Adan's Apple (Part 7)

3.2K 25 1
                                    

 Malapit nang matapos ang unang semestro ko sa unibersidad. Sunud-sunod na ang mga projects at exam namin. Halos mawalan na ako ng tulog dahil sa puyat ng parereview sa aming mga exam. Wala na rin akong panahon para sa sex. Kahit libog na libog na ako ay ni hindi ko magawang magparaos man lang kahit sandali. Gustuhin ko man ngunit lagi akong inuunahan ng pagod at antok. Pati tuloy si Tiyo Gaston ay naaapektuhan dahil di rin siya makahirit sa akin. Naintindihan naman iyon ni tiyo dahil siyempre mas mahalaga pa rin ang pag-aaral.

Araw ng Martes, nagulat ang lahat dahil nalipat ng schedule ang aming PE dahil exam na daw namin simula Huwebes hanggang Sabado. Isingit ni Sir Domingo sa 7:00 PM sa araw na iyon ang aming PE nang wala man lang pasabi sa amin dahil makakaapekto iyon sa schedule namin. Marami ang nagalit at nagreklamo kaya marami rin ang nagsabi na hindi na daw sila papasok ng PE sa araw na iyon. Isasakripisyo na lang daw nila ang attendance nila kaysa naman daw pumasok sa klase ni Sir Domingo. Sa katunayan may katwiran nga naman sila dahil tiyak ko ay papagurin lang kami ni sir lalo na’t ang iba sa amin ay simula pa nang umaga nandidito sa unibersidad. Gusto ko na rin sanang hindi na rin pumasok ngunit hindi ko kaya na mag absent sa klase. Katwiran ko ay sayang ang attendance kung hindi ako papasok. Resulta tuloy ay kahit pagod na rin ako noong araw na iyon ay pumasok na rin ako sa PE.

Alas siyete ng gabi ay nagtungo na ako sa gym namin. Kaunti lang ang pumasok sa aming klase. 7:15na nang magpakita sa amin si sir. Halos mapanganga ako nang makita ko ang suot ni sir. Naka body fit na puting t-shirt kasi siya at naka jogging pants. Bakat na bakat tuloy ang mga malalaki niyang muscles sa kanyang t-shirt ngunit mas naglaway ako sa tarugo niya na bakat na bakat din sa kanyang jogging pants. Malaki ang nakabukol doon at tiyak ko na hindi lang ako ang nakapansin nun. Nagalit si Sir Domingo nang makitang kakaunti lang ang pumasok. Nanlilisik ang mga mata niya habang minumura ang mga estudyanteng hindi pumasok. Halos hindi makatingin sa kanya ang mga estudyante. Ako naman ay napako lang ang tingin ko sa kanyang bukol. Dahil sa tagal ko nang hindi nakapagparaos ay gumana na kaagad ang kalibugan ko. Unti-unit nang nagkakabuhay ang laman ko sa pagitan ng aking hita.
Buti na lang at maong na medyo loose ang fit ang suot ko kaya kahit tigasan pa ako ay hindi ito masyadong mahahalata. Medyo iniiwas ko muna ang tingin ko sa kanyang bukol nang mapansin kong palapit siya sa akin. Naku po, nakahalata yata si sir na tinititigan ko ang kargada niya. Halos matutunaw na kandila ang pakiramdam ko habang palapit sa akin si sir. Buti na lamang at dinaanan niya lang ako dahil kakausapin lang pala niya ang janitor na nasa gawing likuran ko pala.

Blessing in disguise pala ang pagpasok namin nung gabing iyon dahil ipapakopya lang pala sa amin ni sir ang mga questions na maaring lumabas sa exam namin sa PE. Parang nagbigay lang siya ng leakage kumbaga. Matapos kumopya ay sinabihan kami ni Sir Domingo na puwede na raw kami umuwi. Palabas na ako ng gym nang bigla akong tawagin ni sir.

“Adan. Halika nga dito.”, ang sigaw ni sir.

Bigla akong kinabahan nang tawagin niya ako dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ako tinawag.

“Sir, bakit po?”, ang kinakabahan kong tanong sa kanya.

“Punta ka sa office ko. Hintayin mo ako doon.”, ang sabi niya.

Habang patungo sa kanyang opisina ay nagsimula nang magpatay ng mga ilaw sa gym si sir. Pagpasok ng opisina ay kinakabahan talaga ako dahil alam niyo naman si sir na kilala sa sobrang sungit nito. Buti na lamang at may air-con sa kanyang opisina at least malamig sa loob. Mukhang medyo maluwag din ang kanyang opisina dahil bukod sa desk ay may sofa pa sa loob nito. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si sir.

“Upo ka.”, ang alok niya.

Umupo naman ako sa sofa.

“Puwede mo ba kong tulungan mag-check ng mga quizzes. Kailangan ko na kasi ito para macompute ko na ang mga ito.”, ang sabi ni sir habang iniaabot sa akin ang mga quizzes na nakalagay sa isang brown envelope.

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now