IDOLO

69 6 0
                                    

Noong una kong masilayan,
Ang 'yong kagwapuhan
Matamis mong ngiti,
Na sa aki'y nagpangiti.

Hindi ko inaasahan,
Na ika'y aking hahangaan
At habang tumatagal,
Ako'y napapamahal.

Ako'y nakuntento,
Sa panunuod ng iyong mga talento
Mga video sa tiktok,
Na sa karamiha'y pumatok.

At aking napagtanto,
Na sayo'y maraming gumugusto
Sayo'y maraming humahanga,
At ako'y isa lang sa iyong taga-hanga.

Ako'y natawa sa aking sarili,
Dahil sa imahinsyo'y iyong pinili
Ngunit ito'y isang kahibangan,
Dahil kailan 'man ika'y 'di mahahawakan.

 Poems and PoetryWhere stories live. Discover now