SANA IKAW NA

38 4 1
                                    

Isang kahilingan,
Na sana magkaroon ng katuparan
Na sana ikaw na,
At wala ng iba.

Hindi maiwasan,
Na ako'y kabahan
Dahil sa walang kasiguraduhan,
At baka tayo'y may hangganan.

Hangganan na ayokong dumating,
Sa mga araw na darating
Sana'y si tadhana,
Matuwa't sakin ka itadhana.

Sana'y 'di niya magawang paglaruan,
Upang ang puso'y 'di masugatan
'Gaya ng pag ibig na nagdaan,
Mga sakit na hindi napaghandaan.

Gusto kong sumaya,
Sa piling mo ay lumigaya
Ayoko na sa iba,
Gusto ko ikaw na.

Sa bawat araw na daraan,
Ikaw pa rin ang panghahawakan
Iyong mga pangako,
Na sana hindi mapako.

Iyak mula sa lungkot,
Bawat araw na may takot
Sana'y sa iyo,
Hindi maranasan ang mga ito.

Sa patuloy na paglakad,
Sa daan na malapad
Sa dilim ng kahapon,
Sa daming ala- ala na natapon.

Ang tanging kahilingan,
Na sana pakinggan
Ika'y maging akin,
At legal na mapasaakin.

 Poems and PoetryWhere stories live. Discover now