Kath's P.O.V
papasok na kami ng mall. Pero sumusonod sa amin ang bodyguard ni julia. Hindi naman siguro artista si julia para kailangan niya pa ng bodyguard na sunod sunod sa buntot nito. Tinanong ko si julia bakit may bodyguard pa sabi niya basta lang. Nakadaan nakami sa national book store. Pero hindi kami pumasok. Hindi ko alam kung saan kami pupunta neto. Pumasok kami sa isang boutique dito. Hay naku si julia talaga. Shoppaholic talaga. Pumunta siya sa isang stall. Kinuha niya lahat ng gusto niya. Juicecolored. Paano niya susuotin lahat ng yan. Puno na siguro ang aparador neto."Kath halika. Isukat mo lahat to. " tatanggi pa sana ako kaso tinulak niya ako sa loob ng dressing room. Labas pasok lang ako. Nakakapagod din kaya no. Kahit ano sinusuot ko. Hanggang sa naubos na lahat. Wooah. Salamat at tapos din. Hindi ko kinaya ang papalit-palit ng damit.
Kinuha ni julia ang lahat ng damit na nasa loob ng basket at linagay sa counter. Wag niyang sabihin na lahat nang to bibilhin niya."Julia ang dami na niyan."
"Dont worry. Okay lang". Naku si julia talaga. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin lahat ng to. Pero hindi pa tapos pumasok pakami sa isang boutique pang lalaki naman siya. Sino naman kaya ang bibilhan niya? Boyfriend niya? Eh wala naman siyang sinabi na may boyfriend siya ah. Ex lang. Puro t-shirt, pants, wallet, sando. Binili niya ang lahat nang yun. Ay hala lahat pinabit-bit niya sa bodyguard niya. Kawawa naman. Tutulungan ko na sana kaso tumanggi pa, kaya niya naman daw. Pumasok naman kami sa isang boutique pero puro pang adult ang style at ang sizes nila. Kung ano-ano ang pinagkukuha ni julia. Lahat ng pinili niya binili niya. Naku malaki-laki rin ang utanh ko kay julia ngayon.
"Lika bili na tayo ng school supplies. " hinila na niya ako. Naku akala ko hindi na kamo bibili. Pumasok na kami sa national boom store. Kahit paano eh kilala ko rin ang shop nato noh. Ilang bese narin ako nakapasok dito nakasama ko si julia. Siya lang daw pipili para sa akin. Maglibot-libot na lang daw ako. Maya-maya eh nakita ko si julia nasa counter na. Nagbabayad. Nakita ko lahat ng binili niya. Ang damiiiiiii. Ang kailangan ko lang naman eh kontinh notebook, papel at ballpen yun lang. Hindi ang buong tinda dito. Pinakuha na niya sa guard ang lahat ng binili nya. Ipapalagay daw sasakyan nila. Akala ko uuwi nakami pero kakain pa daw kami. Papasok kami sa KFC. Ang sarap kaya dito.
"Ano gusto mo kath?"
"Kahit ano na lang julia. ""Sige sabi mo eh. Hanap ka na lang ng mauupuan natin. " naghanap na ako. Hinintay ko lang si julia maya-maya ah dala na niya ang order. Korean bibimbap daw. Kahit maanghang eh masarap pa din. Nakita ko si julia na namumula dahil sa anghang. Natapos na kami kumain. Akala ko uuwin na kami pero hindi pa pala.
"Kath i know na medyo pagod kana. Pero please pwede last na lang to ang pupuntahan natin. " ano??! Hindi pa tapos! Juicecolored. Julia naman oh.
"Ahh osige. Walang problema. "
Lumabas nakami ng KFC. Pumasok nakami sa department store. Nakalimutan ko sabihin na nasa SM pala kami. Kumuha naman siya ng cart. Kumuha siya nang mga gusto niya. Puro accessories, yung iba perfume, at sapatos. Si julia talaga oh. Hindi pa ba siya nagsasawa sa mga sapatos niya? Pero hindi heels ang kinuha niya flats at doll shoes lang. Pagkatapos eh. Lumabas na kami at umuwi na sa bahay nila. Sobrang nakakapagod ang araw nato.--------------------------
Kakadating lang namin sa bahay nila julia. Uuwin na rin ako baka nag-aalala na sila nanay. Lahat ng mga binili ni julia para sa akin ay nasa auto na daw. Ihahatid na lang daw ako nila."Ahh tita celia. Uuwi na po ako. Baka nag-aalala na sila eh. Thank you po talaga ah. "
Nag kiss na lang ako sa pisngi ni tita."Pero sandali lang kath. Binilhan ko pala kanina kayo ng mga groceries. At kanina pala may natira pang pagkain. Sayang kasi kung itatapon ko kaya ito na lang iuwi mong hapunan para sa pamilya mo. "
"Naku tita. Maraming salamat po talaga. "
Nag smile na lang si tita.
"Ba-bye sisterette. See you soon. Bisita ka ulit sito ha. "
" sig try ko." Nagbeso-beso na lang kami ni julia.Pumasok na ako sa auto nila at nagdrive na ang driver papunta sa bahay namin. Medyo mahaba din ang biyahe.
"Manong pwede po ba gisingin niyo po ako pag nasa bahay na? "
"Sige po mam. "
Natulog na lang ako dahil sa pagod. At sakit ng paa ko sa kakalakad.---------------------
"Mam andito na po tayo."
Nagising ako sa sinabi ni manong. Bumangon ako at nakita ko ang daming tao sa labas. Bihira lang kasi may dumadaan ng sasakyan dito. Binuksan ko na ang pintuan at dali-dali pumasok sa bahay."Nay, tay, kuya andito na ako." Biglang lumabas sila nanay at tatay sa kwarto. Eheemmm smell something fishy. Wahaha. Nag-mano ako sakanila ni nanay. Isa-isa pinasok si manong ang mga dala ko.
"Uy kathryn anong ginanwa mo dun ant daming dala mo? " sabi ni kuya.
" mas mabuti pa sam tulungan mo na lang dalhin papasok ang mga dala ni bunso." Sabi ni tatay. Ilang sandali lang eh tapos na. Umalis na din si manong."Oh bakit ang dami naman neto anak. Akala ko may sasabihin lang sila sayo?"
"Eh kasi po nay,tay,kuya. Akala ko din po eh. Yun pala eh umuwi na pala si julia. Kaya ayun. Binilham nila tayo. Si julia rin bumili ng mga school supplies ko. At binilhan niya rin po kayo ng mga damit diyan. At mga groceries. Hindi po ako ang humingi niyan. Kusa po nilang binigay yan. "
"Eh ano pa nga ba ang magagawa natin. Bumawi na lang tayo sa susunod."
Isa-isa nilang binuksan ang mga bigay nila julia. Ngayon ko lang ulit nakita sila ni nanay, tatay at kuya na ganito kasaya. Kamusta na kaya ngayon si ate? Kinuha ko na lang yung saakin at nilagay sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Ako na Lang Sana
Hayran KurguYung taong nandiyan palagi para sayo. Yung taong yayakapin ka kapag may problema ma. Yung taong proud na proud sayo. Yung taong iintidihin ka.Yung taong kahit inaaway mo, di pa rin sumusuko. Yung taong dahilan kung bakit ka nakangiti. yung sobrang h...