Adan's Apple (Part 1)

7.1K 36 1
                                    

Ako nga pala si Adan. May taas na 5’7” at medyo balingkinitan ang aking pangangatawan. Hindi sa pagmamalaki pero may hitsura naman ako. Maputi ang aking kutis. Marahil ay sa hindi ako masyadong naglala-labas ng bahay dahil medyo may pagkamahiyain ako. Ang gusto ko ay nandoon lang ako sa aking kuwarto, nag-aaral, nanonood ng tv o kaya naman ay kapag tag-libog ay nagbabate ng aking itlog. Andito ako ngayon dahil nais ko sanang ibahagi sa inyo ang aking masalimuot na kuwento. Ang kuwentong ito ay tungkol sa aking mga karanasan sa sex kung saan ito ay nagsimula sa wala hanggang sa ito ay hindi inaasahang dumating sa aking buhay.

Graduation Day. Sa wakas, pagkatapos din ng apat na taon ng pagsusunog ng kilay ay nakatapos din ako ng high school. Masayang-masaya ako pati na rin ang aking mga magulang. Di ko talaga akalain na makakatapos ako dahil medyo nahirapan talaga ako sa high school. Ngayon ay kailangan ko nang isipin kung ano ang kukunin kong kurso sa college. Gusto ko sanang mag-arkitekto subalit walang magandang unibersidad na malapit dito sa amin para ako makapag-aral ng arkitektura.

Naisip ko na kung lumuwas kaya ako ng Maynila para doon mag-aral. Kaya lang ay naiisip ko na kung luluwas ako ay tiyak ko na malalayo ako sa aking pamilya at isa pa ay kung saan ako tutuloy habang ako ay nandoon. Marahil ay titira na lang muna ako sa isang boarding house ngunit nagdadalawang isip ako dahil dagdag na gastos pa iyon imbes na maisama ko na lang sana sa aking matrikula. Naguguluhan na talaga ako. Pero biglang naalala ni itay na duon pala nakatira sa Maynila ang Tiyo Gaston ko. Noong una ay hindi ko maalala kung sino siya dahil bihira ko lang siyang makita na bumibisita dito sa amin. Bihira as in bihira talaga. Marahil ay mga dalawang beses ko pa lang siya nakikita sa tanang buhay ko. Si Tiyo Gaston ko ay ang nakababatang kapatid ni itay.

Marahil siya ay nasa kanya nang early o mid 40’s. Hindi ko sigurado ang kanyang edad basta ang pagkaka-alam ko ay bata siya kay itay ng mga apat o anim na taon. Sabi ni itay ay mas makakabuti daw iyon dahil wala daw kasama iyon sa bahay nila ngayon dahil kamamatay lang ng kanyang asawa dahil sa cancer. Naalala ko na si Tiyo Gaston. Siya nga pala ang pinuntahan nina itay at inay noong mga nakalipas na taon dahil nakipaglamay sila. At ang kaisa-isa naman nilang anak na lalaki, sa kasawiang palad, ay namatay naman dahil sa isang masaklap na aksidente. Nakakaawa naman pala siya ngayon sabi ko sa aking sarili. Ang sabi ko na lang kay itay ay pag-iisipan ko muna.

    Makalipas ang ilang araw ay kinausap ako ni itay kung ano raw ang magiging desisyon ko. Medyo nag-aalanganin pa ako sa aking desisyon ngunit napilitan din akong pumayag na sa Tiyo Gaston ko na lang tumuloy. Mas mabuti daw iyon sabi ni itay imbes na sa boarding house pa ako tumuloy, at least doon ay kamag-anak ko pa ang kasama ko. Mahirap na daw dahil medyo delikado sa Maynila ngayon. So, hayun na at tinawagan na ni itay si Tiyo Gaston at pumayag naman siya habang ako naman ay medyo naghahanda na sa aking pag-alis.

Hindi lubos maisip na makakarating din ako sa wakas ng Maynila. Naisip ko kung ano kaya ang lagay ng buhay doon. Sa TV kasi nakikita ko na parang medyo magulo, polluted, at sikisikan ang mga tao doon. Ngunit naiisip ko na lang na kailangan ko talagang lakasan ang aking loob.

    Dumating na ang araw ng aking pag-alis. Medyo drama ang dating dahil umiiyak si inay at ang aking apat na taong bunsong kapatid na lalaki at si itay ay medyo maluha-luha. Medyo paiyak na rin ako. Ngayon lang kasi kami nagkahiwa-hiwalay ng aming mga magulang at ng aking apat na kapatid na puro lalaki. Naisip ko na lang na para ito sa aming kinabukasan. Sumakay na ako ng barko habang naiisip ko ang mga bagay na iiwan ko patungo ng Maynila. Umandar na ang barko at ayun nahilo na ako sa biyahe. Buti na lang at may mga mababait sa barko at binigyan pa nila ako ng gamot.

Hindi ko na rin tuloy maiwasan na makipagkilala kahit medyo nahihiya ako. Medyo bumuti naman ang pakiramdam ko nung tumagal. Hindi lang ako makakain dahil nag-aalala akong sumuka. Matagal din ang naging biyahe ko sa barko. Umabot ng isang araw at kalahati ang biyahe bago ako nakarating ng Maynila. Pag-kababa ko ng barko ay medyo na-excite ako sa magiging buhay ko dito.

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now