AKING INA

21 1 0
                                    

Sa pagmulat ng mata,
Ikaw ang aking nakikita.
May handa na sa hapag,
Na iyong inilapag.

Masayang ngiti,
At ang iyong pagbati,
Ang siyang aking hangad,
Sa umagang bungad.

Paghahanda ng kailangan,
Paghahanda ng kakainan,
Paghahanda ng kasuotan,
Ikaw ang laging nand'yan.

Maraming kasalanan,
Pero ako'y patuloy hinahagkan.
Maraming kamalian,
Pero patuloy inaalagaan.

Wala akong masabi,
Tanging gusto'y manatili ka sa 'king tabi.
Maraming salamat,
Sa pagbibigay ng lahat.

Mahal na mahal kita,
Sana'y ang 'yong ngiti'y laging makita.
Ang mga pangarap,
Akin ding matatanggap.

Sa araw na iyon ay matanggap,
Pawi na ang iyong paghihirap.
Gusto ko palitan ang hirap,
Ng isang tagumpay at isang yakap.

Ina, sa nakakapagod na araw,
Ika'y laging nakatanaw.
Laging nag aalala,
At laging nagpapaalala.

Aking ina,
Ikaw ang aking pahinga.
Ang aking kalakasan,
At ang aking tahanan.

_________________________

Late upload! Tula ko ito para sa aking mahal na ina.

Happy mother's day to all mommies out there!

 Poems and PoetryWhere stories live. Discover now