9

0 0 0
                                    

Alam niyo ang sarap magupdate ngayon kasi umuulan. Ewan ko ba kung bakit.

--------
Daniel's P.O.V

Fiesta na dito sa bayan ng enrique. Marami ng nakasanit na mga banderitas mga tao
Lalo na sa peryahan. Kakagaling ko lang din dun nawalan din ako ng gana sa paglalaro dahil dumami na ang tao.

Kahit saan na bahay ka dumaan may mga bisita. Halos lahat siguro naghanda. Sa bahay siyempre may bisita. Kaya ayaw ko din umuwi ngayon kasi sigurado ako uutusan lang ako. Ang tamad ko no? Hahahaha! Punta na lang kaya ako sakanili kath. Para ako naman ang bisita.

Pagkatapat ko sa bahay nila eh marami nga silang bisita. Ang tatay at kuya ni kath eh nagiinuman na kasama ang kanilang bisita.

"Uy daniel tagay ka oh. " abot sakin ng tatay ni kath. Ininom ko din. Bakit akala niyo hindi ako umiinom? Kung hindi ako umiinom siguro sobrang bait ko na yata. Pero hindi naman ako talaga nagpapalasing.

"Daniel!" Tumingin ako kung sino ang sumigaw si kath pala. "Nakisali ka din sa tagayan nila?! Sumbong kita kay aleng karla mamaya!"

"Nagsalita ang hindi!" Oo tama ang iniisio niyo tumatagay din to. Pero konti lang. Siyempre alam din ng mga magulang namin. Para wala ng sikreto. Hindi niya na lang pinansin ang sinabi ko pumasok na lang siya bahay nila at sumunod din ako. Umupo ako sa kawayan nilang sofa. Komportable na ako sa bahay nila kath. Madalas kasi ako dito. Inabot niya sa akin ang pinggan na may pagkain. Kinuha ko din at nagsimula ng kumain.

Ang sarap nga eh.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Kath's P.O.V
Malapit na lumubog ang araw sila ni papa at kuya, ayon knockout! Kami na lang ni mama ang natira na hindi lasing. Ay hindi lang pala kami pati na rin sa kwago. Nagliligpit kami ni mama eh si kwago nakahiga sa sofa namin.

Hayyy! Sa wakas eh tapos na rin kami maglinis at magligpit. Alas syete na rin ng gabi at hindi pa rin umuuwi sa daniel.

"Oy hindi kapa ba uuwi? " tanong ko. Pero hindi niya lang ako pinansin. Tumayo siya at.....

"Aleng min pwede ho ba kami pumunta ni kathryn sa plaza? "

"Bakit anong gagawin niyo dun iho? "

"Ahh makikisaya at manonood." Sabi ni daniel.

"Ohsige ba. Pagbibigyan ko ngayon si kathryn. Umuwi ka kathryn kahit anong oras basta kasama mo si daniel. At ikaw daniel" ano?! Ano sabi ni mama?! Pwede akong umuwi kahit anong oras?! Milagro yun ah! "Ingatan mo ang dalaga ko. Pag ito lumobo ang tiyan at hindi ikaw ang tatay. Alam mo na ang gagawin ko sayo."

"Nay ano ba sinasabi mo diyan?!" Etong katabi ko tawa lang tawa.

"At anak magbihis ka ng damit mo. " tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Hanap lang ako ng hanao ng magandang isusuot kaso wala talaga eh.

"Naku dalaga na talaga ang anak ko. Wala siyang makita magandang isuot. Oh eto damit yan ng ate mo naiwan niya suotin mo muna. " kinuha ko ang damit ni ate. Wow ang ganda! Color blue lang naman niya na dress na sleeveless na above the knee. Inabot rin sakin ni nanay ang doll shoes na color white na blue. Sinuot ko na ang damit ko at ang sapatos naglagay lang ako ng kaunting pulbo. At tada!! Tapos na lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si daniel naiinip na sa kakahintay. Pagkakita niya sa akin. Nagulat siya, siguro namago siya suot ko. Ngayon lang kasi ako nakasuot ng ganito. Lumalit na ako sakanya. Nakatunganga parin siya na nkatingin sakin.

"Oh ano ang ganda ko no?" Ilabg sandali lang eh nagsalita rin siya

"Hahaha negra mo talaga. Halika na nga alis na tayo. " nagpaalam nakami kay nanay.

Ang sabi ko nga sainyo dato medyo malayo pa ang plaza galing sa bahay namin. Kaya eto naglalakad kami. Panay nga ang tingin niya sakin. Che pabayaan ko na lang yan. Nagandahan lang yan sakin. Ayaw pa sabihin.

Hindi muna kami pumasok sa plaza, nag'aya pa si daniel na bumili ng isaw. Hindi ako bumili kasi wala ako dalang pera.

"Oh sayo na to. Alam ko wala ka dalang pera. Libre kita ngayon. Ngayon lang ha!"

Diniinan niya pa talaga ang ngayon. Binilhan niya din ako ng softdrinks. Nagkwento-kwento lang kami ng kung ano-ano. At nangbusog kami papasok nakami na plaza.

Papasok nakami sana ng makita ko may bayad pa bago pumasok. Singkwenta ang babae at lalake. Aba! Ang mahal naman nun.

"Wag na tayo pumasok. Mahal ng bayad eh. " sabi ko kay daniel.

"Di papasok tayo. Ako bahala. " lumapit kami ni daniek sa nagbebenta ng ticket. Kinindatan niya tinignan ko kung sino yung kinindatan niya eh bakla pala. Hahahah! Binigyan siya ng dalawang ticket.

"Oh eto na. Galing ko no? Bilib ka sakin no?!" At kinindatan niya rin ako.

*hampas sa braso no daniel*
"Naku daniel hindi mo ko madadala sa ganyan. Tsaka baka sa susunod mabalitaan ko na lang na jowa mo na pala yun. Hahahaha!"

"Aray sakin nun ha. " *himas sa braso niya* "hindi mangyayari yun no. At labag sa loob ko na ginawa ko nga yun eh. Ginawa ko yun para sayo. "

"Halika na nga pasok na tayo. " inakbayan lang ako ni daniel. Gusto ko sana alisin ang pagkakakbay niya sakin. Kaso parang nagsasabi sa kalob'looban ko na wag. Kaya pinabayaan ko nalang.

Nakita namin sila ni kiray, ej, arisse, pat, miles, marco, aria at dominic. Yung iba mga kaibigan na ni daniel kaso hindi ko na alam ang pangalan nila. As usual pagkadating namin dun eh inasar naman kami dahil nakakbay si daniel sakin. Hindi ko lang sila pinansin nakakatamad magsagutan sa kanila.

"In 5 mintues we will start the disco"

Sabi ng emcee dun sa stage. Nagsihiyawan ang mga tao dito sa loob. Lalo na ang grupo namin, excited masyado. Maya-maya eh nagstart na ang music. It's disco time!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Part one pa lang po to. Next ang part two ng chapter 9. Keep reading guys. Love you all. ❤❤❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon