Adan's Apple (Part 8)

3.1K 19 1
                                    

Sumapit ang unang araw ng semestral break namin. Dalawang linggong pahinga matapos ng ilang linggong pagsusunog ko ng kilay para sa finals namin. Dalawang linggo rin naming pagsasaluhan ni Tiyo Gaston ang mga gabing hindi kami nakapagsex. Medyo sabik na rin akong masilayan muli ang kanyang matipunong katawan at ang malaki at matigas niyang ari. Ngunit kamalas-malasan ay hindi namin mapagsasaluhan ang mga gabing iyon. Ito ay dahil sa aalis si Tiyo Gaston patungong Cebu. May convention siyang pupuntahan doon at maaring dalawa hanggang tatlong linggo rin ang ilalagi niya roon. Pagkagising ko nang araw na iyon ay nakita kong nakabihis na si tiyo at dala-dala na ang kanyang maleta. Pagkatapos na iwanan ako ni tiyo ng pera ay yinakap niya ako at sinabing mami-miss niya raw ako. Hinalikan ko naman siya sa labi at sabay yakap din sa kanya. Bigla niya akong pinalo sa puwet at pabirong sabi na mami-miss niya rin ito sabay ngiti. Sabi ko naman ay sayang lang at hindi man lang kami nakapagkantutan bago siya umalis patungong Cebu. Natawa na lang siya at sinabing babawi na lang kami pagbalik niya.

    Medyo nakakalungkot ang mga sumunod na araw dahil mag-isa lang ako sa bahay. Bakit kasi kung kailan semestral break ko pa at biglang nagkaroon ng convention si tiyo. Nagtiyaga na lamang ako sa pakikipagusap sa mga kapitbahay namin kahit wala naming katuturan ang mga pinag uusapan namin. Minsan ay nagtutungo na lamang ako sa mall pampalipas oras pero parang nagpapagod lang ako doon kasi hindi rin ako makapamili dahil wala pang perang padala si itay.

    Isang araw habang nanonood ako ng tv ay biglang nakatanggap ako ng isang di inaasahang tawag sa cellphone. Noong una ay hindi ko nakilala ang kanyang boses pero natuwa ako nang malamang si Mark pala iyon.

“Pare, kamusta na?”, ang bati ni Mark.
“Ok naman. Napatawag ka yata.”, ang sabi ko.

“May ginagawa ka ba? Baka kasi nakakaabala ako sa iyo.”, ang sabi niya.

“Hindi naman, wala nga akong magawa ngayon kasi andito lang ako sa bahay kasi nga sembreak.”, ang sagot ko.

“Ganoon naman pala e, tara labas naman tayo.”, ang alok niya.

“Pasensya na pero wala pa kasi akong pera ngayon hindi pa kasi nagpapadala si itay.”, ang sabi ko

“Walang problema dun, libre kita. Kasusuweldo ko naman e.”, ang sabi ni Mark.

“Huwag na lang, nakakahiya naman sa iyo. Pang date niyo na lang ni Chona iyan.”, ang sabi ko.

“Ok lang yun. Sige na, please payag ka na. Hindi ka ba papayagan ng tiyo mo?”

“Wala siya ngayon dito nasa Cebu, may convention kasi siya doon.”

“Yun naman pala e. Sige na para naman makapagkuwentuhan tayo.”, ang pangungulit ni Mark.

Naisip ko na dahil nandito lang naman ako sa bahay at walang magawa ay mukhang mas makabubuting tanggapin ko na lang ang alok niya.

“Sige na nga. Kailan ba?”, ang tanong ko.

“Puwede ka ba bukas?”

“Sige ba.”, ang sagot ko.

“Kita na lang tayo dun sa harap ng mall kung saan tayo unang nagkita. Ayos ba sa iyo ang oras na mga ala una ng hapon?”

“Ayos na ayos.”

“Ok! Paano kita na lang tayo bukas ha.”, ang sabi niya sabay baba sa telepono.

    Kinabukasan, matapos mananghalian ay nagulat ako nang makitang mag a alas dose na pala ng tanghali. Matapos hugasan ang pinggan ay dali dali na akong nagtungo sa banyo para maligo. Nakakahiya kasi na pag antayin ko pa si Mark e heto at ililibre pa nga niya ako ngayon. Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ako patungo sa aming pagkikitaan. Medyo nahuli ako ng ilang minuto sa takdang oras na kanyang ibinigay. Mabuti na lamang at naunahan ko pa pala siya. Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay dumating na rin siya. Napakaguwapo niyang tignan sa suot niyang polo na mukhang mamahalin. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot. Ang bango-bango rin niya sa suot niyang pabango na amoy mamahalin din. Habang palapit siya ay napansin kong mukhang hindi niya kasama si Chona ngayon.

Hidden Desires (M2M Story Collection)Where stories live. Discover now