Kabanata 29

1.6K 24 0
                                    

Dedicated to: SuperGirLyra

Kabanata 29

"Hello best, kamusta na kayo?" Tanong ni Andrew. Akala mo naman hindi nagkita kahapon.

"Ito naman kung maka kamusta akala mo isang taon na hindi nagkita kita" sagot sa kanya ni Karen, speaking of bestfriend ito kumpleto na naman sila.

"J, may dala pala kaming mga pagkain"inilapag ni Felix ang dala nyang bilao ng pancit palabok, napatingin ako sa mga dala nilang mga pagkain panigurado ako yung ibang pagkain dito hindi pwede sa akin. Mga pagkain na galing sa Susies Cuisine, ang napili nilang dalhin dito samin, napangiti ako sino ba namang hindi mapapangiti e, sikat na restuarant ito dito sa bansa.

"Dumaan kayo sa restuarant?" Tanong ko kay karen.

"Ahm,yes,doon sana kami kakain kaso nagbago yung isip namin, mas maganda kung sabay sabay tayung kakain,tutal madalas kalang namin nakaka sama" paliwanag nito.

"Oo,tsaka hindi pa sana kami pupunta doon dahil itong si Andrew ang arti arti hindi daw alam ang lasa ng Susies Cuisine baka daw masayang ang pera nya pambili,mukha daw kasing mamahaling restuarant yun wala nadaw laman ang wallet nya" bigla akong natawa sa sinabi ni Jasmine.

"Inubos ang pera sa mga lalaki nya!" Biglang sabat ni Karen, mga kalukuhan ng mga kaibigan ko nga naman o.

"Wag nga kayung mag sinungaling,J wag kang maniniwala sa sinasabi nila,sa dami ng sinabi nila iisa lang ang totoo, yung wala nakung pera oo totoo yun, pero yung maarti sa pagkain gawa gawa lang nila yun" mahabang paliwanag nya.

"Ah ganun ba akala ko yung pagkain ang ayaw mo?" Naglakad ako papuntang kwarto para silipin yung kambal ko na inaalagaan ni yaya. Sinundan nila ako pero hanggang sa pintuan lang sila para silipin ang kambal.

"Ang c-cute talaga nila mana kay tita" biglang sabi ni Andrew.

"Ako bayun? Oo naman" sagot ni Jasmine.

"Ang kapal, hindi ikaw yung tinutukoy ko,kundi ako" na tinuro pa talaga ang sarili ni Andrew. Nagba bangayan silang dalawa ng hilain ni Felix si Andrew papuntang sala.

"Makikipag away pa e, halika na doon" biglang hila ni Felix kay drew. "Mabuti pa ayusin nalang natin yung mga pagkain para matikman na natin, diba favorite moyun?"

"J, saan pala ang asawa mo?" Tanong ni Karen.

"Oo nga nasan si kuya" libot matang sabi naman ni Jasmine.

"Umalis,may aasikasuhin daw, hindi ko nga alam kung saan nagpunta" paliwanag ko.

"Next nayung punta nyo ng State diba?" Tanong ni Jasmine.

"Oo, tsaka sila baby iiwan namin sa inyo,ayus lang ba?"

"Oo naman,bakit hindi paniguradong matutuwa sila momy nyan" hinawakan nya ang kamay ko at. "Maganda siguro kung kain na tayo" biglang sabi nya.

"Mabuti pa nga" bigla ring sabi ni Karen. Napatingin ako sa mga kaibigan mabuti nalang at may mga kaibigan akong mga katulad nila na hindi nang iiwan sa ere.

"Paunahin nyo mo nang kumain si Andrew,baka kasi malugi pa" asar sa kanya ni Karen at ayan na naman nag umpisa na naman silang mag bangayan. Hindi talaga mabubuo ang mga araw ng mga ito kung hindi nag aaway. Basta ako enjoy lang nakakain ng mga ito. Naglagay ako ng pagkain sa plato lahat ng putahi ng pagkain nilagay ko tsaka ako nag punta ng kwarto para ibigay kay yaya ang pagkaing mga dala ko.

"Ate miryenda ka muna" inilapag ko ang pagkain sa mesa.

"Salamat maam, naku po nag abala kapa, pero salamat" iniwan kuna ito tsaka binalikan ang mga kaibigan ko. Hindi parin sila kumakain kundi nagti titigan lang sa isa't isa.

ONE NIGHT STAND WITH MY PROFESSOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon