Oo lang o hindi ang sagot sa tanong ko."

Kahit hindi na ulit ito sumagot ay kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Sapat nang kasagutan iyon. Hindi tuloy niya maiwasang maawa rito at mainis sa babaeng basta na lang nang-iwan dito.

"Kung ako sa'yo, pupuntahan ko siya. Tapos sasabihin ko, 'Tang'na, minahal kita pero iniwan mo ako. So ef you 'coz I won't do the same mistake of loving you again. I'll be happy with my life without you."

Maang itong napatingin sa kaniya. "Kaya mong sabihin 'yan sa taong mahal mo?"

"Kayang-kaya ko yung sabihin sa taong nanakit sa akin."

Natahimik ito at pinagpatuloy ang pag-inom.

"Alam mo ba kung bakit ka iniwan?"

"I think she's not ready yet."

"Not ready my face. Ang sabihin mo, hindi ka talaga niya mahal. Tingin mo, iiwan ka nun pag totoo ang nararamdaman niya sa'yo?"

"Thanks. That really helped." Punong-puno ng sarcasm ang pagkakasabi nito saka inisang lagukan ang laman ng baso nito. Nirefillan naman niya agad iyon.

"You're welcome. I mean, what's the point of denying things? Lalo ka lang hindi makaka-move on."

"Then what's the point of rubbing salt to an open wound?"

"Believe me, it'll help you heal." Itinaas niya ang baso para makipag-kampay rito. "Cheers for your new life without that bitch."

"Don't call her like that."

"Eh di cheers na lang para sa masokista mong puso. Ibuhos ko sa'yo 'yung yelo eh. Nag-ice bucket challenge ka ng wala sa oras." Naiinis niyang sagot dito. Pero napatigil siya nang bigla na lang itong natawa. Nababaliw na ata ito. Pero hindi niya ito nagawang pigilan dahil nahook siya sa tawa nito. His overall aura changed and it was as if they were drinking because they're celebrating, not because they were mourning. Hinayaan niya ang sariling panoorin itong tumawa. Gusto nga niyang magsisi nang tumigil na ito. Sayang, hindi man lang niya na-videohan. Baka once in a life time opportunity lang iyon.

"I think I'm going crazy." Maluha-luha pa ito nang matapos tumawa.

"Tingin ko rin."

As if on cue, his wide smile came out. Panandaliang sumikdo ang puso niya. Akala niya, hindi na niya makikita ulit iyon. What's with that smile anyway? Ewan niya, basta gustong gusto lang niya iyong makita. For a change.

"Who are you woman? Ni hindi pa pala kita kilala pero basta na lang akong sumama sa'yo."




BLACKSHEEP CHRONICLES: Trouble Maker, Trouble LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon