so close

2 0 0
                                    

Kath's P.O.V
kakatapos lang namin mag-ani. Medyo madami rin ang na-ani ko. Yung kalahati siguro ibebenta ko at ang kalahati iko-konsumo namin. Yung makukuha kong benta ibibigay ko kay ate pangdagdag sa baon niya. May summer class daw siya. Kaya kailangan niya. Pero pano naman ako? Magpapasukan ulit hindi pa ako nakakabili ng gamit ko. Hayyy bahala na nga lang.
Ayy ang dumi ng paa ko. Huhugasan ko muna to sa may poso. Pagkatapos ko hugasan eh bumalik na ako sa bahay at nagpalit na ng pangbahay. Naka sleeveless at palda lang naman ako. Alam ko ang baduy pero sanay na ako. At karamihan sa mga kababaihan dito ay ganito din ang suot nila. Sinuklay ko ang buhok ko. Hindi naman siya masyadong mahaba hanggang balikat ko lang. Nagsimula na akong magsaing. Maya-maya ang uuwi na si nanay. Pero hindi ko alam kung ano ang lulutin kong ulam. Puntahan ko kaya siya.

"Hi kathryn! San punta mo? Pwede ba akong sumabay? "
Naku naku eto naman sila.

"Alam mo jason wag na. Sagabal ka lang sa buhay ko. "
"Booom panes!" Sabi ng katabi nya. Tama lang naman yun. Dahil hindi ko siya gusto.

Binilisan ko ang paglakad papunta kay nanay.

"Nay!" Sabi ko.

"Oh ano anak? May problema ba?"

"Ahh ano po kasi ano pong gusto niyong ulam? Lulutuan ko po kayo."

"Naku anak wag ka nag mag-abala mag gisa ka na lang nga bagoong. Masarap yun"    
Sabi ko na nga ba bagoong naman ulit. Pero masarap naman talaga yun ah.
"Sige po nay. Alis na po ako. Magluluto na po ako. "

Papunta na ako ng bahay ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Kathryn!" Tumalikod ako at tinignan ko kung sino ang tunawag sa akin.
"Oy daniel!" 
"San ka pupunta? "
"Pauwi na. Ikaw kamusta yung lakad mo sa bayan? "
"Ayun ako ang una sa pila. Kaya nakauwi ako kaagad. "
"Ahh kaya naman pala eh. Ohsige pasok na ako ah. Magluluto pa ako eh."
"Magluluto ka ng -
"Bagoong" sabay namin sinabi.
"Hahahha. Sabi ko nga ba kath eh. Araw-araw bagoong. Pero okay lng yan masarapa naman diba. Penge naman ako."
"Edi magluto ka."
"Sige naman kath oh. "
Matitiis ko pa ba ang kaibigan ko?
"Osige na nga kwago punta ka lang dito maya-maya."
"Yes! Sabi mo yan ha. "
Tumakbo siya papasok ng bahay nila. Eh magkapitbahay lang naman kasi kami.

"Kath!"
Uy sakto kakatapos ko lang magluto. Nagsandok na ako ng kanin at ng masarap naming ulam. At kumuha na din ng mga kubyertos.
"Andiyan na. Sandali lang."
"Bilis gutom na ako!"

"Ano ba naman dan-nanay. Kayo po pala. " hayy akala ko ba naman si daniel. Babataukan ko pa sana. Muntikan na ah. Hahaha!

"Sino ba ang hinihintay mo? Si daniel? Itusan siya ng nanay bumili ng sabon."
Tumango na lang ako. Kumuha na ako ng baso at nilagyan ng tubig at binigay kay nanay sigurado ako pagod siya.
Tapos na si nanay kumain. Nagpahinga lang siya sandali at umalis na din.

Bigla na lang bumukas ulit ang pinto at bumungad dito ang kwago na si daniel.
"Oh makatingin ka negra parang may nakita ka na gwapo. Uyy kilig siya. "
Sinusundot-sundot niya lang ang tagiliran ko.
"Che. Tigil ka nga. Anong gwapo kwago kaya. "
"Sus." Pumunta na si daniel sa hapagkainan at kinuha ang takip ng pagkain( hindi ko kasi alam kung ano ang tawag sa square na parang plastic na takip para sa pagkain para di mangalangawan)

"Uy sakto may kanin. Gutom na ako eh. Dito na lang ako kakain. "
"Oo na. Sandali kukuha lang ako ng pinggan. "  kumuha na ako ng pinggan tig-isa sa amin.
"Oh eto na. " pero hindi pa siya kumukuha ng kanin.
"Ato pa hinihintay mo? Ako pa kukuha ng kanin para sayo? "  pero hindi parin siya umiimik. Nagsandok na lang ako ng kanin at nilagay sa pinggan niya.
"Ayan na may kanin kana. Ay sandali lagyan lang kita ng ulam para kompleto na." Nagsandok narin ako sa sarili ko para kumain na rin pero si daniel hindi pa kumakain.

"Ano ba naman daniel. Ano pa hinhintay mo. Kung nag-iinarte ka naman uma-"

"Eto naman si negra eh. Hindi mabiro kakain na nga eh. Teka kakamay lang tayo? "
"Oo bakit aangal kapa? "
"Oo hindi na po nay. Kakain na po ako."
Nakakainis talaga to si daniel. Nay? Sobrang tanda na ba ang itchura ko? Ang ganda ko kaya. Hahaha. Joke lang. Sabay kami natapos ni daniel sa pagkain. Kinuha ko na ang pinggan niya at pumunta sa lababo para hugasan ang pinagkainan namin. Bigla ko na lang na-alala na malapit na lang pala ang pasukan. Hindi pa ako nakakabili ng mga gamit ko.

"Ahh kath.."
"Ba-ba kit.." nasa likod ko lang pala siya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Ahh aalis na ako. Salamat kath." Bakit parang iba.
"A-ahh oo sisige." Tinitignan niya lang ako sa mata at biglang bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Linayo niya na ang mukha niya naglakad palabaa ng bahay.
Woooohhh grabe. Ano yun? Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Tapos tumingin pa siya sa labi ko. Hahalikan nya ba ako?

"Sus asa ka naman kathryn, iba ang gusto nun. Hindi ka mahal nun. Kaibigan lang ang turing niya sayo. Eh bakit mo naman kasi binigyan ng meaning ang nangyari ha? Kathryn wala yun. Imahinasyon mo lang yun. "

"Sino kausap mo? "

"Wahhhh! " muntik ko nq mabasag ang pinggan.

"Ano kaba naman kiray. Ginulat mo naman ako."

"Hahaha! Eh sino ba kasi ang kausap mo? Ha? Nababaliw kana ba? Hahaha!"

Naku narinig niya yun? Ano ilulusot ko dito?

"Ahhh ano kasi yung sa play natin nung third year. Ahh oo yun nga yun play. Yun dialouge ko diba. Minemorize ko lang ulit. Na miss ko na kasi yun. "

"Ahh ganun ba. Sige punta na ako sa tubuhan. "  at umalis na nga siya. Wooohh muntik na yun. Buti nakalusot. Tapos na ako maghugas at nagbihis na ulit ng damit papuntA sa may tubuhan.

Ako na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon