BAGABAG

6 1 0
                                    

Ako'y patuloy sa paglakad,
Hinahanap ang hangad,
Hangad na maayos,
Ang gulo sa isipang 'di matapos.

Ako'y nahihirapan,
Maranasan ang kabigatan,
Parang ang bigat,
Dahil parang lahat aking buhat.

Ang isipa'y gulo,
Laging negatibo ano mang anggulo,
Para nang sasabog,
Dahil ang utak ay bugbog.

Bugbog sa sakit,
Dahil sa isipang mapanakit,
Ayoko na nang ganito,
Ayoko na manatili rito.

Gusto kong sumaya,
Sa negatibo'y makalaya,
Gusto kong maranasan,
Ang tunay na kasiyahan.

Gusto kong kapayapaan,
Sa magulong kaisipan,
Sana'y mapagbigyan,
Ang sariling kahilingan.

Nawa'y maranasan,
Ang hiling na kapayapaan,
Nawa'y lumisan,
Ang namumuong kalungkutan.

 Poems and PoetryWhere stories live. Discover now