Nakatunganga lang si Elle sa repleksyon niya sa bintana ng nakaparadang sasakyan sa kung saan mang lugar na iyon. Sobrang haggard na ng itsura niya. May mga natanggal nang ilang hibla ng buhok mula sa pagkakatali niya doon. Halos burado na rin ang lipgloss at konting make-up na dali-dali niyang ipinahid sa mukha niya kaninang umaga. Pero wala talaga doon ang iniisip niya. Hindi na naman kasi siya natanggap sa trabaho. Paano ba kasi niya mapapatunayan na kaya naman niyang gawin ang mga job description ng mga trabahong ina-applyan niya? Ano ngayon kung over-qualified siya? Hindi ba dapat mas gustuhin pa nila iyon? Sobrang bored na kasi siya sa dati niyang trabaho kaya naghahanap siya ng bagong kaganapan sa buhay niya. Gusto niyang magtry ng iba't ibang bagay. May batas ba ang Pilipinas na nagsasabing bawal maging waitress ang isang college graduate?
"Nakakainis." Hindi niya napigilang himutok sa repleksiyon niya. Biglang bumaba ang bintana ng sasakyan at may dumungaw na ulo. Malalim pa rin ang iniisip niya kaya hindi pa niya iyon napansin nung una.
"Miss, hindi salamin itong sasakyan ko." Masungit na sabi ng lalaki.
"Hindi mo ba alam na bintana ng mga sasakyan ang pambansang salamin sa Pilipinas? Huwag kang magpark kung saan-saan kung ayaw mong tanggapin ang katotohanang iyon." Masungit niya ring saad bago nilayasan ang sasakyan. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya dahil sa atribidang mamang iyon. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad ng medyo lutang pa ang utak. Ayaw pa niyang umuwi pero ayaw na rin naman muna niyang maghanap ng ibang trabaho. Tama na ang tatlong rejection sa isang araw. Sumobra na siya sa quota. Nagrereklamo na rin ang wedge heels niya sa dire-diretso niyang paglalakad. Kailangan muna siguro niyang umupo para mas makapag-isip ng mabuti. Sakto namang pagtingin niya sa kanan ay may nakita siyang simbahan. Sign na siguro iyon na kailangan niyang ipagdasal ang sitwasiyon niya. Wala sa sariling napalapit siya sa simbahan pero napatigil siya nang mapansing may bridal car sa harap niyon. Base rin sa dekorasyong nasa labas ng simbahan ay may kasalukuyang kinakasal sa loob.
Napasimangot siya dahil may istorbo sa balak niyang pagdadasal. May bigla tuloy siyang naisip na kalokohan. Pero siyempre, hindi naman niya iyon magagawa sa totoong buhay. Pinagpatuloy pa rin niya ang paglalakad papunta sa simbahan na iyon pa rin ang laman ng isip niya. Pagdating niya sa pintuan ay bigla na lang siyang sumigaw.
"Itigil ang kasal!"
BINABASA MO ANG
BLACKSHEEP CHRONICLES: Trouble Maker, Trouble Lover
RomantizmBoredom is equivalent to trouble. That's at least for Ellecia Bermudez. Kasehodang manggulo siya ng kasal, wala siyang pakialam magawa lang niya ang gusto niyang gawin. Pero handa kaya siya kung sakaling puso naman niya ang magulo kapalit ng panging...