Oh Miggy! (Part 4)

3.3K 30 4
                                    

Sumapit ang buwan ng Mayo, isang hapon ay naglalakad ako upang pumunta sa bahay ng kaibigan kong babae ng nasalubong ko ang grupo nila Gab. Binati agad ako ni Rick at tinanong kung saan ako patungo sinabi ko na sa kabilang kanto lang at makikipag bonding sa aking mga barkada, nang araw ding iyon ay noon ko lang ulit nakita si Natnat sumulyap ako dito at tipid na ngumiti ngunit hindi nag bago ang ekspresyon nito.

Kaya sinabi ko kila Gab na mauuna na ko ngunit bago ako umalis ay binaggit ni Gab na tumambay ako mamayang alas siete sa court at manuod ng liga nila, sinabi ko na pupunta ko pag hindi ako busy pero kumontra agad si Rick at pinilit ako kaya napapayag akong pumunta.

Pumatak ang alas siete ng gabi at dumiretso ako sa coverd court hinanap ko ang grupo nila Gab at pumwesto kung nasan sila. Nag simula na ang laro at naiwan ang ibang barkada nila sa bleachers kasama si Natnat, tumabi ako sakanya at tinapik sya sa balikat lumingon lang ito saakin at tinuon ang atensyon sa mga naglalaro. Inisip ko ano kayang problema ng isang to, Natatawa ako sa isip ng maalala ko kung paano sya umungol at nahirapang magpigil para lang makapag palabas ng lakas. Habang seryoso syang nanunuod ay bigla akong may naisip gawin, dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa may tuhod nya at hinimas himas ito, gumiguhit din ako ng bilog at pinag lalandas ang mga daliri ko sa tuhod nya habang ginagawa ko yon ay iniintay ko ang reaksyon nya napalingon ito sakin at napailing.

Maya maya lang ay inis nyang tinapik ang kamay ko at pasulyap akong tumingin sa kanyang harapan, hindi ako nabigo dahil bakat na bakat ang galit na sandata nya sakanyang jersey short, natuwa naman ang malandi kong isip sa eksenang iyon.

Lumapit ako ng bahagya kay Natnat at bumulong

"Ang tigas naman"

lumingon ito sakin at kitang kita ang iritasyon dito

"Wag mo nga kong guluhin bakla!"

madiin nyang sabi at umalis sa tabi ko, natawa nalang ako sa inasal nya at maya maya ay naglapitan na sila Gab dahil tapos na ang 2nd quarter ng laro. Pumasok na sa court si Natnat at mukang wala ito sa mood hindi ko alam kung bakit natutuwa ang malandi kong isip na makitang badtrip si Natnat.

Habang pinagmamasdan ko sya ay bigla namang may pawisang braso ang umakbay sakin kaya napalingon ako kung sino iyon, tinulak ko kaagad si Rick dahil pawis na pawis ang braso nyang nakaakbay sakin

"Ang arte mo babae ka? Babae ka?"

Sabay tawa nya inirapan ko lang sya at nag asaran lang kami. Nagpunas ng pawis si Rick sa tabi ko pinag masdan ko lang sya at naisip na gwapo din tong loko na to, hindi kalakihan ang katawan pero matangkad, sya ata pinaka matanggad sakanila ang cute nyang tumawa, varsity na varsity talaga yung dating nya.

Bigla syang humarap saakin

"Tinitingin tingin mo?"

wala ako sa sarili at sumagot

"Ang sarap mo"

Bigla akong natauhan sa sinabi ko nakita ko yung ngisi nyang mapang asar at nataranta ako kung anong dapat isunod na salita sa nasabi ko,

"Ah.. ang sarap mong pagmasdan"

pilit akong tumawa at napailing nalang sya

"Bakla ka nga"

sabi nya at sabay palo ko sa balikat nya para hindi maging awkward yung eksena at sinabi kong biro lang. Matapos nun ay wala na syang kibo sa tabi ko at seryosong nanuod nalang sa mga naglalaro sa court.

Medyo napahiya tuloy ako sa inasal nya kaya tumahimik na din ako at kunwaring nanood nalang din, ilang minuto ang lumipas at tumayo sya upang makipag sub kay Gab, kasabay na lumapit ni Gab sa bleachers si Natnat at nagkwentuhan sila. Natapos ang laro nila ng bandang 8:30 nanalo ang grupo nila Gab at nag kayayaan na mag inom sa bahay nila Natnat, balak ko na sanang mag paalam para umuwi pero sinabi ni Gab na sabay na kami umuwi at sunama muna sakanila para ay hindi sya pagalitan ni Tito Kevin at maidadahilan nya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now