Chapter 1

4 0 0
                                    

Kathryn's P.O.V

"anak gising na. Magtatrabaho na tayo. "
Magsisimula naman ang bagong araw.

"Opo ma babangon na po"
Bumangon na ako at nagsimula na mag ligpitin ang higa-an ko. At pumunta na sa poso para magligo. Oo sa poso kami naliligo, hindi katulad ng mga iba na may mga gripo sa loob ng bahay nila dahil may mga kaya sila. Eh kami mahirap lang naman kami. Pagsasaka at pangigisda lang ang tanging hanapabuhay ng mga magulang. Pero kahit mahirap lang kami ay masaya parin kami.

"Anak bilisan mo sisikat na ang araw. Baka mapagalitan pa tayo"

Oo tama dapat hindi pa sumisikat ang araw andun nakami. Kaya pumunta na ako kaagad sa may poso. May mga tao narin naliligo yung iba nga naglalaba na.

"Magandang Umaga po! "
Kahit hindi ko nakikita ang itchura nila binabati ko parin. Hahaha!

"Oh magandang umaga rin iha. Maliligo kaba? "

"Opo ale"

"Oh sige mauna kana alam ko na may trabaho pa kayo. "

"Sige po salamat! "

Binilisan ko na maligo dahil kanina pa naghihintay sila ni nanay. Pagkatapos ko maligo ay may kasabay pa ako. Papunta na sila guro ng tubohan.

"Kath, kakatapos mo pa lang maligo? Ay aba bilisan mo. Mahuhuli na tayo. "

"Opo manong."

Kahit hindi ko masyado kilala yun eh dapat may respeto parin.
Pagkadating ko sa bahay ay paalis na si nanay.

"Kathryn bilisan mo. Marami ng taong sa tubuhan. Ay aba sayang din pera."

"Ma mauna kana. Susunod na lang ako. "
Umalis na si mama. Ako naman eh nagbihis na at kinuha na ang mga gamit ko. Sinarado ko na ang pinto at dali-dali akong umalis.
Ako nga pala si kathryn chandria bernardo. Sumisikap para mairahos ang buhay ng aking pamilya. Sabay kong ginagawa ang pag-aaral ko at pagtatrabaho. Mag fofourth na pala ako. Dise-otso anyos na ako.  Alam ko na medyo malaki na ang edad ko pero wala akong pake. Basta ang importante matapos ko ang pag-aaral ko.

Ako na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon