Oh Miggy! (Part 1)

4K 23 1
                                    

Tawag sakin ng close friends at family ko ay Miggy, sa kasalukuyan ay nasa 4th year college na ko at kumukuha ng MMARTS sa isang kilalang university dito sa manila. Sinasabi ng iba na sayang daw ako at naiinis ako sa tuwing nakakarinig ako ng ganung bagay, I mean lagi kong naiisip na hindi ba pwedeng mabuhay nalang yung mga kagaya natin na everytime may magc-complement satin wala na yung mga salitang "sayang ka", "gwapo ka sana kaso".

Nakakainis diba? Siguro nga culture na ng tao yung ganyang pag-uugali kaya sanayan nalang, no choice eh. Siguro rin kailangan ko ng simulan yung story na isshare ko sainyo.

Bata palang ako alam ko ng hindi baril barilan ang gusto ko, napapansin na din yung nila mama at papa siguro dahil sa apat na maria ang mga kapatid ko kaya naingit ako at humabol para maging pang-lima. 12 years old ako nung nag ka-crush ako sa mga basketball players na naglalaro sa court na malapit sa bahay namin, simula noon hindi na talaga ko nag ka-gusto sa babae, simula noon namulaklak na ang pagkatao ko at masaya naman ako kasi tanggap ako ng pamilya ko.

Nagising ang makamundong pagnanasa ko sa lalaki nung umedad ako ng 17 years old. Ang nagmulat sa natutulog kong kalandian at kaharutan ay ng mag hiwalay si Mama at Papa (personal problem) Dahil sa malapit ako kay Mama ay sakanya kami sumama ng apat na maria, sustentado parin naman kami hanggang ngayon ni Papa at sya rin ang nagpapa-aral saming mag ka-kapatid kahit hiwalay na sila Mama.

Kaya ng umalis kami sa tinitirahan namin sa Makati ay lumipat kami sa Quezon City kung saan naroon ang side ni Mama. Unang araw na lumipat kami sa bago naming bahay ay todo kamustahan ang mga kamag-anak ni Mama, habang busy sila sa pakikipag usap sa isa't isa ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay namin tinignan ko yung mga kwarto, sa unang pinasukan ko na kwarto ay napansin kong maaliwalas dahil sa dalawang bintana ng silid na iyon, kaya naisip ko na sabihin kay Mama na ito nalang ang gagawin kong kwarto. Habang nag mumuni-muni ay dumungaw ako sa bintana at pinagmasadan yung mga katapat na bahay na sya ring bahay ng mga kapatid ni Mama, habang nakasilip ako ay may natanaw akong grupo ng mga lalaki na papalapit sa katapat na bahay namin nasa 8 sila at mukang galing sa pag lalaro ng basketball base sa mga suot nila at bolang dala dala nila, inisa isa kong tignan yung mga lalaki, well karamihan sa kanila ay may itsura at talaga namang pasok na pasok sa tipo ko.

Tama nga ako at sa katapat na bahay sila pupunta kaya napa-isip ako kung sino kaya ang kamag-anak namin sa grupo ng mga lalaki, Nakadungaw parin ako sa bintana habang pinagmamasdan silang nagk-kwentuhan hanggang sa sumigaw si Tito Kevin at lumapit sa mga kabataang nasa tapat ng bahay at tinawag nya yung pangalang Gab .

Lumapit naman yung Gab kay Tito at tumuloy pa diretso sa bahay namin, Narinig ko namang tinawag ako ni Mama kaya bumaba ako sa kwarto. Pag baba ko ay nakita ko yung tinawag na Gab ni Tito na nag mano kay Mama habang tinitignan ko sya ay naisip ko na gwapo tong isang to, malaki ang katawan nya athletic built at kayumanggi ang kulay ng balat, singkit yung mga mata nya at ang angas ng dating. Gawa ng sa ibang bansa lumaki ang mga anak ni Tito ay hindi namin masyadong kilala ang mga anak nya at hindi pa kami pinapanganak nung nag ibang bansa si Tito kaya hindi rin namin masyado nakikita o nakakasama sya.

Pinakilala sa aming magkakapatid si Gab at sinabing pinsan namin ito, nakipag shake hands naman ito saamin at tinanong pa ko kung marunong akong mag basketball kaya natawa naman ang mga kapatid ko at sinabi na cheer leader ng basketball pwede pa. Nag tawanan naman ang mga kamag anak ni Mama at narinig ko na naman ang nakakainsultong salita na "sayang ka" natawa din si Gab sa sinabi ng mga kapatid ko pero nag sorry naman sya at tinawag pa kong "bro" dahil din hero ko si Mama ay sinabi nya masaya daw dahil nadagdagan ang prinsesa nya kaya nagkatuwaan at nag usap usap ulit sila ng kung ano-ano, Nagpaalam na rin si Gab at lumabas ng bahay at lumapit sa mga kaibigan nya na nasa tapat ng bahay at nakatambay.

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now